Twenty - five ★ - Giligans

7K 174 53
                                    

FINALLY!!!!! May Update na ulit ako :))) Lame update ito, babawi ako next chapter. Humihingi po ako ng dispensa dahil busy po ako sa aking ojt sa Makati, City. Wala akong time mag-update, magsulat, at kung anu-ano pa. Dahil kailangan kong gumising ng maaga, araw araw. Cavite to Makati, everyday is not a joke.


Anyway, maraming salamaaaaaaaaaaaaaaaaaat <3


Nawa'y masuportahan niyo ang bagong istoryang ginagawa ko. Ang Exquisite Co #3. Kasama ko sa isang collaboration na ito sila MsButterfly (BHO CAMP Series), JhasMean_ (BASKETBALL LOVE AFFAIR Series), at si Ms. maxinejiji (HE'S INTO HER)


Exquisite Co.:

#1 @MsButterfly

#2 @JhasMean_

#3@modernbinibini

#4@maxinejiji


Nawa'y suportahan niyo kami. Thank yoooou!! <3



----------------------------------------------



Chapter Twenty-Five



"Take care, hubby" paalam sa akin ni Ina. Paalis na ako dahil biglaang nagpatawag si Tatay ng emergency meeting. May gusto raw kasing makipag-merge na kumpanya ngunit, palugi na ito kaya naman baka mahirapan ang kumpanya namin kung sakaling kukunin namin ang kumpanya nila.



"Ingat ka rin pagpasok" sabi ko rito. Ngayon na kasi ang simula niya sa trabaho, bilang isang supervisor sa coffee shoppe ni Jem. Halos dalawang buwan na rin ang nakakalipas mula noong kaarawan ko, at sa loob ng dalawang buwan ay patuloy ang paglago ng pagmamahalan namin ni Ina. Mula ng gabing umamin at sinabi niya ang nararamdaman niya sa akin ay tila may magic na palagi sa paligid naming dalawa. Kung dati, medyo mahina lang 'yong spark, ngayon mararamdaman mong malakas na yung sparks.



Nakakabading mang isipin at pakinggan pero kapag nagmamahal ka ng totoo, tila balewala 'yong sasabihin ng ibang tao sa'yo at sa mga iniisip mo. Kapag nagmamahal ka, wala kang pakielam sa sasabihin ng iba basta masaya at alam mong wala kang natatapakan na pagkatao.



"I love you" matamis na sabi nito sabay yakap sa akin.



"I love you more" sabi ko rito sabay yakap rin sa kanya ng mahigpit. She's always like this. Yayakapin niya ako ng matagal pagkatapos ay ngingiti sa akin. Mula nang maamin niya sa akin ang nararamdaman niya, hindi siya pumapalya na ipaalala sa akin kung gaano niya ako kamahal. Alam kong umpisa palang ay hindi dapat ako umasa ng sobra sobrang pagmamahal mula sa kanya pero kahit pala umasa ako ay sobra sobra parin pala talaga ang ipaparamdam niya sa akin. Kaya naman labis ang kasiyahan na nararamdaman ko.

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Where stories live. Discover now