Chapter 3

2.1K 57 0
                                    

KAHIT napakalakas nang boses nang kanilang Professor na si Sir Domingo ay hindi parin sya makapag-concentrate.

Sabi na e mangyayari to! Sana talaga hindi nako nagpasama sa damuhong yun na maglibot sa mall. Parang kinarma ako sa pag "okay" ko nung sabado.

Pagkatapos nang klase ay nagpaalam na agad sya kina Tine, pinauna nya ang mga itong umuwi dahil kakausapin pa nya ni Kevin.

"Lagot ka sakin ngayon, Kevin." Kausap nya sa sarili habang papunta sya sa classroom nang dating kasintahan.

"Nasan ka? Andito ko sa labas nang classroom mo..." Tinext nya muna si Kevin. Buti nalang talaga hindi nya pa nabubura ang cellphone number nito.

Pagkalipas lang nang ilang minuto ay lumabas na ito.

"Bakit?.." Takang tanong nito sa kanya.

"Bakit? Anong pinagsasabi mo sa mga friends ko na kami ni Jjong?." Singhal nya sa binata, kung pwede nya lang itong batukan ay kanina nya pa ginawa, ang kaso ay mas matangkad ito sa kanya.

"Muling ibalik ang tamis nang pag-ibig...♫ ♫ ♫" Narinig nyang asar nang mga classmate ni Kevin na nakiki-usyuso sa kanila.

"Buti pa sa may likod tayo mag-usap." Yaya nya dito.

Sumunod naman si Kevin.

"Bakit di ba totoo?.." Sagot nito sa kanya nang makarating na sila sa may likod nang building.

"Hindi no! Saka kasama namin sina Kuya nun... Kaso ibang palabas lang pinanood nila!." Paliwanag nya dito.

"Wala na nasabi ko na sa kanila. Alangan namang bawiin ko sa kanila isa't-isa yung sinabi ko."

"Oo! Kailangan mong gawin yun! Itsitsismis mo pa ko kay Jjong pa.?!" Sita nya dito.

"Sorry then... Akala ko kasi talaga..." Mukha namang sincere ang paghingi nito nang tawad. Sadyang madaldal lang talaga ito noon paman.

"Basta hindi yun totoo. Okay?!."

"Oo na. Saka tinext din ako ni Jjong eh... Kaso hindi ako sure kong sa kanya nga galing. Wala naman kasing pangalan..." Nagulat sya sa sinabi nito.

"Talaga?...pabasa nang text."

"Ito o..." At inilabas ni Kevin ang cellphone nito at pinakita sa kanya ang text daw ni Jjong.

"Kung ano mang pinagkakalat mo hindi totoo yun. Saka hindi ako napatol sa babaeng parang manok. "

Nang mabasa nya ang text ay nag-init agad ang tenga nya. Manok? Sino? Ako?!

Confirm kay Jjong nga galing ang text na to. Ang lalaking yun lang naman ang may galit sa kanya.

Bahagyang nahagip nang mga mata nya ang pagngiti ni Kevin.

"Anong nginingiti mo dyan?!." Singhal nya.

"Wala.. Ang cute lang kasi..." At tumawa na nga ito nang malakas.

"Ewan ko sayo!..." Pagkasabi nun ay iniwan na nya si Kevin. Hindi na sya badtrip dito, badtrip na sya sa text ni Jjong!

Nang makauwi na sya sa kanilang bahay ay naabutan nya ang kapatid kasama si Alex sa kanilang sala na naglalaro nang Call of Duty.

"Hi Chin!." Nakangiting bati ni Alex sa kanya.

"Hello..."

Nang makapasok na sya sa kanyang silid ay padabog nyang inihagis ang bag sa kanyang kama.

"Nakakainis!." Mahinang tili nya.

Nag-uumpisa na syang magbihis nang makatanggap nang text.

"Andito ko sa may gate nyo sa labas..." Kumunot ang noo nya sa nabasa.

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon