My Heart Was Home Again | Chapter 6

513 18 0
                                    

     Kakaibang ngiti at aura ni Arya kinabukasan sa isla. Hindi na iyon ipinagtaka ni Anton sa kapatid lalo na ang pagiging sweet nila ni Janus sa isa't-isa at ang pag-aasikaso nito sa bata. Masaya na siya para sa kapatid dahil nakikita na niyang nabubuo na ang pamilya nito.

     "Mom, is Janus going to be my new dad?" natanong nito nang mahuli silang magkayakap sa may tabing-dagat. Kapwa sila nagulat sa pagsulpot ng bata kaya mabilis din silang nagkalas sa pagkakayakap sa isa't-isa.

     Lumuhod silang dalawa para magpantay ang kanilang laki kay Jairus na punong-puno ng pagtataka sa mga mata pero mukhang masaya naman sa nakita.

     "I have a long story to tell you..." nakangiting wika ni Janus. "Do you want to listen?"

     "Yeah." Tango ng bata saka sila naupo sa may buhanginan. Pinagtapat na nilang dalawa ang lahat-lahat sa bata. Hindi naman nila nabakasan ng galit o pagtatampo bagkus ay napakaligaya nito dahil sa wakas ay nakilala na niya ang kanyang tunay na ama. Nang malaman niya ang lahat ay halos maiyak si Jairus habang yakap ang ama. Natuwa naman si Arya sa nangyayari dahil hindi sila nahirapan ipaliwanag ang lahat.

     But she's still worrying dahil inilihim pa rin nila sa bata ang totoo; na may pamilya si Janus at kabit lang ang kanyang ina. Bumabaon at pumupunit sa puso ni Arya ang salitang tawag sa katotohanan, kabit. Pero wala siyang pakialam kahit malaking kasalanan ang kanyang kino-commit. Bahala na ang tadhana sa kanilang pagmamahalan, sabi na lang niya sa sarili nang yakapin silang dalawa ni Janus. One perfect picture of a perfect family.

     At simula nga ng araw na iyon ay malaya na sila ni Janus na ipakita ang kanilang pag-iibigan sa isa't-isa. Magkakasama na rin silang mag-bonding na labis na ikinatutuwa ng kanilang anak. Lagi niyang sinasabi kung gaano siya nagpapasalamat sa Diyos at nabuo na ang kanyang pamilya. Magkakasama na rin silang natutulog sa iisang suite.

     "Paano na 'yan pagbalik natin sa Maynila bukas? Paano mo sasabihin sa anak mong aalis ang tatay niya dahil uuwi sa asawa niya?" Pormal ang mukha ni Anton nang itanong niya iyon sa kapatid na masayang pinagmamasdan ang mag-ama na naglalaro sa tubig. Alam na rin kasi ni Anton ang lahat; wala siyang inilihim sa kanyang kuya.

     "Bahala na, basta ang importante makasama namin siya kahit sandali lang," sagot niya nang balingan niya ito ng tingin.

     "Hindi man lang ba kayo magbabalikan para kay Jairus? Tutal sabi naman niya 'di ba na mahal ka niya? Edi hiwalayan niya ang asawa niya." Sarkastikong ani ni Anton.

     "Hindi ganoon kadali 'yon Kuya. Ilang taon din silang nagsasama nung tao." Pagtatanggol pa niya kay Janus.

     "So ganyan na lang kayo? Ikaw na lang ang kabit?"

     "Kuya!" naaburido na siya. "Hayaan mo na lang kami. As long as Jairus is happy masaya na rin ako kahit nakaw lang ang mga sandaling ito. And don't you dare to make a fight with Janus dahil hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako," panakot pa niya na medyo matawa-tawa.

     "Inaalala lang naman kasi kita. Baka kasi sa bandang dulo, ikaw ang umiyak ng umiyak at magmukhang kawawa."

     "I can manage pain and frustration, don't worry." Ngiti niya saka na iniwan ang kuya niya sa cottage at nagtungo sa kanyang mag-ama.

     Kapwa nila dinadasal na sana'y hindi na matapos ang mga sandaling iyon na puno ng saya at ligaya. Sino ba namang magulang ang gustong nakikitang malungkot ang kanyang anak? Ngunit wala silang magawa kundi balikan ang mga buhay-buhay nila. Kinabukasan nga ay umuwi na sila. Halata ang matinding kalungkutan sa mukha ni Janus nang iwan niya ang kanyang mag-ina sa airport. Kailangan na niyang balikan si Karyn, at maging asawa muli dito. Pero nangako siya kay Jairus na dadalaw siya.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now