Pulubing Choosy

66 3 0
                                    

Isang araw, habang hinihintay ko na i-serve sa akin ang order kong pagkain sa isang fast food chain, hinihigop ko naman ang hot chocolate ko at habang kaharap ko ang 'di ko nagalaw na mashed potato.

Maya-maya, naglahad ng kamay ang isang may edad nang babaeng pulubi. Galing siya sa itaas, sa second floor. Ang hula ko ay nakigamit siya ng toilet.

Agad kong inabot sa kanya ang mashed potato. 

"Hindi ako pwede niyan. Matamis."

"Wala na ako ibibigay sayo!" naiinis kong sabi. 

Tapos, lumabas na siya. 

Walang joe! Binigyan na nga, choosy pa. Kung tinanggap niya 'yon, baka nabigyan ko pa siya ng isandaan. Maawain ako sa pulubi, pero hindi sa pulubing abusado o choosy.

Pores-pirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon