Ego Pt. V.I

5.1K 103 63
                                    


JEHO'S KISSES felt insanely good. Given na iyon kasi magaling talaga itong manghalik, nakakadarang, nakakalibog. Iyong mga ganoong bagay na masarap sa pakiramdam pero hindi sa konsensya.

Ang latigo ni papa! My mind went into total chaos trying to weigh which would hurt more: iyong disappointment sa mga mata ni papa kapag nalaman nyang nagpadarang ako o iyong disappointment sa mga mata ng nobyo ko kapag hindi ako pumayag na ituloy ito. Hindi ako makapag-isip kung ano ang mas matimbang kasi mahirap mag-isip. Ang hirap lalo na't damang-dama ko na iyong kahandaan ni Jeho sa may puson ko!

Naramdaman ko ang mahinang paghaplos ni Jeho sa katawan ko, his hand miraculously found its way inside my shirt. Wala akong bra, and who knows kung sino ang nagtanggal nuon, and I felt the sensations rushing towards the center of my core as he was cupping and pinching my already hardened buds. It was excruciatingly pleasurable, but then I get to think about my father and the words he said to me before.

"May boyfriend ka na..." ani papa sa kabilang linya. Pagkatapos ng video call namin kina mama kanina, nag-dinner kami ni Jeho sa bahay, make-out make-out ng konti tapos ay umuwi na sya. Dahil hindi ako mapakali, tinawagan ko sina papa ulit. Gusto ko lang malaman kung ano ang opinyon nila kay Jeho dahil syempre mga magulang ko 'yon, gusto kong sang-ayon sila sa lalaking napili kong maging kasintahan. Si papa ang nakasagot sa tawag ko. Aniya'y naliligo pa raw si mama kaya sya na muna ang kinausap ko, tapos 'yon agad ang ibinungad nya sa akin. "Mukhang may kaya."

Napangiti lang ako. "Mayaman sila papa... Sila ang may-ari ng DC Hardware." Kaning umaga ko lang 'yon nalaman. DC Hardware is all over the Philippines. Kahit saang mall may DC Hardware. And Jeho's family owns it. Iyong Casa Cordova Hardware and Home Supplies iyong kuya naman nya ang may-ari. Ni hindi ako makapaniwalang all along, I was bickering with the man whose family owns the biggest hardware retail store in the country. The moment I knew it, I felt the financial gap between Jeho and I widened even more. Hindi naman iyon mahalaga sa kanya and I'm thankful for that kasi kung hindi, makikipaghiwalay na lang ako. He's very rich and I'm not. I was ready to part ways pero mukhang hindi naman issue sa kanya at sa pamilya nya kaya okay na rin sa akin.

"Sinagot mo dahil dun?!" Agad na tumaas ang boses ni papa.

"Pa, hindi po! Kanina ko nga lang nalaman!"

"Oh, anong pake ko?" Narinig kong napaismid si papa sa kabilang linya. Ni hindi man lang sya nagulat. Hindi ko na rin naman inaasahang mapapabilib ang papa ko ng dahil lang doon. Para kay papa, walang halaga ang pera. Ang importante sa kanya ay iyong taong ma-prinsipyo at marunong magsikap. Kaya nga kahit na hindi nagmumula sa may kayang pamilya si kuya Reggie, iyong asawa ng ate, ay tinanggap iyon ni papa. Nakikita nya kasi ang sarili nya dito, at hindi naman sya nagkamali. Masipag si kuya kaya naman ngayon ay gumanda na ang buhay nila ate. Sana lang makita din ni papa kay Jeho ang nakita nya kay kuya Reggie. "Masyadong gwapo ang isang 'yon, 'nak, mukhang mas makinis pa sa'yo. Gusto mo talaga ng ganoong klase ng lalake?"

Hindi ko alam kung mapapatawa ako o mapapanguso sa sinabi ni papa. Ni hindi ko alam kung matutuwa ako kasi pati ang ama ko na-appreciate ang kagwapuhan ni Jeho o maiinsulto ako kasi kahit na ang papa ko naa-appreciate ang kagwapuhan ni Jeho at my expense. "Kutis-mayaman kasi, Pa."

"Oo na, sya nang mayaman. Mukha namang manyak 'yon, 'nak."

Natawa ako. Mabait naman ang papa ko, minsan nga lang ay prangka. Sa tingin nyo, saan ako nagmana kung hindi sa kanya?

"Hindi naman, pa!" Natatawang sagot ko. "Mabait 'yun kahit na mukhang loko-loko."

"Kahit na, mukha paring manyak. Akala mo hindi ko napansin iyong panay nyang paghawak sa bewang mo? Iba ang gusto nun kaya mag-iingat ka lalo na't may kaya pala ang lalaking 'yan, 'wag na 'wag kang papadala sa mga regalong ibibigay nyan, baka pinaglalaruan ka lang, baka gamitin ka lang..."

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now