Simula

5.8K 128 13
                                    

METROPOOL BAR

"HOW could he do this to me?" inis kong bulong sa sarili. Hanggang ngayon ay naiinis parin ako. Hindi ko akalain na mayroon pang lalaki na kayang tumanggi sa akin.

"You're drunk, Scarlet," sabi ni Chloe. Ngumisi ako at inagaw ang inumin na dapat ay para sa kanya. Narinig ko ang pagprotesta niya ngunit hindi ko pinansin.

Ang pait at init ng alak ay agad naramdaman ng lalamunan ko. I heard Chloe and David laughed at me. Inis ko silang binalingan dahil wala namang nakakatawa.

"Naglalasing ka ngayon dahil broken hearted ka?" tanong ni David at inabot muli sa akin ang isa pang shot. Hindi ko na muna iyon tinanggap at tinanaw na lang ang mga taong nagsasayaw sa dance floor.

Pumalatak ako bago sumulyap sa kanya. "I'm not broken hearted."

Tumawa muli ito ngunit hindi umimik. Sa halip ay si Chloe naman ang sumagot. "Magnus just rejected your offer for the third time. Siguro naman at panahon na para sumuko ka sa kanya."

Marinig palang ang pangalan ng aroganteng iyon ay nag iinit na ang ulo ko. He doesn't have the rights to treat me this way! Ang masama pa ay para lang akong hangin sa kanya. Like, hello! Scarlet Isla Sandoval is fucking existing!

"Hindi ako sumusuko, Chloe," deklara kong puno ng dedikasyon. Ang alam lang naman ni Chloe ay patay na patay ako kay Magnus. Hindi niya alam ang hidden agenda ko sa lalaking iyon. How can I give up? Magnus Davenport is perfect for me. He's rich, handsome, and can pay all my debts in just a click. Hindi ko man siya mahal pero hindi na mahalaga iyon. All I need is his money, name and status.

Dahil sa buhay na meron ako ngayon, alam kong pera na lang ang magpapatakbo nito. Hindi na ako magiging hipokrita. Sa sobrang laki ng utang na kailangan kong bayaran ay talagang kailangan ko ng pera. Malaking pera.

Nalugi na ang negosyo namin, naibenta ko na halos lahat ng properties namin at tanging ang maliit kong condo unit na lang ang natira. Kung may iniwan mang pamana sa akin si Daddy ay iyon ang mga utang niya. But I'm not blaming my Dad. Hindi niya kasalanan na mabaon kami sa utang dahil niloko lang naman siya ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niya. Davenport's was a family friend. Siguro ay alam niyang nalugi na ang negosyo namin kaya ayaw niyang tanggapin ang alok kong maging fiancee niya?

If I stop pursuing Magnus, then what would I do? Wala akong trabaho at hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Ang alam lamang ni Chloe ay nalugi na ang negosyo namin. Hindi niya alam na wala ng natira sa akin. Ofcourse I wouldn't tell her. My pride would never let me.

Kung ayaw akong pagbigyan ni Magnus, wala akong magagawa kundi gumamit ng ibang paraan. A way that he could never say no. Ever again.

"Gusto mo bang ihatid kana lang namin? Lasing na lasing kana eh," si Chloe habang pinagmamasdan ako. Hindi ako umimik at muling dinampot ang shot glass bago idiniretso iyon sa bibig ko. Napangiwi ako at tumango sa kaibigan. Ramdam ko na rin kasi ang pag-ikot ng paligid.

I don't think I can go home like this alone. Tumayo ako at agad na napakapit kay Chloe dahil sa muntikan kong pagtumba.

I laughed like crazy. Siguro nga ay talagang nababaliw na ako. Agad naman silang tumayo habang tahimik lang na umalalay sa akin.

Everyone was dancing with a loud music. Everyone was enjoying the night. Pero kahit ganoon kaingay ay hindi maaalis sa isip ko ang mga problema.

Nang makalabas kami ng bar ay agad na umalis si David para kunin ang sasakyan. Naiwan kami ni Chloe para maghintay sa kanya. Pumikit ako ng mariin bago makarinig ng ilang boses na tinatawag si Chloe. Nang tignan ko iyon ay hindi pamilyar sa akin ang mga mukha. Napabitiw ako kay Chloe at lumayo ng kaunti. She glanced at me and mouthed 'wait'. I just nod my head.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now