#4

28 2 0
                                    

#4

''Gelo ko...''

Parang biglang tumigil pati oras. Maiiyak pa ata ako neto. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinilit ulit na ngumiti.

He's still staring at me. Pero panandalian nalang iyon, natauhan ata siya at bigla niya akong inirapan. Usual him. Nang-iirap sa mga taong ayaw niya.

Nagtuloy-tuloy na ako sa upuan ko at naupo. Binati ko ang katabi ko na nasa left side nang upuan, si Riema. ''Goodmorning Riema! Kamusta?''

Kinawayan ko pa siya kahit ang lapit lang niya. Pero sa halip na sumagot, pilit niyang isinisiksik ang sarili niya sa gilid. Eh?

''Nakakasilaw na liwanag. Masyadong kang maliwanag.'' Nilagay pa niya ang isang kamay niya sa tapat ng mata niya na parang nasisilaw. ''May mga maliliwanag ding nilalang sa likod. Ayoko na rito. Ayoko na.''

''Eh? Pfft. Ikaw talaga, mapagbiro ka!'' Hinampas ko pa sya ng bahagya sa balikat.

''Nahawakan ako ng magandang nilalang. Nahawakan ako ng magandang nilalang.'' Hindi makapaniwalang bulong niya.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Sinuri ko siya na parang science experiment. Ano kayang nagustuhan ni Jojo sa kanya? Yeah, you read it right. May gusto si Jojo kay Riema, mula pa first day of school noong freshmen palang kami dito sa college. Sabi ni Jojo, love at first sight daw. Unang kita palang daw niya kay Riema, tumibok na ang puso niya. Pwe! Umabot pa na idinikit niya sa bawat sulok ng dingding ng kwarto niya ang mga stolen shots ni Riema na sya pa mismo ang kumuha at meron pa sa mismong cieling. In short, stalker sya ng babaeng pinaglihi sa kulto.

Sikat si Riema. Sikat sa pagiging weirdo niya. Mahaba ang buhok niya na hanggang bewang, bangs na halos takpan na ang kalahati ng mukha niya. Baduy na shirt, baduy na palda na hanggang sakong at rubber shoes na dirty white ang kulay. Kung kilala niyo si Sunako Nakahara, siyang-siya yun. For real nga lang.

Hinayaan ko nalang siyang magpaka-weirdo sa sulok. Normal lang sa kanya yan. Pinagkasya ko nalang ang sarili ko sa pakikinig sa sinasabi ni Sir Marco sa harapan. Patango-tango pa ko na parang may naiintindihan, where in fact wala naman.

Nagdismiss din siya agad dahil nga first day palang, kumbaga puro introduction lang for the whole day. Inayos ko na ang mga gamit ko para lumabas at pumuntang library, two hours ang vacant bago ang next subject. So may time pa ko para mag-assist sa mga stupidents na tambay sa library, yung ibang scholars nagtu-tutor and the rest ginagawang alalay or taga-gawa ng homework ng mga bullies. Masaklap ba? Well, that's how it works here in Highland.

Patayo na sana ako nang bigla nalang kumuha ng tig-i-isang upuan ang mga transferees at pinalibutan ako. Nasa likod ko parin si Gelo, now what to do?

''Okay?'' Nilibot ko sila isa-isa. Mas nakaka-starstruck pala sila sa mas malapitan. May kambal, panu ko nasabi? Magkamukha eh. Then may mukhang genius, womanizer, nice guy at silent type.

''Ang ganda nga niya talaga.'' sabi nung isang kambal na parang namamanghang nakatitig sa akin. Binatukan naman sya agad ng kapatid nya. ''Aww!''

''Psh. Bopols! Rinig ka ni Boss.'' sabi pa ng kapatid niya. Nilingon ko si Gelo na prenteng nakaupo at nakatitig pala ulit sakin. This time, parang gusto na nya kong sakalin.

''Go straight to the point Prince Angelo Toquero.'' sabi ko ng kalmado.

''I want you...''

Tinaasan ko lang sya ng kilay. Alam kong hindi pa iyon tapos. He wants something else.

''I want you... I want you dead.''

When Ying and Yang CollidesWhere stories live. Discover now