Kabanata 6

3.2K 124 32
                                    

KABANATA 6: OBEY

PUPUNGAS pungas kong nilingon ang likod ko nang maramdaman ang mararahang halik sa balikat ko. Nang lingunin ko iyon ay nakita ko ang mukha ni Jackson. He was wearing the same clothes when he left earlier. Marahil ay kadarating niya lang habang ako ay hindi namalayang naka-idlip na pala kanina dahil sa pagod.

“K-Kanina ka pa?” tanong ko at umayos ng upo. Masyado akong napagod kanina isa-isahin ang mga damit at gamit na dinala ng sekretarya niya. Those were branded and expensive that somehow amazed me.

Tumango siya. “Fix yourself and let’s have dinner. May restaurant sa baba ng hotel na ‘to.”

Nilingon ko ang one way mirror na nagsisilbing pader ng kabilang side ng penthouse siya. Wala na akong maaninag na araw. Ganoon na lang ba kahimbing ang tulog ko para hindi na mamalayan ang oras? I sighed before giving him a nod.

“Okay,” maikling sagot ko. Tumayo siya sa kama at hinugot ang cellphone mula sa bulsa. His face became serious before turning his back on me. Nagkibit ako ng balikat at mabilis na nagpunta sa banyo para mag-ayos.

Ilang minuto lamang ako doon at lumabas na para kunin ang ilang paper bags na naglalaman ng make-up. I chose the most lightweight tint before applying it on my lips. Gabi na rin at mamaya sa shower na ang diretso ko. I don’t need to apply too much make up also.

Nang lumabas ako sa kwarto ay naabutan ko siya na may kausap sa telepono.

“I have other things to do, Manuel. Tell Lolo that I won’t come back,” aniya sa matigas na tono. I heard him inhaled sharply before pressing the end call button.

Tumikhim ako dahilan para lumingon siya sa akin. His face looks furious when he was talking on his phone. Pero noong bumaling siya sa akin ay bahagyang nawala ang kunot ng kanyang noo.

“Let’s go?” tanong niya at lumapit sa akin para hapitin ako sa baywang.

Hinayaan ko siyang hawakan ako sa baywang hanggang sa lumakad kami palabas ng pinto. I noticed how clingy he is since earlier.

Saktong pagbukas ni Jackson ng pinto ay bumungad sa amin ang isang lalaki. Kumunot ang noo kong pinagmasdan ang mukha noong lalaki. Ang suot nito ay pang-opisina, malaki rin ang katawan at mukhang maamo ang mukha. Higit na napansin ko nang titigan ko ito ay kamukhang kamukha ni Jackson! Plus the fact that he has the dangerous blue eyed too.

Nang dumako ang tingin nito sa banda ko ay nakita ko ang gulat at lito sa mga mata nito. Nagpabalik balik ang tingin niya sa amin bago ko naramdamang humigpit ang hawak ni Jackson sa baywang ko. What’s wrong with him? And why do I felt sudden intense aura between two of them.

“Judah,” seryosong tawag ni Jackson sa lalaking nasa harap namin.

‘Judah’ ulit ko sa isipan.

“Kuya,” ganti naman nito. Ako naman ngayon ang gulat na napatitig sa dalawa. Kuya? Then this Judah must be his brother! Natutop ang bibig ko at bahagyang inalis ang kamay ni Jackson sa baywang ko pero masyadong mahigpit ang kapit niya kaya hindi ako nagtagumpay.

Nakita kong dumako ang tingin noong si Judah sa kamay ni Jackson sa baywang ko bago ngumisi.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Jackson.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now