My Heart Was Home Again | Chapter 10

720 35 6
                                    

     Pagkatapos ma-finalize ng annulment nila Janus kay Karyn ay agad siyang lumipad patungong America. Pinuntahan niya ang kanyang mag-ina. Isang katok sa pinto ang nagdala ng saya at buhay samag-ina nang makita si Janus na ma dalang mga gamit at may baon na ngiti hanggang sa tenga.

     "You're going to live with us dad? Yehey!!" nagtatalon-talon si Jairus. "My daddy is going to live with us!!" pagmamalaking isinigaw ng bata sa loob ng kanilang bahay.

     Naupo si Janus sa may sofa at agad na tumabi sa kanya si Arya.

     "Seryoso na ba 'to? A-anong nangyari?" agad niyang tanong dahil nag-aalala siya na baka tinakasan nito si Karyn para lang makapunta sa kanila.

     "Relax..." ngiti sa kanya nito. "May pasalubong ako sa'yo galing ng—"

     "Janus! Ano ngang nangyari?" seryoso ang tinig ni Arya nang magtanong. Pero parang walang narinig si Janus at agad niyang binuksan ang bag saka kinuha ang mga papeles saka inabot ito kay Arya.

     "What's this?" she asked then took a look at the papers. Agad siyang napangiti saka biglang nagdiwang ang kanyang puso. "P-pero paano nangyari—"

     "Pinalaya na niya ako. Pagkatapos ng maraming araw na lagi kaming nag-aaway ay pinalaya na niya ako." Ginagap niya ang kamay ng dalaga. "Take me to your heart again and accept me as your lawful husband."

     "Oo naman." Nakangiting sabi niya na halos hindi pa rin maniwala sa mga nangyayari. Hindi niya inaakalang mangyayari agad ito. Wala sa hinagap niya kakatok sa kanyang pinto ang lalaking matagal na niyang minamahal. "P-pero okay na ba talaga kayo ni Karyn?" pagkuwa'y tanong niya.

     "Oo." Diin niya sa sinabi habang nakangiti pa din. "We're good. Sa katunayan nga ay magkaibigan pa rin kami at invited nga tayo sa kasal niya."

     "Kasal?"

     "Yap. Nang maghiwalay kami six months ago ay nakahanap naman siya agad ng lalaking mahal na mahal siya at gusto rin naman niya. So ikakasal na sila."

     "Talaga? Mabuti pa siya ikakasal na..." mukhang nagpaparamdam naman si Arya. Tinalikuran pa niya si Janus kunwari.

     "Baby..." paununuyo nito saka ito yinakap. Hinalik-halikan siya sa may tenga.

     "Joke lang naman..." bawi niya saka muli itong hinarap pagkatapos ay pinisil ang matangos na ilong ni Janus. "Hindi naman ako nagmamadali e. Na-miss lang kita ng sobra..."

     "Ako din naman a!" Saka niya kinandong si Arya. "Mas na-miss ko kayo." Lumapit si Jairus at kumandong din sa kanya atsaka siya hinalikan sa pisngi.

     "I love you daddy. You know what, mommy's crying every night. I think she misses you so much that's why she's speaking in tagalog. She's always saying; n-nasaan ka na? M-mahal m-mo pabako?" kwento nito na utal-utal pa ang pananangalog. Pero totoo naman ang kanyang ikinuwento sa kanyang ama.

     Napatingin naman sa kanya ang ina at pinandilatan siya.

     "Really?" ani ni Janus na napatingin kay Arya.

     "Daddy... will you promise that you wouldn't go anywhere? So mom wouldn't cry every night to her sleep." Paglalambing niya sa kanyang ama habang nakalambitin pa rin sa leeg nito.

     "I promise baby. From this moment we will be a perfect family. And I'm going to teach you to speak in tagalog, okay?"

     "Really? I'm so excited!" saka siya humalik at nagbalik na sa mga laruan niya.

     "I love you..." bulong ni Janus sa dalaga. Napangiti si Arya at yumakap siya ng mahigpit.

     Kinagabihan ay sama-sama silang natulog sa iisang kama. Yakap ni Janus ang kanyang mag-ina at walang kapantay ang kaligayahan na nadarama niya. He couldn't ask for more. He's perfect now.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now