23 - Isla Isagani

1.1K 63 15
                                    

Malayo sa masaganang imahe ng Isla Katalim ang sitwasyong kinalalagyan ng Isla Isagani.

May mga bata edad lima-pataas ang namamalimos sa kalsada, mga pamilyang walang maayos na tirahan na nagkalat sa kung saan kasama ang masangsang na amoy ng kapaligiran.

Masasabi kong kalunos-lunos ang buhay dito.

"Palimos po. Pangkain lang," saad ng matandang lalaki. Humugot ako ng barya sa bulsaat iniabot iyon sa kanya.

"Salamat. Pagpalain ka ng Diyos, hija."

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad para hanapin ang tirahan ng pamilya ni kuya Rick.

Hindi iyon naging madali para sa akin dahil halos lahat ng mga napagtanungan ko ay hindi kilala ang pamilya.

Basa na ang kili-kili ko't lahat-lahat ay hindi ko pa rin makita ang pakay ko rito sa isla.

Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko. Siguro ay halos isa't kalahating oras pa ang ginawa kong alay-lakad bago mapadpad sa isang iskwater area kung saan nagkaroon ulit ako ng pag-asa.

"Diretsuhin mo lang ang eskinita na iyan saka ka kumaliwa. Kapag may nakita kang malaking puno na may katabing maliit na bahay na halos bumagsak na dahil sa mayabong na dahon ng puno ay 'yon na ang bahay ng pamilyang na hinahanap mo."

"Salamat po."

Sinunod ko ang direksyong itinuro ng ginang. Katulad ng sinabi nito ay halos bumagsak na nga ang bubong ng bahay dahil sa mayabong na dahon at mga baging na nasa kisame. Gawa lang sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang bahay. Maliit ito at walang maayos na pundasyun kaya halos ibaon na ito ng punong katabi nito.

"Tao po," pagtawag ko mula sa harap ng bakod na kinatatayuan ko.

"Sina Aling Belinda ba ang hinahanap mo? Naku! Nasa palengke silang mag-asawa, namamalimos. Pero pabalik na si-BELINDA!" Sigaw ng Ali na kapitbahay ng pamilya.

Napalingon ako at nakita ang matandang mag-asawang. Naka-wheelchair ang babae habang tulak-tulak ito ng matandang lalaki.

"May bisita kayo!"

"Magandang araw po," pagbati ko sa mag-asawa.

Marumi at punit-punit ang damit na suot nila kaya hindi ko mapigilang malungkot at maawa. Mukhang panlilimos na lang sa kalye ang bumubuhay sa kanila.

"Magandang araw din sa'yo iha. Anong maitutulong namin sayo?" Nakangiting tanong sa akin ng matandang babae.

"Kaibigan po ako ni kuya Rick. Nandito po ako para sana kausapin kayo patungkol sa anak ninyo."

"S-Si Ricky..." Nanginginig ang labing sambit ng matandang babae. "Jusko! Ang anak ko. Ang anak natin Patrick!"

Inalok ako ng mag-asawa na pumasok sa bahay nila na agad ko namang pinaunlakan. Nag-abala pa silang bilhan ako ng meryenda gamit ang perang nilimos nila. Kahit kapos sila ay hindi ito nag-atubiling pakainin ako. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang gan'tong tao.

"Ito ang unang beses na may bumisitang kaibigan si Ricky dito sa amin. Kaibigan ka ba talaga ng anak namin? Baka naman anak ka n'ya?"

"Kaibigan lang po ako ni kuya Rick." Paglilinaw ko.

"Ahh ganun ba? Alam mo kasi iha halos dalawang dekada ng hindi umuuwi rito sa amin si Ricky. Napatagal na panahon na naming walang balita sa kanya. Hindi namin alam kong buhay o patay na siya dahil ng huling bisita n'ya rito ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan at mula nun ay hindi na siya nagpakita pa sa amin," malungkot na kwento ni Aling Belinda.

Hindi ko akalaing magagawang abandonahin ni kuya Ricky ang mga magulang n'ya.

"Nag-iisang anak n'yo lang po ba si kuya Rick?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon