Twenty Eight ★ - Identity

2.3K 53 31
                                    


Hi Readers! 

Please if there are things na naisulat ko on the past chapters such as their full names, please do remind me. Sa totoo lang nasa lumang laptop ko ang drafts ng lahat ng stories ko, lahat ng softcopies, but then nasa Pilipinas ang lumang laptop ko, so please remind me if may nakakaligtaan akong information so I can correct it. Sa office po ako nagsusulat kaya pasensya na if may errors and wrong grammars. 

WARNING: SHORT UPDATE.

Enjoy! 

#HPH28

--------------------------------------------------------------------------------------------


Chapter Twenty -  Eight 


Asher's POV

"I want to tell you about the truth" hindi ko rin alam kung bakit ko pa naisipan sabihin sa kanya ang tungkol sa totoong pagkatao ko. Pero mabuti na rin na sabihin ko ngayon since ilang beses na rin namang nadelay ang tungkol rito. You can do this Asher. Pagpapalakas ko sa sarili ko.

"Truth? About what?" tanong nito. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig, hindi ko alam kung dahil sa lugar kung nasaan kami ngayon o dahil natatakot ako sa magiging resulta ng pag-uusap naming ito. This is it. Huminga muna ako ng malalim bago magtuloy magsalita. 

"About myself, about my real identity" sabi ko rito at naramdaman ko ang paninigas ni Ina mula sa kinatatayuan niya. Hindi siya nagsasalita ngunit nakatingin siya sa akin ng diretso.

"I'm Asher Gabrielle Becker Alvarez, first-born to Mr. and Mrs. Lucas Gabriel Alvarez of Becker-Alvarez Group of Companies. One of the owners of AG Condominium. Humihingi ako ng tawad dahil alam kong hindi ko sinabi agad sa'yo ang totoo tungkol sa pagkatao na meron ako, pero gusto ko lang malaman mo na lahat ng pinakita ko mula noon pa man ay totoo at kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa'yo about sa pagmamahal ko para sa'yo" hinawakan ko ang kamay niya at saka dinala sa may dibdib ko. 

"Mrs. Asherina Laurenne Castillo -  Alvarez, mahal kita. Mahal na mahal kita. Alam kong magagalit ka dahil sa ginawa ko pero ginawa ko lang 'yon dahil ayokong mawala ka sa akin. The first time I saw you on that airport, I knew that you will have a great impact on my life and I know that this time will come but I hope you will understand me. Ina, I'm really sorry" sincere kong sabi sa kanya habang nakatingin diretso sa mata niya. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya, marahil dahil nabigla siya sa sinabi ko. 

"Can we go home?" malamig na sambit nito na ikinabagsak ng balikat ko. Inaasahan ko na nang mangyayari ito at sa tingin ko ay mas mabuti pa munang umuwi na kami at magpahinga. Naniniwala akong makikipag-usap si Ina sa akin kapag okay na siya. Kung tutuusin kasalanan ko naman talaga, kung umpisa palang sinabi ko na sakanyang Alvarez ako, hindi na sana aabot sa ganito. 

"Okay. Let's go" sabi ko nalang at hinayaan siyang maunang pumasok sa sasakyan. Pinairal ko kasi ang takot ko Ina, kung sana may sapat na lakas na loob lamang ako upang sabihin sayo una palang. Alam kong pagkatapos nang ginawa kong ito, maraming magbabago at hindi ko alam kung handa ba ako sa pagbabagong 'yon. 


**


Ina's POV

Sa totoo lang pagkatapos sabihin ni Asher ang tungkol sa pagkatao niya, halos hindi ko alam kung ano ba ang nararapat na maramdaman. Siguro dala na rin ng pagod ay hindi ko na kaya pang mag-isip ng kung ano pa mang bagay. Kaya naman napilitan akong magyaya ng umuwi. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Paid Husband ★ (On-Going - Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon