kabanata 5

525 17 1
                                    

(Georgia Point Of View)

Nagising ako sa tunog ng bell sa school. Tanda na dismissed na yung may klase. Teka lang, ano'ng oras na ba?

Kinuha ko yung selpon ko na nakapatong sa makapal na papel na nereview ko at 5:47 pm na????!!! Dali dali ako'ng napatayo at naramdaman ko nalang sa paa ko ang pagkahulog ng-------blazer ko to ah? Sino'ng nagpatong sakin nito? Ah baka isa sa mga SSG members well salamat!

Kinuha ko yung selpon, reading glass, at sling bag na black at sinukbit lang yung blazer ko saka lumabas.

Palabas na ako ng first floor ng makita ko si Neiji at isang babae na may dalang Gift? Anu nanaman kaya ang laman niyan?
Nilahad ng babae kay Neiji yung nakabalot sa pink na kahon pero Aba't! Napakahangin talaga ng lalaki na ito. Lagpasan ba daw ang babae. Tsk.. Tsk.. Tsk.. Kinakawawa ng babae ang sarili sa harap ni Neiji. At ang Lalaki namang ito ay wala manlang awa.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi. Kelangan ko ng makauwi para masimulan ko ng ayusin yung report ko kay dean bukas.

Napahinto ako ng makita si Neiji na malaki ang pagkakangiti nito sakin habang papalapit at nasa tapat ko na ito.

Ibang klase rin ang lalaking ito, may nasaktan ng damdamin pero parang walang nangyari at nakangiti na ito.

Hayy... Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito.

"Going home?" Tanong nito habang nakangiti parin. Kung sa ibang babae ito nakangiti baka naglumpasay na sa kilig.

"Oo" sagot ko nalang sakaniya. Pagod na ako makipagtalo sakaniya.

"Let me drive you home. Gabi na" pagmamagandang loib nito.

tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap ko siya saka nginitian nalang. May pagkamabait naman pala ito pero ayoko magpahatid.

"Salamat nalang" sabi ko sakaniya at naglakad na ulit.

Kinuha ko yung black headset ko at selpon saka nag play ng music.

"Even if i cry.... A thousand tears tonight, would you come back to me........  

And even if i walk on the water, would you come out to see.......

Now i can't spend my life, standing by......

Cause even when i miss you, you're still not missing me....." If i cry a thousand tears ang title nung kanta. Hobby ko na makinig ng pang broken heart na mga kanta at yung mga melody lang. Ayoko ng pang rock, or rap. Masakit kasi sa tenga.

Grabee... Ako ang nasasaktan sa kantang ito. Masyado naman Ata'ng sinaktan ni girl si boy, parang si Neiji lang at yung babae kanina pero baliktad.

Grabeee... Kaya ayoko magkarelasyon eh. Inaamin ko marami rami namang nagkakagusto sakin pero wala ni isang nagkusa manligaw. Mabuti na iyon dahil ayoko manakit ng iba. Lalo na ang puso dahil alam na alam ko na Kapag ang puso ang nasaktan, kahit magpatawad ang nasaktan ay mahihirapan parin siyang alisin ang sakit dun.

Grabee... Nakakatakot ma in love.   Kung naririnig mo man ako Cupid, paki-usap huwag na huwag mo ako'ng magawang panain niyang love arrow dahil ibabalik at ibabalik ko lang yun sayo. Tandaan mo yan.!

"Andito na ako!!" Sabi ko pagpasok ko ng bahay pero napaka dilim. Wala bang ilaw?

Kinapakapa ko yung switch saka ito pinindot at lumiwanag.

Well naka turn off pala. Teka lang, wala pa ba si Camilla at Mama? Sinilip ko ang kusina, Sala, pati narin ang CR saka pumunta sa taas at isa isang binuksan ang kwarto nila pero wala. Ah hindi pa ata sila umuuwi.

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now