21 - Culprit

1K 59 7
                                    

"Merida!" sigaw ni lola na ikinagitla ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa bibliya at pautal-utal na binasa ang bawat katagang nakasulat dito.

Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko. Ito ang unang beses na makaramdam ako ng ganitong matinding kilabot sa tanang buhay ko.

Isang nakakatakot na angil ang narinig ko na muling nagpatigil sa akin sa pagbabasa. Dahan-dahan akong napa-angat ng tingin at laking pagsisisi ko nang makita ang nakakapanindig balahibong nilalang sa harap ko.

"Apo!"

Parang isang mahinang bulong lang sa pandinig ko ang sigaw na iyon ng lola ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa matinding takot na nagpaparalisa sa akin. Hindi multo kundi isang halimaw ang kaharap ko ngayon.

"Merida!" muling sigaw sa'kin ni lola.

"L-Lola," utal na tawag ko sa kanya habang nakatitig sa mapupulang mata ng kaharap kong halimaw.

"Merida! Tatagan mo ang loob! 'Wag kang magpatalo sa takot mo."

Nakita ko ang matatalim nitong kuko na handa na sa pagsalakay sa akin. Napapikit na lang ako ng makita ang gagawin nitong pag-atake pero isang malakas na ungol ang mabilis na nagpamulat sa akin. Wala na sa harap ko ang halimaw.

"Puprotektahan tayo ng binditadong asin na nakapalibot sa atin. Habang nandito tayo sa loob ay walang mangyayaring masama sa ating dalawa apo," pahayag ni lola. "Merida, huwag mong ititigil ang pagbabasa mo ng bibliya hangga't wala akong sinasabi!"

Ibinaba ko ang tingin sa bibliyang hawak ko at muli 'yong binasa. Gusto ko ng matapos ang gabing 'to. Natatakot ako. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay hihimatayin ako.

Napasigaw ako nang bigla na lang lumitaw sa harap ko ang halimaw. Itinutok nito sa mukha ko ang mala-kutsilyo nitong mga kuko saka n'ya ito pilit na ipinapasok sa kinalalagyan kong bilog. Mayamaya pa ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito nang hindi n'ya magawa ang binabalak n'ya.

Napasinghap ako nang makitang nasa labas na ng bilog ang bibliyang hawak ko kanina. Sa sobrang gulat ko sa paglitaw n'ya kanina ay naitapon ko ito at nabitawan. Hindi ito ganun kalayo sa akin kaya naman sinubukan ko itong abutin.

"Merida!" sigaw ni lola pero huli na dahil isang malakas at malaking kamay ang bigla na lang humablot sa braso ko.

Buong pwersa ang ginawa nitong pagbalibag sa akin. Naramdaman ko ang pagbaluktot ng mga buto ko sa braso bago tumama sa matigas na pader ang katawan ko.

***

"LOLA, n-naaalala ko na."

Dahil sa matinding trauma na naranasan ko ay sariling utak ko na mismo ang nagtago ng mga alaala kong iyon noon.

"Alam mo bang laking pasasalamat ko na nakalimutan mo ang nangyari noon sa bahay ng Nanang Linda mo dahil sigurado akong ibang Merida na ang kakaharapin namin dahil sa trauma na dala ng nangyari sa'yo. Sobrang pinagsisihan ko ang desisyon ko noon na isama ka sa pagpuksa sa demonyong 'yon." Mangiyak-ngiyak na pahayag ni lola.

Napahaplos ako sa braso ko nang maalala ang sakit na dinulot nang araw na 'yon sa akin. Nabali ang buto ko sa braso at ilang tadyang ko dahil sa demonyong 'yon. Idagdag pa ang pagkawala ng mga alaala ko.

"Ma, 'wag na nating hayaan na mangyari ulit 'yon kay Merida," puno ng pag-aalalang pahayag ni tito Mateo. "Ayoko ng may masama pang mangyari sa anak ko."

"Tito," tawag ko sa kanya.

"Mateo, mas malakas at mas matapang na Merida na ang kilala ko ngayon. Hindi na s'ya ang dating Merida. Matatag na ang apo ko at tiwala akong matatalo n'ya ang demonyong kakaharapin n'ya sa mansyon ng mga Thomas," pahayag ni lola habang nakangiting nakatitig sa akin.

Lady of JardinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon