Ego Pt. VIII

6.7K 136 133
                                    

A/N: sa mga nagbabasa pa nito, wala munang bs. Kung matatapos ko bukas ng gabi, bukas na ang bs hahahah salamat dahil nahintay ninyo ng ganito katagal ang story ni Jeho at Rain. God bless you guys, stay safe and always pray!

PS. No edits po ito kaya pasensya na sa napakaraming typos at wrong grammar heheh ❤️❤️❤️

〰️

PUMASOK KAMI ng opisina ni Jeho na magkahawak-kamay kinabukasan. Nangingiti pa si Jessica habang pinapanood kaming maglakad papalapit sa kanya.

"Himala. Hindi na kayo LQ?" Ang tanong nya na ikinailing ko lang. Wala naman akong pinagsabihan, pero marahil ay napansin nya ang ilang araw ko nang pananamlay at ang medyo hindi naming pagkikibuan ni Jeho nitong nakaraan.

"Misunderstanding lang kasi," sabat naman ni Jeho bago marahang pinisil ang kamay ko. Napatingin naman ako sa gawi nya at nakita kong ininguso nya ang upuan ni Stoen na bakante.

I raised my brows up. It's already around seven thirty pero wala pa rin ang bruha.

Stoen usually arrives early. Maybe she was just running late that day, o baka natapilok at namudmod sa semento at na-ospital. With the immense number of times I mentioned her name yesterday, baka nga naputol na ang dila noon kasi bukambibig ko talaga sya buong araw at gabi. Gigil kasi ako sa kanya. Even Jeho and I's last conversation yesterday before he went to sleep consists of Stoen and a few bad things in a long ass sentence.

Pero sa kabilang banda, ewan ko na lang kung may mukha pa syang kayang iharap sa office. She would have probably realized that by that moment, nagkwento na si Jeho sa akin, ang kanyang ever beloved girlfriend, at alam na nyang alam ko na kung anong klaseng kagagahan ang ginawa nya sa nobyo ko sa Davao.

When I learned that Stoen fucking went stark naked in front of my man, I went berserk. Gusto ko agad sumulong sa tanggapan ng Wanted Sa Radyo para isumbong kay sir Raffy Tulfo ang kalandian nya. And I swear I was a few steps away from stepping out of my unit just to go straight to sir Raffy kung hindi lang ako pinigilan nina Alec. Si Jeho kasi, he was actually willing to support me, too. Hindi nya rin kasi talaga nagustuhan ang ginawa ng babaeng malanding iyon. I learned that she was indeed one manipulative bitch who would go on such lengths just to seduce a man who already belonged to someone else. Kaibigan nya pa. I realized how that bitch indeed planned everything all along, kung alam ko lang talaga, and if I should've just listened to my instinct, siguro baka hindi ko na hinayaan ang sarili kong makapitan ng isang traydor na lintang tulad nya. Isa syang malaking SCAM: self-serving, cheap, awfully aggravating, maypagka-demonyitang malandi. Haliparot talaga.

She could've had anyone. Maraming nagkakagusto sa kanya, pero bakit sa nobyo ng may nobyo nya pa gustong makiapid. Naghanap na lang sana sya ng ibang kakamot sa kakatihan nya, tangina't bakit iyong nobyo ko pa.

Muntik na nga rin ulit kaming mag-away ni Jeho. Hindi kasi ako makapaniwalang nakayanan ni Jeho na ayawan ang isang babaeng nakahubad na sa harapan nya. But Jeho vindicated himself by saying that he never really had the hots for anyone else the moment I came along. Kinilig naman ako, langya. He proved himself further when he explained that the reason why he left his phone inside the hotel suite which was supposed to be his ay dahil doon sa ginawa ni Stoen.

Ganito kasi raw ang nangyari. He left for Davao knowing that he'll attend the seminar alone as a representative of the Terra Firma, and so up he went. Then came Stoen. Nagulat na lang daw sya nang batiin sya nito sa lobby ng hotel where the seminar was going to take place and the very same hotel where he was supposed to stay. Stoen said that she's representing Terra Firma, too, but Jeho found it suspicious because there was no way he was not informed about those details when Stoen was under his direct supervision being a subordinate in the department he is leading. He immediately thought that something was gonna happen, he felt it in his gut pa nga raw.

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now