My Heart Was Home Again | Chapter 9

584 22 0
                                    

     Umuwi na naman ng lasing si Janus. Simula kasi ng araw na umalis sina Arya ay pinayagan na siya ni Karyn na lumabas ng bahay dahil alam niyang wala na itong pupuntahan kundi ang mga barkada niya. Limited lang din ang pera nito dahil ipina-freeze ni Karyn ang lahat ng accounts niya. Hindi na lang kumibo si Janus dahil alam niya kung ano ang nasa isip ng asawa, na baka takasan niya ito at magpunta ng Amerika. Kaya wala na siyang ginawa kundi maglasing ng maglasing tuwing gabi.

     At ngayon nga ay lasing na naman siyang umuwi.

     "Lasing ka na naman! Wala ka na bang gagawin sa buhay mo kundi maglasing ng maglasing?!" bunganga sa kanya ni Karyn habang nakapameywang pa.

     "A-anong gusto mong gawin ko? Magmukmok dito sa bahay habang kasama ka?" sarkastikong sagot nito.

     "Oo bakit? Asawa mo naman ako ah!" Angil niya. "B-bakit hindi na ba natin pwedeng ibalik 'yung dati?" biglang humina nag kanyang tinig.

     "Ganito na tayo dati Karyn. Sira na ang buhay ko dati pero biglang nabuo nang dumating ang mag-ina ko. Pero winasak mo na naman ako for the sceond time! Hindi pa ba ang sapat na nakikita mo lang ako?"

     "Bakit mahirap ba 'kong mahalin? Ganoon na ba ako kahirap mahalin para hindi mo magawang buksan ang puso mo para sa'kin? Asawa mo naman ako.." muling ulit niya at mangiya-ngiyak.

     "Asawa nga lang kita pero hindi naman kita mahal."

     "Dahil hindi mo sinusubukan! Make love to me please..." patakbong lumapit si Karyn sa asawa atsaka pinaliguan ito ng halik. Hindi siya tumigil kahit na ba tila walang pakiramdam si Janus at hindi tinutugon ang bawat dampi ng kanyang mga labi.

     "Make love to me..." pagmamakaawa ng kanyang boses habang isa-isa niyang tinanggal ang suot na damit ng asawa. Hinawakan ni Janus ang dalawa niyang kamay atsaka niya tinugon ang halik ni Karyn. Nanakit at nakakasugat ang bawat halik na iyon Hindi man makaramdam ng pleasure o gentleness si Karyn but she doesn't care.

     Pinunit ni Janus ang suot niyang damit saka mabilis na tinanggal ang brassiere nito. Pagkuwa'y inihiga siya sa makapal na alpombra ng sahig. Pagkatapos ay mabilis din niyang binuksan ang zipper ng kanyang pantalon at inalis ang suot na pang-ibaba ni Karyn.

     Mabigat ang bawat galaw ng katawan niya at hindi na niya iniisip kung masasaktan ang asawa o hindi.

     "Ayan ba ang gusto mo hah? Ang pareho tayong nasasaktan?" paanas na tanong nito pero patuloy pa rin sa mapanakit na pag-indayog ng katawan.

     "N-nasasaktan ako..." mahinang daing ni Karyn at bumabaon ang mga niya sa likod ng asawa. Tumayo si Janus at isinara ang kanyang zipper.

     "Mas nasasaktan ako dahil kahit papaano ay may pinagsamahan tayo. Pero Karyn... pakawalan mo na 'ko. Simula pa lang alam mo na 'di ba na si Arya lang ang mahal ko?"

     "Kaya ko siyang higitan Janus! Just give me a chance..." tumayo siya mula sa sahig at itinabing sa hubad na katawan ang roba na kaninang suot niya.

      Umiling na lamang si Janus at umakyat na sa itaas. Pa-ekis-ekis ang lakad nito sa hagdan at halatang hilong-hilo pa rin sa alak na nainom kanina kasama si George. Pagkapasok niya sa kanilang kwarto ay dumiretcho siya sa banyo at naligo upang mahimasmasan. Ilang miuto din siya nagbabad sa bath tub bago tuluyang tinapos ang pagligo. Paglabas niya sa banyo ay nadatnan na niyang himbing na himbing si Karyn sa kama.

     Nakaramdam siya ng awa para rito. Naging mabait naman sa kanya ang babae pero sadya yatang kung anong isinisigaw ng puso mo ay iyon ang susundin mo. There were times na sinubukan naman niyang mahalin si Karyn pero kahit na anong gawin niya ay hungkag pa rin ang kanyang damdamin sa nakaraan. Kay Arya, at sa sinabi nito noon sa kanyang buntis siya. Madalas siyang bangungutin noon dahil sa pagsisising hindi niya nagawang ipaglaban si Arya sa kanyang ina pati na ang kanilang magiging anak. Hindi pa siya handa noon sa anumang responsibilidad dahil masyado pa silang bata kaya wala na lang siyang nagawa kundi panoorin si Arya habang papaalis noon at lumakad sa gitna ng maulan na gabi.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]On viuen les histories. Descobreix ara