Chapter 1

7.2K 100 1
                                    

"NAKAKAINIS naman oh!." Reklamo nya sa balitang dala ni Rafa.

"Kasi naman ikaw mahina ka, matagal mo nang crush si Simon pero wala ka naman kasi ginawa eh.!" At binatukan pa sya nang baklang kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa canteen nang unibersidad.

"Eh ano naman gusto mong gawin ko? Magpacute huh?" Pero tama naman talaga si Rafa, wala man lang syang nagawa para man lang kahit papano mapansin sya ni Simon.

"Eh diba madalas naman tayo sumilip sa classroom nila?" sabat ni Miki sa kanila.

"Madalas nga eh malay ba ni Simon na sya ang pinupuntahan nitong si Aileen Raymundo a.k.a Chin." At sumimangot pa si Tine sa kanya.

"Oo na! Kaya kasalanan ko na!...Pero di nga Rafa?...Si Simon na talaga saka si Yna?" Paniniguro nya sa balitang dala nito. Baka naman kasi tamang hinala lang tong si Rafa at single parin naman talaga ang ultimate crush nya.

"Kung ayaw mong maniwala. Bakit di mo mismo tanungin si Simon!." At nagtawanan pa ang mga loko-loko.

Sya? Tatanungin mismo si Simon?!

Ang kapal naman nang face nya kung gagawin nya yun. Saka tiyak awkward lang. Hindi naman kasi sila ganun ka close ni Simon. Senior nya ito. Nasa third year college na sya sa course na BS Pyschology dito sa Philippine Christian University. Freshman palang sya ay talagang crush na nya si Simon Ryu. Ang gwapo -gwapo kasi nang binata. Tapos ang bait-bait pa. Di tulad nang kapatid nitong si Jjong Ryu na kala mo e galit sa tao. Ang pagkakaalam nya ay Filipino ay mama nang mga ito samantalang Hapon naman ang kanilang ama.

"Eh pano ba kasi naging si Simon at Yna ha Rafa?" Tanong ni Miki na nagpabalik sa kanya sa pag-iisip.

"Balita ko kasi e matagal na daw parang MU ang dalawa. Kaya siguro ayun." Ngumuso pa ito sa kanila.

"Pano ba yan Chin, edi walang-wala na talaga. Si Jjong nalang sayo!."

Grabe ang lakas nang tawa ni Miki pagkasabi nun. Pati sina Tine at Rafa tumawa narin.

Hay Si Jjong? Ha! Di bale na no. E daig pa ang babaeng may regla nun sa sobrang sungit. Kahit pa nga aminado naman syang mas gwapo ito kesa kay Simon pero, aanhin naman nya ang kagwapuhan nito kung patataasin naman nito lagi ang dugo nya?

Kinabukasan, papasok na si Chin sa may gate nang school nang makita nyang nagparada nang sasakyan nito si Simon at kasama nitong bumaba nang sasakyan si Yna.

"Naku tama nga si Rafa. Kakahurt naman." Sambit nya sa sarili.

Nagtatago pa sya sa may likuran nang mga ito.

Hay ang swerte naman ni Yna. Hindi nya maiwasang mainggit dito.

Sabagay maganda naman kasi talaga si Yna. Tapos magaling pa kumanta at sumayaw. Membro kasi ito nang school club na "idance". Kaya naman talagang popular ito sa buong unibersidad nila.

Sinundan nya ang mga ito sa paglalakad. Para tuloy syang naging stalker nang mga ito.

Dahil nga busy sya sa pagsunod sa mga ito ay di nya namalayan na may nabangga sya.

"Aray naman..."

Maka-aray naman yun lalaki parang masakit talaga. Laking gulat nya nang makilala kung sino ang lalaki. Si Jjong.

"Hala sorry.!" Nasabi na lamang nya. Kapag minamalas ka nga naman Chin oh!

"Kasi naman kung saan-saan ka nakatingin." Angal nito.

Wow ha?! Kung saan-saan daw sya nakatingin! E ito kaya?

"Talaga? Edi ikaw din. Kasi kung nakatingin ka din sa dinadaanan mo e di sana naiwasan mo ko." Sabay irap nya dito. Bakit ang lalaking to lang ba ang marunong magtaas nang kilay?

Because I'm Your Girl 1 | Completed - Under RevisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon