Chapter 11

3.1K 75 29
                                    

FEBRUARY 13, 2015.

"Girls!" excited na bati samin ni Rafa.

"Oh ang ganda naman nang mood mo?..anong meron?" tanong ni Miki.

"Kasi naman...may bago kaming lipat na kapitbahay. Ang gwapo!"

"Grabe ka Rafa...kala ko na naman kong ano."

"Alam mo yong feeling na kala ko eh...hindi nako magkakalovelife?" pagdadrama ni Rafa.

"Rafa, bagong lipat lang sya. Lovelife mo na sya agad?...kakatawa ka.!" sita ko.

"Nga pala excited nako bukas..." kilig na kilig na sabi ni Tine.

"Ako nga rin eh..." sabat ni Miki.

Sumimangot ako. Asan na ba yong si Jjong. Sabi nito sakin kahapon sabay daw kaming maglalunch ngayon.

PINAUNA ko na sina Miki.

"Ang tagal naman ni Jjong..." hindi nako nakatiis. Kaya naman dinial ko ang # nya.

"Hello?" sagot ni Jjong. May sakit ba to? Namamaos kasi ang boses nito.

"May sakit ka?" tanong ko agad.

"Medyo?...sorry hindi kita masasamahang maglunch ngayon."

"Ano ka ba...okay lang...kumusta ang pakiramdam mo?"

"Masakit lang talaga tong lalamunan ko."

"Nasa bahay ka?...may nag-aalaga ba dyan sayo?"

"Andito naman sina Manang...don't worry about me. Chin..."

"Mmmmm..."

"Ano?" tanong ko.

"I miss you..."

Napangiti ako.

"Miss din kita."

AT dahil nga may sakit ang boyfriend ko eh after class dumiretso agad ako kina Jjong.

Bumili din ako nang mga prutas.

"Jjong..." bati ko sa kanya nang makapasok nako sa kwarto nya.

"Oh ba't ka nandito?...mamaya mahawa ka eh."

"Eh okay lang...kumustang pakiramdam mo?" pag-aalala kong tanong.

"Anong okay?...hindi okay yon ah...!" sita nito sakin. At nakakunot na naman ang noo nito.

"Wag ka na kasing magreklamo dyan...saka kala ko ba miss mo ko?" nguso ko pa dito.

Hinawakan ni Jjong ang buhok ko.

"Nga pala di ba half day lang ang pasok bukas?"

"Oo nga eh...Valentines Day kasi." at diniinan ko pa talaga yong words na VD.

Kung kelan kasi magVVD eh saka naman nagkasakit tong si Jjong. Kaso alangan namang maging selfish ako. Hay.

FEBRUARY 14, 2015.

12:15 nang tanghali.

"Oh ano Chin uuwi ka na ba?" tanong sakin ni Rafa.

"Huh? ah oo maya-maya.." sabi ko.

"Ano ka ba naman Rafa...syempre may hinihintay pa yan si Chin." pang-asar na sabi ni Miki.

Si Tine naman ay nauna nang umalis...dahil nga may date pa sila ni Raymond.

"At sino naman ang hihintayin nya eh may sakit nga yong tao...di ba Chin?"

Isa pa tong si Rafa, eh halata namang inaasar din ako nito eh.

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon