#2

35 2 0
                                    

#2

Nag-uumpisa palang ang araw ko pero chapter two na agad? Baka sa susunod na kabanata eh ending na. Edi wow! Enways, ready na'ko for school at nasa baba narin daw si Jojo sabi ni Itay.

If you're wondering who he is? Well, siya lang naman ang kapita-pitagang pinagkakatiwalaan ni Itay na magbantay sa akin sa eskwelahan. Third year college na kami pareho pero magkaiba ng kurso. Siya, Computer Engineering at ako, Business Administration.

Mayaman si Jojo, nakatira sya sa village samantalang ako sa gillage. As in, sa gilid ng village nila. Pero hindi naging hadlang ang mga estado namin sa buhay para maging matalik kaming magkaibigan. Pamilya din nila ang tumulong sa amin ni Itay upang makapag-aral ako ng kolehiyo. Sa kasalukuyan nga, ay scholar na ako sa eskwelahan at bilang kabayaran man lang ay nagpresinta na akong maging student assistant sa library tuwing may vacant time ako.

''Hanggang anong oras mo ba kailangang titigan ang sarili mo sa salamin Pretty Angeline Torrez? Dalhin mo na kaya yan nang makaalis na tayo.''

Nabalik ako sa huwisyo dahil sa lalaking bigla-bigla nalang pumasok sa kwarto ko. Tiningnan ko sya mula sa salamin at napangiti.

''Sige ba, ikaw naman ang magbi-bitbit dibadibs?'' Sumimangot siya sa isinagot ko at mas lalo pang lumuwang ang pagkakangiti ko. Hindi na nasanay sakin itong mokong na'to. ''Oh sya sya, tara na bago ka pa mag-super-sayan dyan.''

Kinuha ko ang bag ko at hinila na si Jojo mula sa pagkakasandal niya sa gilid ng pintuan. Pagkababa nakita namin si Itay na nagbabasa ng dyaryo. ''Una na kami Itay, ba-bye!'' Didiretso na sana ako palabas nang bigla akong pinigilan ni Itay.

''Uy uy! Ano yang mga kamay na yan? HHWWPSSP!? Ikaw Jojo ha! Sinasabi ko na nga ba at may HD ka dito sa anak ko. Kadiri ka! Anak sandali at mag-alcohol ka muna.'' sabi ni Itay na mukhang nandidiring nakatingin kay Jojo.

''Mang Noel ano ba yang pinagsasabi niyo? Kayo itong nakakadiri eh.'' iritableng sagot naman nitong si Jojo na kanina pa tingin ng tingin sa wrist watch niya.

''At talagang sumasagot kapa ha. Umamin kana-''

''Itay enough na po. Late na kami oh! Ba-bye na uli. Mhuaah!'' Hinalikan ko na agad ng mabilis si Itay sa pisngi at hinila ulit si Jojo palabas. ''Success!''

''Tuwang-tuwa ka ha.'' Puna sakin ni Jojo. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng tsekot niya, umikot siya papuntang driver seat at nagsimula ng magmaneho. Nga pala, hindi totoong malapit lang ang eskwelahan mula sa bahay namin. OA lang kasi itong si Itay minsan eh. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko yun.

First day ng second sem namin ngayon kaya atat na atat itong kasama ko na maaga makapasok, palibhasa president kasi si Jojo ng Department nila. Dapat model student lagi ang dating niya.

''Nga pala Pats, may mga transferees this sem galing Damnson University.''

Tiningnan niya ang magiging reaction ko mula rearview mirror. I sigh and smile.

''That school of delinquents. Isa ba siya sa mga nagtransfer?'' Alam ko na agad kung sino ang pinupunto niya. It's him.

Itinigil niya ang sasakyan, nasa tapat na pala kami ng Highland University.

''Antalino ah! Yes, he is and there's more.'' Ngumiti siya ng makahulugan sa akin at pinaandar na ulit ang kotse para makapag-park. ''He brought his friends too.''

''Well, good to know that.'' Nang makapag-park na siya, hinarap niya ako at tinuktok ang noo ko. ''Aww! Ano ba Jojo?!''

''Ano ba namang reaksyon yan Pats? Good to know that ka dyan. Anong good dun? Nagsama pa siya ng anim na tutulong sa kaniya para lang makapaghiganti sayo!'' Panenermon niya sa akin.

Ako naman ang tumuktok sa noo niya at pinisil ko pa ang ilong niya. ''Aray! sobra yun ah.''

Napahagikgik ako sa kanya. At nang makaget-over na ako, ngumiti ako at nagseryoso.

''It's good to know na may mga kaibigan na siya ngayon.'' Kinuha ko na ang mga gamit ko at ako na ang kusang nagbukas ng pinto ng tsekot niya. ''Tara na?''

Gumanti siya ng ngiti sa akin. ''Ang optimistic mo talaga Pats.''

Nagsimula na kaming maglakad ng sabay. I guess this semestral will not be so ordinary the way it should be.

When Ying and Yang CollidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon