13 - Locked

1K 64 1
                                    

Pareho kaming tahimik at abala ni Erika sa kanya-kanya naming ginagawa. Mukhang hindi pa n'ya napapansin na nawawala ang music box n'ya pero hindi rin magtatagal na siguradong hahanapin n'ya 'yon.

"Erika, gusto mo ba ng makakain? Sandwich or biscuits?" tanong ko habang nakangiti ng natamis sa kanya.

"I'm not hungry," sagot n'ya ng hindi naga-angat ng tingin sa akin.

"How about ice cream? Diba favorite mo 'yon?"

"Sabi ni Lola Ruth, 'wag daw akong kakain ng malamig na pagkain kapag hind pa ako naglu-lunch or dinner para hindi sumakit ang tiyan ko," paliwanag n'ya. Muli n'yang ibinalik ang atensyon n'ya sa pagkukulay sa coloring book n'ya.

"Samahan mo na lang ako. Kung ayaw mong kumain pwes ako na lang ang kakain."

"What's got into you? Ba't ang weird mo ngayong araw na 'to?" puno ng pagtatakang tanong n'ya sa akin.

Natigilan ako ng ilang sandali. Masyado bang obvious na nagi-guilty ako dahil sa ginawa kong pagkuha sa music box n'ya.

"N-Nagugutom lang ako," pagdadahilan ko habang inaayos ang mga gamit ko sa lamesa.

"Ikaw na lang. Bakit kailangan mo pa akong isama?"

Ang dami namang tanong ng batang 'to.

"Kapag iniwan kita rito ay baka kung ano naman ang mangyari sa'yo! Ang lampa mo pa naman," sagot ko sa kanya na nagpalukot ng mukha n'ya.

"Hi, girls!"

Sabay kaming napalingon ni Erika nang marinig ang masiglang boses ni Kave. Kasunod n'ya si Kamilla na kumaway sa amin.

"Hi, Uncle! Hi, Auntie Kamilla!" Bati ni Erika saka s'ya patakbong yumakap sa dalawa.

Cute!

"Did the two of you eat your lunch already?" tanong ni Kamilla.

"It's so early pa Auntie. It's 11 am palang. Hindi pa ako gutom," sagot sa kanya ni Erika na halatang ayaw pang kumain.

"We brought your favorite ulam. Don't tell me you don't want to eat this," pahayag ni Kave saka n'ya ipinakita sa bata ang hawak n'yang box. "Tara na. Baka naghihintay na sa dining room ang tatay mo!"

Biglang lumiwanag ang mukha ni Erika nang marinig ang sinabi ni Kave. Kaagad n'yang inayos ang gamit n'ya sa mesa at patakbong lumabas ng study table.

Pagdating namin sa dinning area ay nakita naming patapos na sa pag-aayos ng hapagkainan ang mag-inang Denise at Claire. Aalis na sana sila nang imbitahan sila ni Kamilla pati na rin si Madam Ruth para sumabay sa amin sa pagkain.

Ngayon lang ako kumain sa mahabang mesa na 'to na may maraming kasama. Mas masaya pala kapag ganito. Minsan kasi ay ako lang o 'di naman kaya kami ni Erika lang ang magkasamang kumakain dito.

Mayamaya pa ay dumating na rin si Eron. Pumwesto s'ya sa dulo ng lamesa at tahimik na kumain. Samantala, maingay ang gitnang bahagi ng mesa dahil sa mga kwento ni Kave at Kamilla. Paminsan-minsang sumasabay sa usapan si ate Claire at Denise sa kanila.

"Merida, mag-share ka naman ng kwento mo," baling sa akin ni Kave na nakapwesto sa harapan ko.

"W-Wala akong nakakatuwang kwento," nahihiyang saad ko. Napansin kong nasa akin na pala ang atensyon ng lahat maliban kay Eron.

"Come on, Merida. You can share anything," segunda naman ni Kamilla.

Pakiramdam ko ay nabunot ang index card ko para sa recitation ng klase ngayon. Lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

Lady of JardinWhere stories live. Discover now