Kabanata 9

5.2K 206 89
                                    

KABANATA 9: BOSS

NANLAKI mata kong sumulyap sa kanya at hindi makapagsalita. Ilang segundo akong hindi nakapagsalita bago nagkaroon ng lakas para itulak siya pabalik sa inuupuan niya.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. This brute is really playing well with me.

“H-Hindi ka dapat nandito,” sambit ko. Sinulyapan ko si Aika upang sabihing ituloy na ang pag-aayos sa akin pero nakita ko siyang nakatanaw lang sa akin. Ganoon na din ang iba na mukhang kami na ang laman ng usapan. Mukhang hindi lalapit si Aika hanggat nandito ang lalaking ito.

“Why would I? Pinapaalis mo ako?”

“Hindi pupunta rito ‘yung make up artist ko hanggat nandito ka sa tabi ko.”

Tumaas ang kilay niya. “At kapag umalis ako rito? Papalit naman dito sa pwesto ko iyong chinitong bagito kanina?” tanong niya.

“Bagito? Who are you calling bagito? Dylan is a professional model,” I said confidently.

“Professional ba ang tawag mo doon? He’s obviously flirting with you and you have the guts to call him professional?” tanong niya na halos matawa ngunit halatang iritado.

“Hindi ba at ikaw rin? You’re flirting with me too. Therefore, you are unprofessional too,” sabi ko.

He let out a small chuckle. Natigilan ako at napatitig sa labi niya bago nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nilayasan ako ng huwisyo  dahil lang sa simpleng pagngiti niya.

“You call this as a flirt? Hindi ako ganito makipag-flirt. You know what can I do when I’m flirting,” aniya at bahagyang natawa. Lalong uminit ang pisngi ko at bahagyang tinapakan ang paa niya para tumigil.

Tumigil nga siya pero hindi nawala ang nakakalokong tingin sa kanyang mga mata. Napabuga ako ng hangin.

“Fine. Then please just leave me here. Seryoso akong hindi pupunta dito si Aika hanggat nandito ka,” pakiusap ko.

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mata niya. Saglit siyang tumahimik at kalaunan ay tumango rin. Dumating na rin ang upuan niya na inilagay sa katabi ng upuan ni Direk. Marahil na ine-expect nito na talagang manonood si Jackson ng shoot kahit ang totoo ay hindi naman.

Dumating si Dylan habang si Jennie naman ay lumapit na sa monitor para tignan ang mga kuha niya. Mabuti na lamang rin ay di kagaya kanina ay hindi na ako masyadong kinausap ni Dylan dahil napapagitnaan na kami ng mga sariling make up artist. It was also a relief, though.

“Fifteen minutes break!” narinig kong sabi ni Direk. Aika was already done with my make up. Mula sa salamin ay nakita kong isa isang pinasok ng mga staff ang props para sa gagamitin namin sa shoot. Sumulyap ako kay Aika dahil mukhang wala itong balak mag break.

“Break daw muna,” mahinang sabi ko.

Umiling naman siya. “Mamaya pa ang break namin, Miss. ‘Yung mga make up artist na may a-ayusan pang model na susunod na sasalang ay mamaya pa ang break,” paliwanag niya. Napatango naman ako.

I saw Jennie’s reflection talking to Jackson. Nakangiti ito na tila ba nakakatuwa ang sinasabi niya habang si Jackson ay nakatingin lang sa gawi ko. Tumikhim ako at iniwas ang tingin doon.

Habang tinitirintas ni Aika ang buhok ko paikot sa ulo ko ay hindi ko namalayang nakabalik na pala sa upuan si Jennie.

“So when did you guys met?” si Jennie sa kabilang upuan habang nakatitig sa repleksiyon ko sa salamin at may ngisi sa labi.

Kumunot ang noo ko. “Huh?”

“I mean you and Kuya Jackson. Kailan kayo nagkakilala?” she whispered excitedly and came closer to me. Nagulat ako at hilaw na ngumiti. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now