Twenty - Two ★ - Childhood Sweetheart

7.6K 167 18
                                    

Second UD for this day :) Inspirado ang lola niyo! HAHAHAHAHAHA! Charot lang, bumabawi lang dahil sobrang matatagalan na naman ang update ko kapag nagsimula na ulit ang pasok sa Jan. 5 :))

Shoooooort and Bitin UD :) Enjoooooooooooooooooooooooy ~ 

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty-two

“Asher! I miss you!” sabi ng babae na bagong dating sa asawa kong nakaupo sa tabi ko. Lumapit ang babaeng mukhang kinapos ‘ata ng tela ang damit sa asawa ko sabay halik sa kanya at hindi lang ‘yon, yumakap pa siya. Nakatingin lang ako sa kanila na parang nag-iintay marecognize nung babae. Malay mo naman kasi makaramdam siyang nandito yung asawa nung hinalikan at niyakap niya.

“T-risha, kailan ka pa nakabalik?” naiilang na tanong ni Asher. Umupo sa tabi  niya ang babae pagkatapos ay parang tukong kumapit sa asawa ko. Hindi rin makapagreact sila nanay at tatay pati na ang mga kapatid niya. Nakatingin lang sila tulad ko sa dalawang nilalang sa tabi ko. Nararamdaman kong nakatingin sila sa akin pero masyado akong nakafocus sa pagtingin sa asawa ko at sa babaeng tuko.

“I arrived yesterday. Mom’s driver picked me up at the airport. I was going to call you yesterday, but someone told me that you’ve changed your number” maarteng sabi nito. Napairap naman ako sa kaartehan nito, ang sarap ihambalos sa pintuan tapos itapon sa ilog pasig.

“Ahh. Okay” sabi naman ni Asher. Napaismid naman ako sa ikli ng sagot ng asawa ko. Kung ako siguro ang sinagot niya ng ganon, katakot takot na pagtataray ang ibabalik ko sa kanya. Pero itong babaeng Trisha raw ang pangalan ay balewala man lang ang sagot sa kanya ng lalaki.

“OMG! Tita, you’re so gorgeous. You look so young!” sabi nito kay nanay na ngumiti lang.

“You too, tito! Parang bumata ka pa lalo” pahabol pa nito. Tulad ni nanay ay ngumiti lang si tatay. Napansin ko namang napairap si Phoebe sa pambobola ng babaeng tuko.

“Oh my! Phoebe! Is that you? Gosh! You look so hot princess” bati nito kay Phoebe na halatang halata sa mukha ang pagkairita.

“Don’t call me ‘princess’. We’re not close” mataray at inis na banat naman ni Phoebe. Nakita kong umiling si nanay sa kanya. Ibig sabihin tigilan ang kanyang ginagawa.

“Zach, ang gwapo mo parin. Pero mas gwapo parin si Asher” sabi pa nito. Aba’t walang preno ang bibig ng isang ito. Sige ate, ipush mo pa yang pagiging maarte’t bolero mo. Napapailing nalang ako sa kanyang inaasta.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Where stories live. Discover now