kabanata 14

336 10 2
                                    

"Aalis na ako!" Sigaw ko ng makalabas ako ng bahay at saka sumakay ng bisekleta ko papuntang school.

Hayyy.... Being born in this world make me happy and sad at the same time. Dahil alam ko na may oras na mawawala din ako dito sa mundo. At ang masakit nun ay kung hindi ako mauunang mamatay ay ang pamilya o kaibagan o di kaya ay ang mga mahal ko sa buhay. Matagal ko ng inihanda ang sarili ko sa kung anong mangyayari. Pero tila hanggang ngayon ay hindi parin ako handa. Naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa bujay ko ay isa lamang sa mga trials saakin ng diyos. Kaya tatanggapin ko kung ano mang kababaksakan sakin sa huli o ang kapalaran ko dahil ang paniniwala sa kapalaran o destiny ay parte ng pananampalataya sa diyos. Hindi man ako religious person dahil ang totoo niyan ay wala akong relihiyon pero naniniwala naman akong may diyos na siyang komokontrolado sa buong mundo at sa lahat ng mga nangyayari. Hindi naman ako kasing tanga kung hindi ko pansin na ang diyos ay totoo. Masyado Siyang maraming pinapadalang signs kagaya nalang ng Ulan, Buwan, Araw, pati na rin ang lindol at itong hangin na nagbibigay ng buhay sa lahat ng tao at marami pang iba. Hindi sa pagmamayabang huh, Pero sasabihin kong matalino akong tao dahil bakit ako magiging president ng paaralan kong hindi. Alam ko na may paliwanag ang Science kung bakit may Araw, buwan, Ulan at iba pa pero hindi ako naniniwala na dahil lang yun duon sa mga paliwanag nila sa libro bakit nabuo ang mundo.

Nagtataka nga ako kung bakit may ibang sumasamba sa creation ni God. Ang pinagtataka ko pa ay may ibang tao na sinasamba nila ang amo nila. Hindi naman natin masisi iyon dahil ganun yung paniniwala nila.

Para saakin ay In the first place, why should i worship something or someone who is created by God right?

Anyway Mahal ko ang Diyos kesa sa buhay ko saka hindi naman masama kong iisipin ko na Mahal din ako ng Diyos. Masaya na ako sa ganito.

"Magandang umaga!!" Bati ko kay Mang Tonyo na nakangiti habang nakatingin sakin.

"Magandang umaga rin hija!" Bati naman nito sakin.

Pagbaba ko ng bisekleta ay dali dali akong pumunta sa locker room ng girls saka ako nagpalit ng itim na jogging pants at fit na white T-shirt saka ko tinali yung kalahati ng buhok ko, sinuot ko narin yung SSG sign saka pumunta na ng office.

"Good Morning president!!!" Bati nila sakin habang nakatayo sila ng maayos at kagaya ng suot ko, yun din ngayon ang suot nila.

Sosorpresahin ko ang lahat ng club dito ng INSPECTION! Tignan natin kong may lumabag.

"Michelle? Anong club ang pinakahuli sa list?"

"Karate Club Miss president"

Tumango lang ako at saka kame umalis lahat sa office papunta sa Building 7 dahil duon lahat sa Building seven naka locate ang iba't ibang club.

Habang papunta kame duon ay kitang kita ko ang pag-kakagulo ng lahat nang studyante duon sa Building 7.

Huh! Sa pagkakakita ko pa lang sa kanila ay masasabi ko na magulo ang iba't ibang club.

Kumatok ako sa pinto ng Karate Club na Agad naman nilang binuksan.

"Good Morning!!!" Bati nila saamin habang nakasuot ang bawat member ng karate club ng puting kimono pero magkaka-iba nang kulay ng belt.

Pumasok na kame saka ko pinaikot ang paningin ko sa buong room.

"Sensie!" Bati sakin ni Drico sa pamamagitan ng pagbati nsa Karate saka tumayo ng maayos. Si Drico ang Head nila dito, black belter siya kagaya ko. Pero sensie ang tawag nila sakin dahil Mas mataAs pa ako sa kanila. At ang trainee naman ay senpai ang tawag nila kay Drico. At ang iba pa na nakakataas sa kanila.

"Kamusta na kayo rito?"

"Mabuti naman Sensie. Pinagbubutihan namin ang pagtuturo sa mga trainee.----- namimiss ko ang pagtuturo mo Pres." Saad ni Drico habang sinusuri ng mga kasamahan ko ang buong room. At ako naman ay tinitignan ang mga materials nila dito kung may kulang ba pero wala naman at okay lang ang lahat.

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now