Keso de Bolero

31 1 0
                                    

Dahil sa hirap ng buhay, madalas ay wala kaming handa kapag Pasko o Bagong Taon. Kung meron man, hindi ganoon kasasarap ang mga pagkaing inihahanda namin. Hindi  masasabing pangmayaman o pangsosyal na handa.

Kailan lang ako nakatikim ng keso de bola.

Hindi na iyon Pasko nang una akong makatikim. Antagal na kasi niyon sa ref. Nacurious lang ako kung ano ang lasa niyon. Kasi pag di mo talaga nakasanayang kainin, hindi mo siya papansinin. E, tiyempong wala akong makain nung panahong iyon, kaya humiwa ako ng maliit.

Pwe! Nailuwa ko. Ang pangit pala ng lasa ng keso de bola! Bakit nahihilig ang mga mayayaman sa kesong 'yan?, tanong ko pa sa sarili ko. E, hindi naman masarap. Lasang floorwax! Kaya pala ibinigay ng tiyahin ko sa amin, dagdag ko pa.

Malaman-laman ko, hindi naman pala kinakain ang pulang iyon. Wax talaga pala iyon. Ang dilaw na bahagi ang edible.

S**t! Muntik ko nang isumpa ang bolang 'yan. Ang hirap madaya. Ang sakit mabola. Para akong babae na nabola ng lalaking bolero.  Hehe.


Pores-pirationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon