kabanata 6

470 11 0
                                    

Hindi ko Alam kung ano'ng e rereact ko. Kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sakaniya.

Ang lakas ng loob niyang pagtaasan ako ng boses. Putragis! Tama nga naman siya. Kung nasagasaan ako kanina baka ako rin ay nakahiga na ngayon sa ICU at ang worst ay baka dead on arrival na ako.

Wala ako sa posesyon upang magalit, Tama nga naman ito at dapat talaga na hindi ako magalit dahil tinulungan pa ako nito.

Putragis! Ang hirap magpigil ng galit.

"Think positively prez, and be calm. Everything's happen for a reason------- look at yourself you didn't even button your blouse" pangsesermon nito.

Sa pagmamadali ko kaya diko na nabutones yung blouse ko.

Hinawakan niya ang blouse ko at siya na ang nagkusa magsara nun.

Kung nasa matino ako'ng pag-iisip baka tinabig ko na ang kamay niya pero again, wala ako sa posesyon at mas wala ako'ng lakas.

"Get some rest" pagkasabi niya nun ay naramdam ko ang pananakit ng buong katawan ko dahil sa pagtakbo lalo na ang paa ko at gilid. Muntikan pa ako'ng mapa-upo. Mabuti nalang at inalalayan ako nito saka pinapasok sa kotse niya.

Naupo ito sa tabi ko at pinunasan ang sarili niyang panyo ang noo ko.

Baka amoy pawis narin ako, nakakahiya.

Gusto kong mahiga, at matulog kahit minuto lang, pagod na pagod na talaga ako. Hindi ko magawang makapagsalita.

"Put your head on my shoulder prez" sabi nito at ito na rin ang nagkusa maglagay ng ulo ko sa balikat niya ng mapansing hindi ko gagawin iyon.

Hahayaan ko muna ang sarili ko e' depend sakaniya. Take note! Ngayon lang.

_____________

Nagmulat ako ng mata at bumungad sakin ang Black shoes.

BLACK SHOES?!

Agad ako'ng bumangon at ngayon ko lang nalaman na nakahiga pala ako sa lap ni Neiji.
Putragis! Ano'ng oras na ba?
Napatingin ako sa katabi nung sinasalpakan ng CD at laking gulat ko ng makitang 5:38 am na??!!

Paktay! Sinabi ko kay Camilla na babalik lang ako pero heto ako't napaganda ang tulog.

Inayos ko muna ang sarili ko at inamoy yung hininga habang malalim na natutulog ang kasama ko.

Sinindot sindot ko ang makinis nito'ng pisngi at halos mapatalon ako sa gulat ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at Aalis na sana ako ng bigla nalang ako nito'ng hilain at halos mapasobsob ako sa leeg nito.

"Anu ba!" Nakakababae ang ginagawa niya. Tinignan ko siya at halos maduling ako sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.

"Good Morning" bati nito sakin saka ngumiti.

Hanggang kelan ko maaappreciate ang kagwapuhan niya?

Inipit niya sa tenga ko ang buhok na humaharang sa mukha. Saka hinaplos ang mukha ko pababa sa labi ko.

"B-b-bitiwan mo nga ako!" Sabi ko saka tinabig ang kamay niya.

Sa susunod na gawin niya sakin iyon, baka. Baka. Baka hindi na tabig ang gagawin ko. Tsk

Agad ako'ng lumabas sa kotse niya ganun din siya at nagmamadali ako'ng naglakad paalis pero may nakalimutan pala ako kaya hinarap ko siya.

"Maraming Salamat Ulit" sabi ko saka dalidaling umalis duon.

Pagpasok na pagpasok ko sa room ni Mama ay napahawak ako sa dibdib ko. At hindi ako tanga upang hindi malaman ang ibig sabihin ng malakas na tibok nito'ng puso ko na para bang gusto na nito'ng kumawala.

Ayoko nang makita ang pagmumukha mo Neiji!

"Oh Ate? Bakit ganyan parin ang suot mo? Akala ko umuwi ka kahapon" sabi ni Camilla habang nagtitimpla ng dalawang kape at binigay sakin yung isa saka naupo sa tabi ko.

"H-hindi eh. Ah basta huwag ka na lang magtanong!"

"B-bakit ka sumisigaw?" Napatingin agad ako kay Camilla na nanlalaki ang mga mata.

"S-sumigaw ba ako?" Di makapaniwalang tanong ko at dahan dahan naman ito'ng tumango.

Hayysshh... Epekto lang to ng walang kain. Tama! Hindi pa ako nakakakain simula kahapon. Kaya pala nagwawala ang tiyan ko kanina pa.

"May dala ka ba'ng gamit Camilla?" Naisip ko kasi na baka wala ito'ng dala syempre emergency. Ako nga pati botunes ko nakalimutan kung isara eh.

Paktay! Nakakahiya.... Si Neiji nga pala ang nag sara ng blouse ko. Waaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!!!!

Huwag na huwag ka ng magpapakita sakin kahit kelan!!!

"Hoy Ate?? Baka maubos mo yang kuku mo sa kakakagat mo---- wala nga eh. Bakit uuwi ka ba?"  Nawala nanaman ako sa sarili kaya di ko napansing ang kuku ko pala ang pinanggigigilan ko.

Siguro malelate ako ng ilang oras sa school.

"Oo, bantayan mo si Mama ng mabuti" pagpalaAlam ko saka sinukbit yung bag ko at umalis.

Bago ako pumunta ng bahay ay dumaan muna ako sa palengke upang bumili ng makakain namin sa ospital. Pagdating ko naman sa bahay ay inayos ko muna yung mga gamit na kakaylanganin namin duon at naglaba pa muna ako nung uniform ko saka dinry ko pinadaanan ng plantsa saka lang ako naligo at talaga namang binilisan ko pati narin ang pagluluto. Matapos ko'ng magluto ay sinuot ko na yung uniform ko at nilugay yung makintab kung buhok saka binitbit yung bag ko at isang malaking paper bag para sa ospital pati narin ang pagkain na nilagay ko sa Styrofoam namin. Mabuti na to. Nag taxi na ako para mabilis ako'ng makarating.

"Oh Ate? Late ka na niyan" okay lang na ma late ako, ngayon lang naman ako na late pumunta sa school. Kaya okay na okay. Huhuhu...

1:03pm na pala. Nag lunch muna ako bago ko mapagpasyahan na pumunta na ng school. Seguro hindi muna ako bibili ng bisekleta. Sa susunod na Allowance ko na ako bibili, kelangan ko ng pera ngayon lalo na't kelangan kung mag-ipon ng pera pambayad sa ospital.

"Kamusta na ang Mama mo hija?" Tanong ni mang Tonyo, syempre nabalitaan na niya ang nangyari sa Mama ko. Napapaligiran kame ng tutubi eh.

"Hindi naman po siya critical seguro makakalabas si Mama ng ospital within this week" nakangiting sagot ko rito.

"Salamat sa diyos---- pumasok ka na hija. Mukhang late ka na" sabi nito saka ako nagpaAlam at pa jogging na pumunta sa loob.

"Pres! Buti't dumating ka, kaninang umaga ka pa hinahanap ni Dean, pumunta ka na" salubong sakin ni Michelle saka binigay yung nilalagay naming member sa SSG sa balikat saka ko ito sinuot at inayos ang sarili at naglakad ng mabilis papauntang Dean's office.

Kumatok muna ako ng tatlo bago ako pumasok sa loob at nakita ko si Mrs.Gordove na mukhang inaAsahan ang pagdating ko.

"good afternoon Dean, I'm very sorry kung natagalan ako, may inasikaso lang po ako" paumanhin ko. At nginitian naman ako nito saka sinenyasan na ma-upo.

Paktay! Ngayon pala dapat ako magrereport.

"Pinatawag kita dahil sa gusto kung kamustahin ang trabaho niyo" saad nito.

Sinabi ko sakaniya lahat ng ginagawa namin na isingit ko na rin yung report ko tungkol sa magaganap na event at ang tungkol sa entrance exam.

"Entrance Exam is Held in Starlight Building" Hindi ko inaAsahan na sabi ni Dean. Every Entrance Exam kasi ay Ginaganap dito at ngayon ay hindi? This is the first time na duon magaganap ang Entrance Exam sa Starlight Building.

Ang Alam ko ay pag-aari yan ni Dean. Asawa niya ang nagpapatakbo dahil nag-aaral pa yung heir ng pamilya nila dito. Hindi ko Alam kung sino.

"Prepare Your members Georgia" Ma awtoridad na sabi nito na tinunguan ko naman saka ilang minuto pa kame nag-usap tungkol sa Mama ko bago ako lumabas.



--------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now