kabanata 12

342 13 0
                                    

Saglit lang akong lumabas upang maglakad lakad. Oobserbahan ko ang nangyayari dito sa labas, baka may lumalabag ng rules dito ng walang nakakakita.

At tama nga ako. May Dalawang kalalakihan na nakaupo sa likod ng puno habang nagyoyosi. Akala nila hindi sila makikita dito?

Lumapit ako at inagaw sa isa yong yosi na nakasalpak sa bunganga nito.

"What the?!!-------- P-p-president!" Bulalas nito habang ang isa naman ay di malaman kong tatakbo ba ito o mananatili sa upuan.

"How many rules we have?" Tanong ko at kinuha sa kasama nito ang isang pack na Marlboro.

"P-p-president... H-h-hindi ko matandaAn"

Nagsalubong ang kilay ko sa sagot nito. Ilang taon na ang pagiging president ko? Halos 2 years na pero ni hindi parin nito alam kung ilan ang rules na ginawa namin?!

Tinignan ko ang kasama nito at nakuha naman niya ang pinapahiwatig ko kaya ito na ang sumagot.

"F-fifty f-five m-miss president"

Mabuti naman at tanda pa ng isang ito. Nakakapagtaka na hindi alam ng kasama nito. Kaya nakakalabag ng rules dahil hindi alam kung ilan lahat kaya segurado akong mas hindi nito Alam kong ano ano ang mga rules.

"What's the rule number 7?" Tanong ku ulit rito and as expected hindi nanaman ito nakasagot.

Tinignan ko ulit yong kasama niya at nahihiya pa siyanh sumagot ulit.

"N-no s-smoking m-miss president"

"Nakakatuwa dahil natatandaAn mo ang rules dito at hindi mo manlang sinabi sa kasama mo iyon. Sa tingin mo saan kayo dederetso pagkatapos niyo rito?" Tanong ko ulit sakanila at ngayon, ni walang sumagot sakin.

"Mr.Sanchez and Mr.Franco----" basa ko sa plate name nila." Go to  disciplinary room. See you later" saad ko saka sila nilayasan at nilagay sa bulsa ng skirt ko ang 1 pack na yosi pati na rin yung isang piraso. Susunugin ko ito mamaya.

"Hi! President!" Bati sakin ng limang kababaehan na may hawak na racquet.

Nginitian ko ang mga ito saka kinuha ang isang racquet na nakalapag lang at saka ko binigay sa isa sakanila.

"Ituloy niyo na ang paglalaro. Pagbutihan niyo." Sabi ko saka nila.

Napansin ko na nagkatinginan silang lima at parang may gusto silang sabihin dahilan ng pagsisikuhan nila sa isa't isa.

Hindi muna ako umalis at nakangiting tinanong kung may problema ba, saka naman nahihiyang sumagot yung isa.

"K-kasi pres, nalagay yung shuttlecock duon oh" saad nito sabay turo sa mataas na puno at nakita ko naman ito  na nakalagay sa ilalim ng sanga.

"Dibale, may e-extra pa naman kame president sa------" hindi ko na ito pinatapus magsalita at tumakbo ako papunta sa locker ko saka nagpalit ng black pants at red shirt. Mabuti't may nakalagay akong ganito rito.

Tinali ko rin yung buhok ko saka nagmamadaling maglakad pabalik sa puno at kitang kita ko ang pagkabigla sa mga mata nung limang babae na kinangiti ko.

Kahit marami pang ibang shuttlecock ay hindi ako papayag na mapunta lang ito dito. Dahil kahit may mabilihan ka rito sa halagang piso ay tandaan mo na hindi matatawag na isang libo kung kulang ng piso.

"Pres! Don't tell us na ikaw ang kukuha niyan?!"

Tanong pa sakin nung isa pero nginitian ko lang ito at nagsimula ng akyatin ito.

Hinawakan ko yung  isang sanga pero dumalas ang kamay ko.

"Aaaahhhh!!!!! Pres?! Bumaba kana diyan!"

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now