Paano Magtagumpay sa Buhay

19 1 0
                                    

Napakaraming paraan upang magtagumpay sa buhay. Hindi hadlang ang kahinaan, kakulangan, kabiguan, at kawalan upang makamit ang inaasam.

Maniwala ka sa sarili mo. Ikaw ang gagawa ng tagumpay, hindi ang kapwa mo, kaya pagkatiwalaan mo ang katalinuhan at kakayahan mo.

Magtakda ka ng prayoridad. Ikaw ang nakaaalam sa mga bagay at kung alin ang mas mahalaga. Iyon ang unahin mo at iwaksi mo ang mga nakaaabala.

Maging responsable ka sa sarili mo. Ikaw lang ang may obligasyon sa sarili at sa buhay mo. Huwag mong iasa sa pamilya mo. Huwag kang aasa sa iba.

Buuin mo ang kinabukasan mo. Ikaw lang ang may kakayahang gawin iyon, hindi ang suwerte. Kaya mong baguhin ang tadhana kung kikilos ka na ngayon.

Magpokus ka sa mga mithiin mo. Ikaw ang may gusto niyan, kaya ikaw rin ang aabot. Huwag kang papalit-palit ng landasin sapagkat hindi ka makalalayo at hindi ka makararating.

Huwag mong hayaang kontrolin ka ng iba. Ikaw ang gagawa ng destinasyon mo. Huwag kang magpapapigil, magpapakontrol, at magpapahadlang sa iba anoman ang mangyari.

Maging malikhain ka. Ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa balat ng lupa, kaya alam mo ang diskarte sa buhay. Ang bawat bagay ay may kabuluhan. Tingnan mo ang mga iyon.

Mangarap ka nang mataas. Ikaw ang nakakaalam ng kaya mong abutin, kaya kung nais mong marating ang buwan, hindi iyon magiging imposible sa 'yo sapagkat susubukan at gagawin mo.

Konrolin mo ang mga problema. Ikaw ang magpapaikot sa mga stressful na bagay at hindi ikaw ang paiikutin. Mas malaki ka kaysa sa problema kaya huwag kang susuko kapag binabayo ka nito.

Maging agresibo ka, ngunit mapanuri. Ikaw ang susuong sa lahat ng mga oportunidad, pero dapat mo ring suriin at piliin. Kung ikakabigo at ikakapahamak mo lang din naman, huwag na lang.

Maging positibo ka. Ikaw lang naman ang gagawa ng paraan upang ang lahat ng gagawin mo ay maging produktibo. Kapag inisip mong magwawagi ka, magwawagi ka. Kaya, lagi mong iisipin ang magandang kahihinatnan.

Ilista mo ang mga gawain at pangarap mo. Ikaw man ang gagawa niyon, pero kailangan mong maglista upang may tiyak na larawan ka ng mga naaabot at hindi mo pa naaabot. Kapag kinatamaran mo ito, nabigo kang magplano.

Magtakda ka ng tiyak na naisin at suriin mo ito nang madalas. Ikaw ang susuri sa mithiin mo, hindi ang iba. Lagi mong pagmuni-munian ang ginagawa mong pagkamit sa pangarap mo.

Maglaan ka ng oras upang mapaunlad ang iyong kaisipan. Ikaw ang magpapakain sa utak mo. Magbasa ka. Mag-reflect ka. Madalas mo ring paunlarin ang kakayahan mong kilalanin ang sarili mo.

Balikan mo ang mga resulta ng pagsisikap mo. Ikaw rin ang mag-aadjust kung may kulang, sobra, o mali sa effort mo. Lagi mong isaalang-alang ang mga mithiin mo, gayundin ang mga nakamit mo.

Maging matiisin ka. Ikaw ang yuyuko kapag umiihip ang hangin. Huwag ka kaagad susuko. Maging tulad ka ng kawayan-- yumuyuko, ngunit hindi sumusuko. Maging matatag ka sa mga pagsubok.

Gawin mo ang bawat bagay nang may pagmamahal. Ikaw ang may puso, hindi ang bagay o gawain, kaya nararapat lamang na gamitin ito. Gustuhin mo nang buong puso ang bawat gagawin mo.

Huwag kang magagalit. Ikaw ang mas nakauunawa kaya ikaw dapat ang nagpapatawad. Pagdating sa kabiguan, hindi ito dapat kinamumuhian sapagkat ito ang magpapatibay sa 'yo bilang isang nilalang.

Magkaroon ka ng tiwala sa sarili. Ikaw iyan. e! Anoman ang kahinaan at kakulangan mo, huwag kang matakot gawin ang gusto mo. Kaya mo 'yan! Mas nakakatakot ang hindi sumusubok ng bagong bagay. Kabiguang maituturing ang hindi sumubok.

Pores-pirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon