#1

79 2 0
                                    

#1

Her POV

Isang magandang simula sa umaga ay ang humarap ka sa salamin at purihin ang iyong sarili.

''Ang ganda ko talaga!''

Sabi nga nila 'Tangkilikin ang sariling atin'. Yan ang lagi kong ginagawa dahil sabi nga ni Itay ako daw ang pinakamagandang regalo na natanggap niya sa tana ng buhay niya. At dahil nga ako na ang pinakamaganda, hindi na siya nagkaroon pa ng tsansa na humanap ng mapapangasawa niya. Nakuntento nalang siyang palakihin akong maganda at sa tingin ko na-achieved naman niya ang goal niyang iyon. LOL

Hindi talaga ako totoong anak ni Itay. Napulot niya lang ako somewhere down the road noong nangangalakal pa siya ng basura, but now may own junkshop na siya. Oha? May pera talaga sa basura at may beautiful creature pa.

Dahil nga sa angkin kong kagandahan at ka-cute-an noong ako'y musmos pa lamang, kinuha niya ako at inalagaan. Dati madalas ko siyang kulitin tungkol sa mga tunay kong magulang, syempre kahit paano gusto ko silang makilala. Pero nung nagtagal na, nagsawa narin ako. Kung nagawa nila akong iwan, magagawa rin nila akong muling balikan. Tiwala lang.

''Pretty! Pretty! Anak, baba na dyan! Male-late ka nanaman! Palagi nalang. Hindi kana nahiya sa titser mo. Ang lapit-lapit lang ng eskwelahan, nahuhuli kapa sa klase mo. Ay naku, bata ka! Pretty! Pretty!''

  Napatalon ako sa gulat mula sa pagtitig ko sa aking sarili sa salamin dahil sa biglaang pagmo-monologue ni Itay sa ibaba.

''Andyan na po Itay!'' sabi ko nalang para di na sya ma-stressed.

 

Pagdating ko sa ibaba nakahanda na ang almusal. All made by Itay himself.

''Magandang-maganda pa ko sa umaga Itay! Mabuhay!'' Tinaas ko ang dalawang kamay ko at akmang yayakap kay Itay pero pinigilan niya ako.

''Na uh. Tsk tsk. Antagal-tagal mo sa kwarto mo pero hanggang ngayon hindi kapa nakakaligo anak? Late ka na nga, ang bantot-bantot mo pa.''

Napanguso ako sa sinabi ni Itay. ''Itay naman! Why so rude?''

Ipinadyak ko ang isa kong paa na parang batang inagawan ng kendi. Ang harsh naman masyado ni Itay. Ganyan ba talaga ang isang matandang binata na never pang nagka-girlfriend? Ayt.

''Oh sya sya. Umupo kana dyan at nang makapag-almusal kana. Mamaya andyan nanaman si Jojo para sunduin ka, bilis bilis. Dobel taym! Dobel taym!''

Bahagyang tinulak-tulak pa ko ni Itay sa upuan. Haaay.

Mabilis kong pinasak sa bunganga ko ang dalawang pandesal na nakahain sa mesa. Habang nginunguya ko ito, kinuha ko ang gatas na choco na tinimpla ni Itay at inisang lagok ko yun.

''Tapos na! Salamat sa almusal Itay, lab yu! Goli na'ko.''

Tulala lang si Itay at bago pa sya makahanap ng sasabihin umakyat na ulit ako sa kwarto para makapaghanda sa pagpasok. Sa pag-akyat ko nakita ko pa si Itay sa peripheral vision ko na pailing-iling sabay bulong ng ''Haay. Napaka-masunurin talaga ng anak ko, nakaka-tats!''

    Nang nasa kwarto na ako, hinanda ko na ang susuotin kong damit at hinalungkat ko na ang packbag ko sa lumang aparador. Ako kasi yung tipo ng estudyante na mahilig sa rush hour. Huwag niyo nalang pong tularan. -_-

  Itinaktak ko lahat ng laman nito para di ko na madala mamaya yung mga di ko na kakailanganin pa.

  Naglaglagan lahat ng photocopy, ballpen, calculator, lapis, scratchpaper, iba't-ibang klase ng flavor na balat ng Fres candy, balat ng chikitos, crumpled tissue paper at...

   ...isang lumang litrato na kuha pa dalawang taon na ang nakararaan.

Kinuha ko ito at pinagmasdan. Napangiti ako at napailing.

'It's been so long and yet you're still not here.'

When Ying and Yang CollidesWhere stories live. Discover now