Chapter 4

1.8K 61 3
                                    

DAHIL naging busy na sila sa kusina ay hindi na sila nakapag-usap pa ni Jjong. Nagpaalam ito saglit at may gagawin daw muna ito.

Hindi nya tuloy maiwasang mag-alala. Ano kaya ang iniisip ni Jjong? Na may gusto sya kay Simon? Parang kakahiya naman. Baka pinagtatawanan nako nang mokong na yun.

"Ma'am nandyan na po sina Simon." pagbibigay alam nang kasambahay nang pamilya nito.

Bigla syang kinabahan.

Ano'ng gagawin ko?...I'm sure awkward moment to.

"Chin, pakitawag mo muna si Jjong, pagtaas mo yung unang pinto yun ang kay Jjong." Sambit nang Ginang sa kanya dahil busy ito sa paghahanda nang hapag-kainan.

"Sige po." Sagot nya.

Nang makaakyat sya sa itaas nang bahay ay may narinig syang nag-uusap. At dahil sadyang tsismosa sya ay tuluyan na nyang nakalimutan ang pakay nya doon. Nilagpasan nya ang unang kwarto na tingin nya ay kay Jjong. Tiyak nya na nasa pangalawang pinto galing ang usapan dahil nakabukas pa iyun.

Dahil nga nacurious sya ay napasilip sya. At yun na nga. Si Simon at si Yna naghahalikan! Ouch talaga.

Nagulat sya sa nakita. Napasinghap nalang sya nang may biglang humila sa kanya at ipasok sya sa isang kwarto.

"Ano bang ginagawa mo?." Sita sa kanya ni Jjong.

Tahimik lang Chin. Dala narin siguro nang pagkagulat nya at sakit na nararamdaman nya sa mga oras na iyun.

"Oi, Chin?."

"Iuwi mo na ko." Sambit nya dito.

"Ha? Bakit? Wag mong sabihing nagkakaganyan ka dahil sa mga nakita mo? Saka normal lang yun sa magkasintahan."

Sinalubong nya ang mga tingin nito.

"Gusto ko na talagang umuwi."

May sasabihin pa sana ito nang may kumatok.

"Jjong, kakain na daw." si Simon. "Andyan ba si Chin? Anong ginagawa nyo dyan?..baba na." Biro pa nito sa kabilang side nang pinto na mas lalong nagpa-inis sa kanya.

"Magdinner muna tayo. Tapos ihahatid na kita." Malumanay na sabi nito sa kanya at hinila ang kamay nya.

Nang nasa kumidor na silang lima ay talagang hindi sya makatingin kina Simon at Yna. Ang dalawa naman ay halatang natutuwang makita silang magkatabi ni Jjong.

"Ang cute nila Ma no?." Sambit ni Simon.

"Oo nga e, sana mapadalas ang punta mo dito Chin." Nakangiting sambit nang Ginang.

"Ahhh...opo." Pinilit nyang ngumiti dahil mas magiging awkward kung mag-iinarte pa sya.

At dahil nasa harapan nya sila Simon at Yna, ay di nya maiwasang sipatin ang mga ito nang matalim na tingin. Mabuti na nga lamang at hindi sya nito napapansin.

Naramdaman nyang siniko sya nang mahina ni Jjong at napatingin sya dito.

"Okay ka lang?." Parang sinasabi nang mga mata nito.

Ano bang problema ni Jjong ngayon bakit parang ang bait naman nya sakin?...may sakit ba to?

Pagkatapos mag-dinner ay nagkakwentuhan pa muna sila saglit sa may sala. Base on her observation e madalas nang pumupunta doon si Yn. Halata kasing close na talaga ito sa ina nang mga binata. Dapat yata araw-araw din syang pumunta doon para maging close din sila ni Tita Naneth.

"Oh sya sige mga anak. Aakyat nako at manonood pako nang paborito kong teleserye." Paalam nito sa kanila.

"Tita, uuwi narin po ako." Paalam nya na din. Kahit sya ay nagulat sa sinabi. Hindi na kasi nya talaga kaya ang paglalambingan nila Simon at Yna.

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon