My Heart Was Home Again | Chapter 1

856 27 0
                                    

        Ilang taon na nga ba ang nakaraan simula nang huling nakita ni Arya ang mga pamilya niya dito sa Pilipinas? Marami na nga ang nagbago simula nang umalis siya at nag-stay sa America. She chose to live her life there for some reasons when she was only nineteen years old. She was pregnant that time nang magpunta siya doon at walang sinuman ang nakakaalam.

     "Mommy, wake-up na!" yugyog sa kanya ng kanyang anak. "We're already here sa bahay ni Grams," dagdag ng batang may pagka-slang ang pagtatagalog dahil iba ang nakasanayang accent. He was only eight years old bibong-bibo. Nagmulat si Arya at naroon na nga siya sa kanilang bahay. Nakatulog kasi siya habang nasa daan sila pauwi dito sa Bulacan mula sa NAIA.

     Binuksan ni Jairus ang pinto ng sasakyan at mabilis na bumaba upang salubungin ang kanyang Lola Martha na pababa na sa mga hagdan ng malaki pero lumang bahay. It was an old house na panahon pa ng mga kastila nang maitayo. Pinalitan na ng bato ang dating mga kahoy nitong dingding pero pinanatili pa din doon ang pagka-ancestral ng bahay.

     "Apo!" Sigaw nang matandang nasa 60's na ang edad pero mukhang hindi naman tumatanda ang itsura at malakas na malakas pa. Agad itong yumakap kay Jairus nang magkalapit na sila. Hinalikan niya ng ilang beses ang apo atsaka pinisil-pisil ang pisngi dahil sa medyo pagka-malusog nito.

     "Ma, 'wag niyo naman pong panggigilan si Jairus. Baka pumayat 'yan," natatawang biro ni Arya habang papalapit sa mag-lola.

     "E bakit ba? Ngayon lang kami nagkita ng apo ko e. Dati sa webcam ko lang siya nakikita pero ngayon..." muli niyang binalingan ng tingin ang malusog na bata na nakayakap sa may beywang niya, "tingnan mo at ang gwapo-gwapo niya pala," atsaka niya ginusot ang buhok nito.

     "W-what did you say lola?" kaunti lang kasing tagalog ang alam ni Jairus. Mabuti na nga lang at natuto kahit papaano kahit na nasa ibang bansa sila. Matalino rin naman kasi ang bata at namana niya iyon sa kanyang ina.

     "Nothing apo, tara let's just eat sa loob at alam kong magugutuhan mo ang luto ni lola..." akay niya sa bata at pumasok na sila sa loob ng malaking bahay. Sumunod naman si Arya na naiiling dahil mukhang hindi man lang siya na-miss ng ina at hindi siya nagawang yakapin o halikan man lang.

     Kapag nga naman ang mga ina ay nagkaroon na nang apo, apo na ang mahalaga at hindi na ang anak. Sa isip-isip niya saka na lang naiiling sa sumunod sa loob ng bahay.

     Pagpasok ni Arya ay parang walang nagbago sa ayos ng bahay. Naroon pa rin sa mga dati nilang puwesto ang mga kagamitan na dalaga pa lang siya ay naroon na. Ang piano sa may tabi ng bintana, ang mga lumang muebles na nasa malawak na sala at ang iba-iba pang gamit na masasabi mong luma na talaga.

     Pagpasok niya sa kusina ay nadatnan niya ang kanyang ina at si Jairus na nagsusubuan. At mukhang na-eenjoy naman ng bata ang mga pagkaing pinoy. Naglakad si Arya sa may bintana nang kusina at tinanaw ang likuran. Hindi na siya nagulat kung bakit maraming tao sa likod at busy ang mga ito sa pagluluto. Ito ay paghahanda para bukas, para sa reunion ng kanilang angkan. Ito rin ang rason kung bakit siya pinauwi ni Martha. Ilang taon na rin daw kasi itong hindi nakakasama sa reunion ng pamilya kaya pinilit ni Martha ang anak na umuwi para naman daw makasama nila ito pati na makilala ni Jairus ang iba pa nilang pamilya.

     Meron ngang anak si Arya pero wala itong ama. At hindi na niya balak mag-asawa pa dahil masaya naman na siya na single parent. Walang sinuman ang nakakaalam kung sino ang ama ni Jairus kundi tanging si Arya lang. At hanggang ngayon kahit anong pamimilit ni Martha sa anak na sabihin sa kanya kung sino ang ama ng bata ay hindi pa rin siya nagsasalita. Mas gusto niyang sarilinin kung sino ang ama ng kanyang anak.

     "Sigurado akong matutuwa ang mga pinsan mo kapag nakita ka bukas. Ang laki daw kasi nang pinagbago mo. Kung dati ay tomboy na tomboy ka, aba ngayon ay daig mo pa daw ang mga model!" Kwento ni Martha habang nagpapatuloy sa pagpapakain sa apo.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now