Kabanata 8

3.1K 138 30
                                    

KABANATA 8: GRECIAN BRIDE

“SCARLET, right?” the director called me before eyeing my whole body. I am wearing a white button down and black skinny jeans paired with my designer black boots.

Tumango ako ibinaba ang sunglasses ko bago naglahad ng kamay. Agad iyong tinanggap ng direktor at matamis na ngumiti sa akin.

“Nice meeting you, Direk,” I smiled.

“Hmm, you have a bedroom voice, Darling. I think I like you already.”

The gay director seemed impressed while looking at me. Narinig kong tumikhim sa gilid ko si Jackson dahilan para sa kanya mapunta ang atensiyon ng kausap ko. Bahagyang nakitaan ko ng pagkailang si Direk nang makita si Jackson sa gilid ko.

“Ikaw na ang bahala sa kanya, Paulo,” sambit ni Jackson bago sumulyap sa akin. “We’ll talk to my office after this,” aniya at tuluyang tumalikod sa akin na hindi man lang hinihintay ang sagot ko.

“Okay.”

Narinig ko namang ang malanding tawa ni Direk at pinagmasdan ang likod ni Jackson na preskong naglakad palayo sa amin. Tinanaw ko rin siya at nakitang huminto sa tapat ng lift bago pumasok doon.

“Ang gwapo ni Sir. Are you friends with him, Darling?”

Pilit akong napangiti at napaisip. “I think?” walang kasiguraduhan kong sagot. Ngumisi lang siya na tila ba hindi kapani-paniwala ang sagot ko. Ilang saglit pa ay namewang siya sa harap ko at ipinaypay ang hawak na papel kahit hindi naman mainit.

“You’re really beautiful, Scarlet. Hindi na ako nagtataka kung bakit pinapalitan agad sa amin ng team iyong modelo na dapat sasalang ngayon kasama si Darling Jennie,” he said. “And Sir Jackson even called me earlier that you’re coming,” dagdag pa nito.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan. May karanasan naman ako sa pagmomodelo. But Jennie Fortalejo is an international and a professional model. Ang alam ko ay isang taon lang ang tanda ng edad ko sa kanya. Pero kahit ganoon, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Lalo pa at ito ang unang trabahong gagawin ko sa kompanya ni Jackson. I don’t want to fail.

“And you’re so lucky! Alam mo bang ‘yung i-sho-shoot rin ngayon ay para sa cover ng magiging latest brochure namin? So you need to do your best. Dahil dalawa kayo ni Jennie ang magiging female cover kunsakali!” patuloy ito sa pagkwento. Tanging tango lamang naisagot ko.

Hindi ko alam kung nakatulong ba iyong sinabi niyang magandang balita o dumagdag lang lalo sa kaba ko.

Inilibot ko ang tingin sa kabuoan ng malaking kwarto. Nagsisimula nang mag set-up ang mga staff para sa shoot.

“Thank you. Are we ready to start?”

“Not yet, darling. Wala pa si Jennie. But don’t worry dahil maya maya ay nandito na rin ‘yon. At isa pa, dalawang shoot ang gagawin mo today. Iyong isa ay pang engagement shoot advertising our engagement jewelries. Doon ay may male model kang kasama. Si Dylan Wang. Kaya lang ay wala parin ngayon,” anito at bahagyang inilibot ang tingin bago muling sumulyap sa akin.

“For now, aasikasuhin ka muna ni Aika— ang magiging make up artist mo ngayong araw,” sabi ni Direk at agad na lumapit sa akin iyong Aika. “I want her to look fierce in this theme, okay?” sambit ni Direk bago lumingon doon sa Aika. Tumango naman ito at ngumiti.

“Ako na po ang bahala, Direk!” si Aika at hinigit ako papunta sa bakanteng high chair kung saan ay may malaking vanity mirror na puno ng make up. Sa gilid ko ay ganoon din. May malaking vanity mirror na palagay ko ay o-okupahin ni Jennie Fortalejo pagdating niya.

Mad Billionaires 1: Naked Desire [R18] Where stories live. Discover now