Ego Pt. IV

5.5K 130 92
                                    


PARANG KAILAN lang, nagsasagutan pa kami ni Jeho. Parang kailan lang, iiyak ang araw kapag hindi nya ako naiinis. Parang kailan lang iniinsulto ko pa sya mula ulo hanggang paa, tapos ngayon, heto kami't panay na ang landian sa isa't-isa.

Alas sais y media na ng gabi, wala na lahat ang mga katrabaho ko. Nitong mga nakaraang araw hindi pa rin sila makapaniwala. Mas lalo na ako 'no. Wala akong pinagsabihan ni isa sa kanila kahit na ilang beses na akong kinulit ni Jessica tungkol doon sa lunch kasama si Baby Girl at ang mommy ni Jeho. Ni hindi ko nga sinabi sa kanilang nakilala ko na rin ang daddy ni Jeho pati ang kapatid nya, ang sister-in-law nya at ang uncle nya.

Hindi ko rin sinabing ipinakilala ko na si Jeho kay mama at papa. Sa video call nga lang pero tuwang-tuwa si mama kasi hindi daw sya makapaniwalang magkakaroon ako ng gwapong boyfriend. Grabe, wala talaga syang tiwala sa kakayahan ng gandang taglay ko.

Si papa naman hindi naimik pero nagulat na lang ako kasi nakatanggap ako ng text, sabi nya 'wag na 'wag ko raw isusuko ang bataan. Mukha daw babaero ang nobyo ko, baka raw katawan lang ang habol sa akin at pagkatapos non ay iiwanan lang ako kapag nagsawa na. Sabi ko naman sa kanya magtiwala lang sya sa akin kasi iniingatan ko naman ang sarili. Tsaka takot ko lang sa latigo ni papa, buntot ng pagi pa naman iyon.

Marupok lang ako pero kaya pa namang pigilan.

'Yon nga lang, wala man akong sinabi, alam na ng mga officemates kong may namamagitan na sa amin ni Jeho.

Kung anong ikinatikom ng bibig ko, ganoon naman kalaki ang bunganga ng lalaking sinagot ko. Ewan ko nga ba bakit ko sinagot 'yon. Charot. Puro landi lang ang alam nya, pero nagpapalandi naman ako kasi marupok tayo sa gwapo eh.

"Ang bango mo, Rain." Hindi na ako nagulat nang biglang kinagat ako sa balikat ni Jeho pagkatapos amuyim sa leeg. Nakiliti ako dahil sa day-old na bigote nya. Sya pa, walang oras na hindi sya nakadikit sa akin noon, lalung-lalo na ngayon. He smelled my ear tapos may pahalik-halik pa ang gago, kinilabutan ako at nahiya, baka amoy pawis nako, shet. I squeezed my thighs together to stop myself from feeling a little bit too much and I pretended like his little kisses don't affect me at all. "You smell like candies..." Jeho whispered as he nibbled my earlobe. Nakikiliti ako, inaamin ko, pero I didn't give in. Takot ko lang kay papa.

"Pwede ba, Jeho, mamaya na 'yan, malapit na akong matapos dito," suway ko. Ang rupok. Pero momol-momol lang naman kami eh.

Jeho chuckled. "Okay, Rain. Mamaya," makahulugan nitong sabi. Hindi naman sya tumigil sa paghaplos-haplos nya pero he wasn't taunting me anymore.

Sa wakas ay natapos na ako, that habang may isang makulit na nilalang na kung saan-saan na dumadako ang kamay. Nagligpit na ako ng gamit at dahil kanina pa sya tapos ay sya na rin ang nagrepresentang dalhin ang bag ko at iilang mga files na kailangan kong dalhin sa bahay.

He held my hand as we walked towards the elevator. His hand felt so warm and so big. My thoughts wandered towards the dirty part of my brain. I wonder what else in his body is big-- but it's not like I want to know more about that. I need to restrain myself. Two weeks pa lang kami ni Jeho, tsaka hindi 'yan pwede sa akin. Erase, erase.

Kami lang dalawa sa elevator. We're in the twenty-seventh floor and it's kind of a long way down. Napatingin ako sa repleksyon ni Jeho sa salamin and I involuntarily bit my lower lip. I hate to admit it but he's really very handsome. Napakatangos ng ilong, pormado ang makakapal na kilay, mapupula ang medyo manipis nyang mga labi tapos iyong jawline-- I don't want to talk about his jawline because it might stir some unwarranted feelings inside me again. Dagdag pa iyong mumunting stubbles na tumubo sa may panga nya, 'yon talaga 'yong nakakakiliti eh. Walanghiya. And not only that but his physique is something else too. Broad shoulders, veiny arms, thick thighs... I could go on and on describing Jeho but it would only hurt my ego. Pakiramdam ko kasi sa sobrang gwapo nya, wala nang panama iyong kagandahan ko eh. Kaya nga minsan hindi na ako nag-iinarte, feeling ko kasi tinanggalan na nya ako ng karapatang mag-inarte kasi iyong tulad nya, no, sya mismo, ang nobyo ko.

Midnight MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon