Ego

13.6K 116 73
                                    


EGO
Second Wolf: Jeho

"TANGINA neto. Pigain ko yang bayag mo eh, makikita mo."

Agad akong naparolyo ng mga mata dahil sa narinig. Eight o'clock pa lang ng umaga ay ramdam ko na agad ang unti-unting pagkasira ng araw ko.

I tried so hard para hindi magtaas ng tingin and I successfully did kahit na ang hirap na hindi mapasulyap gayung ang lahat ng ka-workmates ko ay tumatawa na sa likuran ko dahil sa sinabing iyon ng nag-iisang gago sa department namin.

I was reviewing the slides of the presentation our department is about to present that afternoon, re-reading the lines again and again para hindi ko makalimutan. In short, I was working rather passionately. Seryosong-seryoso na ako sa ginagawa ko ng maramdaman ko ang presensya mula sa alam ko kung sino kaya mas lalong in-immerse ko ang sarili ko sa ginagawa.

"Good morning, Ulan," sabi nung tao sa likod ko sa napakabaritonong boses na mas lalong nakapagpairita sa akin. Sometimes, napapaisip akong napaka-unfair ng distribution of labor dito sa department namin dahil kaming mga associate GEs, we're working our asses off pero ang recognition ay napupunta lang doon sa isang taong walang ibang ginawa kundi ang magtambay, magpapansin, at umupo lang sa swivel chair nito buong araw habang nanonood ng porn.

No kidding, alam kong nanonood ng porn ang department head namin. Ni hindi ko nga alam what his actual role is in our department, because surely he's not being paid to watch porn, not unless we're in that kind of industry.

I may sound like I'm overexaggerating but I'm really stating the fact. The man knew nothing but make papansin sa buong department all day that it makes me question his credibility talaga as our head sometimes kaya maraming beses ko na talaga syang nababastos. Mayroon naman akong galang but my point is, he doesn't really deserve that much respect because it mirrors one's entire being. At mukha syang hindi kagalang-galang kaya bakit pa ako mag-aaksaya ng panahong galangin sya?

"Uy, Ulan..." Napapikit ako ng mariin ng bigla nitong sundutin ang tagiliran ko. What I absolutely hate the most is physical contact with some pervert tapos heto sya't pinupuntirya ang gilid ko. "Ulan... Ulan..." Huminga ako ng paulit-ulit para makondisyon ang sarili ko kahit gigil na gigil na ako sa lalaking 'to. Kung hindi ko lang ito boss at kung wala lang ako sa trabaho ay baka nasapak ko na ito. "Yohoo! Ulan! Rain! Uy!"

Napakakulang sa pansin ng lalaking ito, nakakagigil.

I breathed in and out para i-condition ang sarili ko bago ko nilingon ang bumati sa akin habang pinipigilang huwag singhalan ito. "Hello, Engr. de Cordova," bati ko sa kanya habang nakangiti ng pilit.

Nabusangot naman ang mukha ng lalaki marahil dahil sa iginawad kong ngiti sa kanya. "Ang plastik ng ngiti mo, Ulan," suway nya na may kasama pang mura at doon na biglang kumalat ang apoy ng bwisit na nilukob ang buong sistema ko.

"Alam mo naman palang pinaplastik lang kita, bakit ka pa panay bati ng bati?!" Asik ko.

Agad na nagsilingunan ang mga co-workers ko na halatang medyo nagulat sa biglaan kong pagsinghal. But then I caught sight of one of my good friends, Jessica, na napasulyap sa kausap ko kaya naman nagpatango-tango na lang ito, perhaps in understanding, and resumed to her work.

"Grabe ka sakin, ha? Hindi naman kita inaano dyan. Baka gusto mo, anuhin kita?" Nakangisi lang ang bwisit habang sinasabi nya iyon kaya mas lalong gusto ko nang bumuga ng apoy sa inis! I've been very happy sa tatlong araw na pagkawala ng kutong-lupang ito dahil sa kasal ng kaibigan nitong si Juan Uno Samonte de Tavera, iyong pinakagwapong nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko pero sadly ay very taken na, at panay ang hiling kong sanay hindi na ito bumalik pa mula sa Balesin at sana kuhanin na sya ng mga syokoy sa dagat pero heto nga't miyerkules na miyerkules ay mukha nya agad ang bubungad sa akin! Sino bang hindi uusok ang ilong at magbabaga ang laway kapag ito agad ang sasalubong sayo?

Midnight MemoriesWhere stories live. Discover now