Twenty ★ - It's All About Us

7.3K 171 18
                                    

Sorry po at natagalan ang update. Ako po'y busy sa thesis namin :(( busy po talaga ako sa mga school related works. Nawa'y maunawaan niyo po~ 

Enjoooooooooy kahit maikli lang yung update. Thank you po sa mga makaka-appreciate <3

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter Twenty

                Asher’s POV

                Agad akong naalimpungatan ng maramdaman kong wala sa tabi ko ang aking asawa. Nasaan kaya ang babaeng iyon gayong halos mag-aalas singko palang ng umaga? Sambit ko sa isipan ko. Kahit na gaano pa ako inaantok ay napilitan na akong tumayo dahil hindi rin naman ako makakatulog kahit na akong pilit ko.

                “Wifey?” tawag ko sa asawa ko ng makalabas ako ng kwarto namin. Walang sumasagot. Kinakabahan ako, baka kasi iniwan niya na ako. Sa loob ng dalawang linggo masayang masaya akong napapahayag ko sa kanya ang nararamdaman ko, kahit na hindi niya sinasagot ang mga iyon ay masaya parin ako. Kuntento at masaya na ako sa sitwasyon namin, handa naman akong maghintay hanggang sa masabi niyang mahal niya rin ako.

                Nang magpunta ako sa kusina ay napansin ko ang sticky note na nakadikit sa ref.

                “Good morning Mr. Alvarez, alam kong magigising ka kapag nawala ako sa tabi mo. Don’t worry, nagjogging lang ako. – Your Wife” gumuhit ang ngiti sa mga labi ko dahil sa simpleng note niya. Ang babaeng ‘yon talaga, gustong magjogging hindi man lang nagyaya.

                Habang iniintay kong dumating ang asawa ko ay kinuha ko muna ang laptop ko mula sa kwarto at bumalik sa may kitchen table para doon maglaptop habang umiinom ng coffee. Kailangan ko rin kasing maipadala sa e-mail iyong kailangang report ni tatay. Hindi ko kasi naisend sa kanya kagabi dahil sa sobrang sabik ko sa asawa ko. May naging biglaang business trip kasi sa Hong Kong na tumagal ng dalawang araw para mameet iyong possible investor sa kompanya ni tatay.

                Nang matapos magload ang gmail account ko, agad na bumungad ang e-mail sa akin ni Dana na kaibigan ni Ina.

                From: dana*****@gmail.com

Subject: What the heck Asher?

                Please. Paki-explain kung papaano mo naging asawa ang kaibigan ko? At bakit hindi niya alam ang tungkol sa totoong estado mo! Alam mong ayaw ni Ina ng niloloko at pinagmumukha siyang tanga. What the heck Asher!

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Where stories live. Discover now