Chapter 8

1.8K 49 2
                                    

"HINDI pwede..." tanggi ko kay Miki.

Gusto nya kasing magpractice pagkatapos nang klase namin. Saka nakakatamad.

"Ano ka ba naman Chin?! sige na magpractice na tayo ngayon next week na ang audition eh." pamimilit pa nito.

"Hindi nga kasi pwede..." sagot habang kinukulikot ang cellphone ko.

"Bakit aber?...may lakad ka ba?"

"Meron..."

"Saan?...hindi ba pwedeng sa susunod na yan."

Ayaw ko talaga kasi sabay kaming uuwi ni Jjong!

"Sige na Chin pleaseeeeeee...."

"Bukas nalang...sige na Miki.." pagpapacute ko sa kanya.

"Sige ako nalang mag-isa magpapractice...kakahiya naman..baka ma-op lang ako don sa gym...andun pa naman si Josh...kaso wala man lang akong kakwentuhan..." pangungunsensya nito sakin.

"Sige na nga! Fine!...wait lang may tatawagan ako.!" hay ewan ko ba kung bakit ako pumayag.

Pumunta ako sa may bintana sa may likod nang classroom namin.

"Hello?"

"Hello.."

"Sorry something came up. Mauna ka nang umuwi."

"Huh? bakit?..."

"Kasi nga...hay basta saka ko na kekwento sayo."

"What time ka uuwi?"

"Hindi ko pa alam eh."

"Okay..."

"Okay lang?"

"Hindi..."

"Sorry...."

"Sige text mo nalang ako kapag pauwi ka na huh?!"

"Opo!!!"

Bakit ganun nanghihinayang ako?...excited pa naman akong makasabay itong umuwi. Kainis kasi tong si Miki eh.

PAGPASOK namin sa gym eh napansin agad namin na ang daming nagpapractice para sa audition.

"Grabe ang dami no?...sana lang masama tayo sa makukuha."

"Oo nga eh..." sagot ko kay Miki.

"Chin!" napalingon kami ni Miki.

"Oi Tom...ba't andito ka?"

"Trip ko ring sumali sa sayaw eh."

"Nice...nga pala san si Josh?" si Miki talaga Josh agad ang hinanap.

"Andun kausap ang iba pang mga nagpapractice."

"Wait lang Chin ha...iwan ko muna kayo." at umalis na nga ito. Ano ba yan...iniwan pa talaga kami ni Tom. Kakailang tuloy.

"Daming tao no?" tanong ko.

"Chin nga pala...may gagawin ka ba bukas after class?."

"Huh?...actually....meron eh."

"Ganun ba...eh sa susunod na araw?" makulit na tanong nito at talagang nagpacute pa ito sakin.

"Sorry di talaga ko pwede eh..." tanggi ko parin.

"Hatid nalang kita maya...okay lang?"

"Eh kasi..." pano ba to?...kakahiya naman kong tatanggi pa ko. Baka sabihin nito eh masyado akong maarte.

"Yes?...yes na ha."

Napangiti nalang ako. Wala naman sigurong masama...tutal andyan din naman sina Josh at Miki.

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon