My Heart Was Home Again | Chapter 5

527 25 0
                                    

     Maagang bumalik kinabukasan si Janus sa bahay nila Arya para kuhanin ang kotse niya. Hindi na niya kasi kayang mag-drive kagabi kaya iniwan na lamang niya ito. Kumatok muna siya kena Arya para sana kamustahan ang mag-ina niya bago siya umalis.

     "Si Arya?" tanong ng matanda. "Maaga silang umalis mag-ina papuntang Puerto Galera dahil gusto daw mamasyal ni Jairus. Hindi na 'ko sumama at si Anton na lang ang ipinasama ko."

     Nanghinayang naman si Janus dahil hindi niya naabutan ang mga ito. Pero may balak siyang sumunod kaya naman tinanong niya si Aling Martha kung saan pupunta ang mga ito doon. Sinabi naman nga ng matanda ang destinasyon nila. Kaya mabilis siyang umuwi at nag-impake para makahabol sa huling flight papunta doon. Paalis na sana siya ng bahay nang mag-ring ang kanyang cellphone.

     Si Karyn, ang asawa niya.

     "H-hello?"

     "Hon!" masiglang bungad ng kanyang katipan. "I'm on way home and I miss you so much kaya ipagluluto kita ng masarap na masarap na afritada," dagdag ni Karyn.

     "Hah?" napasimangot si Janus nang marinig na papauwi na ang kanyang misis. "A-akala ko ba next week pa ang balik mo?"

     "Sa boses mo naman parang hindi ka natutuwa na uuwi ako ng maaga? May problema ba?" malambing na tanong nito sa kanya.

     Binuksan ni Janus ang sasakyan saka iniligay ang kanyang mga gamit sa likod. Pagkuwa'y pumasok na sa driver's seat.

     "Aalis kasi ako kaya malabo ring magkita tayo." Pagtatapat niya rito. "I'm going to Puerto Galera para sumunod sa mga kaklase ko na nagkaroon bigla ng reunion," dahilan niya sabay napakamot sa ulo.

     "Ganoon ba? Ayaw mo ba 'kong isama? Pwede naman siguro 'di ba?"

     "Puro lalaki lang kami hon, hindi ba nakakahiya kung ako lang ang may kasamang asawa?"

     "Sabagay." Saka biglang lumungkot ang mukha ni Karyn. "Sige, mamamasyal na lang ako mag-isa. I love you."

     "Sige, bye!" atsaka na niya pinatay ang kabilang linya na wala mang sagot sa huling sinabi ng asawa.

     DAPIT-HAPON na nang makarating si Janus sa isla. Agad siyang nagcheck-in sa hotel na kinaroroonan din nila Arya. Pagkatapos niyang mailigpit ang mga gamit ay agad na siyang bumaba para hanapin ang kanyang mag-ina. At dahil maliit lang ang lugar na iyon ay agad niyang natunton ang mga ito. Naglalaro ang mag-ina sa may tabing-dagat at kay gandang pagmasdan ng paglabog ng araw mula sa kanilang likuran.

     Sana naging malakas ako noong sinabi mong buntis ka. Sana nagawa kitang panindigan. Sana isa na tayong masayang pamilya ngayon. Kung alam mo lang Arya kung gaano naging impyerno ang buhay ko simula nang umalis ka.

     He started his walk palapit sa mag-ina niya.

     "Mukhang napakasaya niyo ah," nakangiti at nakapamulsang sabi niya dahilan naman para lingunin siya ng mag-ina na bumubuo ng sand castle.

     "Janus?" lalo pa itong lumapit sa kanila at umupo sa tabi ni Jairus saka inusod ang bata sa kanyang kandungan.

     "Did you miss me?" tanong niya sa bata.

     "Of course!" masayang sagot sa kanya ng bata. "Why are you here anyway?"

     "Because your mom invited me." Nakangiting sagot niya atsaka tiningnan si Arya na masama na ang titig sa kanya at nagtatanong ang mukha.

     "I see," nagpatuloy na lang si Jairus sa pagbuo ng castle. Tumayo si Arya atsaka hinatak si Janus. Tumayo ang binata saka sumunod kay Arya. Dumistansya sila ng kaunti sa bata upang mag-usap.

MY HEART WAS HOME AGAIN [SOON TO BE PUBLISHED]Where stories live. Discover now