Kabanata 5

3.3K 119 30
                                    

KABANATA 5: KISSES

“FROM now on you’ll live here with me,” anunsiyo ni Jackson bago tinanggal ang coat and tie sa harapan ko. Now his broad muscled chest underneath his white polo is now exposed in front of me. This guy really has a great body! Sa unang tingin pa lang sa maskulado niyang pangangatawan ay tiyak na madudurog ka.

We are on his penthouse and now I’m really impressed. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na purihin ang ganda nito noong dinala niya dito nang gabing ‘yon. The penthouse has a black and white combination, magmula man sa muwebles at hanggang sa mga dekorasyon. The penthouse looked manly just like Jackson.

Isipin pa lamang na titira ako kasama siya ayon sa kagustuhan niya ay kinakabahan ako. Can I really do this?

“Is it important? I have my condo and…”

“We have a deal, Scarlet. Don’t you remember?” seryoso niyang sambit at pinutol ang kung ano mang sasabihin ko.

Nagbuntong hininga ako. This man would never let me go until he say so according to him. “Do you really spend months with your woman here? Dito sa Penthouse mo?” tanong ko.

I saw him smirked. “So you think you’ll be staying here just for months?” aniya na may mapaglarong ngisi sa labi. Kumabog ang dibdib ko at lito siyang tinignan. “And no. Ikaw pa lang naman ang babaeng dinala ko rito. You should be proud. Girls would envy your position,” aniya sa aroganteng tono.

“Anong ibig mong sabihin? I’ll stay here for… for maybe a year? With you?” gulat kong tanong. “That’s not part of our deal,” dagdag ko pa.

“Not part? I told you to be mine. And that will end until I say so. Hindi naman kita pinilit ‘di ba? Bakit parang nagagalit ka?” aniya at bahagyang natawa sa kabila ng kaseryosohan kanina.

“You blackmailed me!” hirit ko.

Tumaas ang kilay niya. “Did I?” he asked innocently. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa iritasyon dahil sa lalaking ito. Why I am here, anyway? Because of money right?

Gayun lang din ay sasagarin ko na itong lalaking ito.

“Kung ganoon ay bukod sa trabahong ibibigay mo sa akin ay kailangan mo rin akong bayaran ang pagtira ko rito. Kung isasama mo ako sa lakad mo ay may bayad din ‘yon. And make sure to be true to your words. Or else, you’ll pay for the damages. I need a contract,” litanya ko habang siya ay napakurap kurap at amused na nakatingin sa akin.

“Oh, calm down lady. Ngayon lang ako nakakita na ikaw na nga ang tumira ay ako pa ang magbabayad?” aniya at bahagyang natawa. “So you know how to negotiate like this is all about business, huh? Interesting,” aniya at kumuha ng papel at ballpen bago ibinigay sa akin.

“List down what you want, including your bank account.”

Kinuha ko iyon at agad na inilista ang bank account. Wala naman na akong ibang kailangan kundi iyon lang.

Nang makita niya iyon ay agad na kumunot ang noo niya. “Is this all? What about clothes?” tanong niya.

“U-Uuwi muna ako sa condo,” tanging nasabi ko.

Gumuhit ang kunot sa kanyang noo at lumakad palapit sa akin. “No. You’ll stay here for tonight,” puno ng awtoridad niyang sabi.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon