13■■■ Koh~Face Stealer✂

113 2 0
                                    

"Anong mapapala ko kung sasabihin ko sa inyo? Gayong pinatay niyo na ang mga kapatid ko? Anong akala niyo sa akin tanga?! Mga Tonta!" Ang ulo ni Stheno habang nagpupumiglas at pilit kinakagat si Naive. Iniiwas ni Naive ang mga kamay sa bibig nito dahil nagtataglay ito ng kamandag.

"Hindi ka din nag-iisip noh? Wag kami ang sisihin mo! Sisihin mo yung gumawa sa inyo bilang halimaw! Di sana normal na tao ka ngayon. Kayo ng kapatid mo! Di sana hindi sila naging mapanganib na kailangan paslangin!" Naive nanlilisik ang mga mata. Pinahiram ni Xavian ang jacket nito sa kaniya para may saplot siya. Tamang tama lang at natakpan ang pribadong parte ng katawan. Nagbalik na sila sa kanilang normal na itsura.

"Patayin mo na lang ako at ilaglag sa apoy! Wala kang maririnig mula sa akin!" Stheno. Binuka ang bibig at buong pwersang inilabas ang pangil, tutuklawin si Naive pero hindi nito maabot. Panakot na inilapit ni Naive ang pugot na ulo sa apoy. Ramdam nito ang init.

"Oh ano?! Gugustuhin mo bang matupok ng wala sa oras! Nasa tamang pag-iisip ka naman! Hindi gaya ng kapatid mong si Medusa na nagtatalo ang kaisipan! Bakit? Bakit magkaiba kayo? Magsalita ka!" Umirap lamang si Stheno. Naubos na ang pasensya ni Naive at akmang ihahampas na ito sa nagliliyab na apoy.

"Naive wag!" Si Kristine bakas sa mukha ang takot.

"Nauubos na ang pasensya ko sa'yo!" Hinampas nalang ni Naive sa buhanginan ang ulo.

Walang napala si Naive kay Stheno. Iniuwi nalang nila ito kasama nila sa dorm. Doon nalang nila ipagpapatuloy ang pagpiga dito ng impormasyon.






■■■□▧▧▣◎●•

"Isang shot pa Julie!" Si Elias habang ibinibigay sa babae ang pinag-inumang whisky glass. Sabay akbay at haplos sa likuran ng nakabackless na dalaga.

"Ahhh. Eh. Hindi naman obvious ano na lasing na ako? Paano ba naman kasi ang sabi mo Dinner date tayo pero ngayon nagyaya kang magbar. Pabago bago ka. Pero kahit saan pa 'yan. Game naman ako!" Si Julie na lasing na. Sa sobrang kalasingan ay nakatulog ito at napasandal sa balikat ni Elias. Inakay naman ito ni Elias at lumabas ng bar. Bumakat ang pagkalalaki nito sa jogger pants na suot sa sobrang sexual excitement.








Nagmaneho si Elias at ipinarada ang kotse sa madilim na bahagi ng kalye. Sa lilim ng malaking puno. Pinagmasdan niya ang natutulog na dalaga. Naghubad ng damit. Nag-umpisa paghahalikan ang babae mula sa leeg at ng dumapo na sa dibdib ay nagising ito.

"Anong ginagawa mo? Bastos!" Sabay sampal sa binata.

"Matagal ko ng gustong gawin 'to sa'yo Julie at ito na ang pagkakataon ko. Gugustuhin mo naman ang gagawin ko." Muli itong lumapit.

"Ano? Nababaliw ka na ba? Hindi ako handa! Tumigil ka nga. Kung alam ko lang na babastusin mo ako di sana hindi na ako pumayag sa'yong makipagdate!"

"Aarte ka pa? Gustong gusto mo naman! Hindi mo ako mapipigilan!"

Muling pinaghahalikan ng lalake ang babae at pwinersa itong maghubad.

"Bastos! Bitiwan mo ako! Ahhhhhhhh! Tulonggggggg!" Itinulak ng babae ang binata ng malakas. Nauntog ang binata sa bintana ng kotse. Dali daling binuksan ni Julie ang pinto ngunit napasigaw sa bumungad sa kaniya.










Isang lalakeng walang mukha ang bumungad sa kanila. Meron lamang itong bibig na bakal na speaker. Ang kanang kamay nito ay malaking gunting na matulis. Maririnig ang nakakangilong tunog ng gunting na nilalaro.

AHHHHHHHHHH!!! HALIMAW!!!

"Takbo... Takbo babae! Kung ayaw mong madamay!" Malabo ngunit malalim na boses na nanggaling sa bibig nito.

Tumakbo na lamang si Julie na nagtataka at takot na takot. Pinatakas siya. Habang si Elias ay kinuha ang baril sa glove compartment.

"Ang mukha mo. Idadagdag ko sa aking koleksyon! Akin na ang mukhang yan!"

"Gago! Sino ka ba sa inaakala mo? Sinong tinakot mo?!" Itinutok ni Elias ang baril dito. Pinaputukan ito ni Elias ng sunod sunod pero nasasangga ng malalapad na gunting ang mga bala hanggang sa naubos. Hindi maipinta ang mukha ni Elias.

"AKO SI KOH AT AKIN NA YANG GWAPO MONG MUKHA!" Humalakhak si Koh. Napasigaw na lamang si Elias at kumalat ang dugo sa loob ng kotse.
















"Simula ngayon ako na si Elias." Humalakhak ng malalim. Kopyang kopya ang mukha ng binatang napaslang. Iniligpit niya ang bangkay, binalot ng sako at itinapon na lamang sa kung saan. Nilinis niya ang kotse. May kakayahan siyang kopyahin hindi lamang ang mukha ng pinagkuhanan pati na rin ang memorya nito at ang personalidad nito. Lahat ng pera at pag-aari ni Elias ay sa kaniya na. 'Yun ang nais niyang makuha sa mga pinagnanakawan niya ng mukha.











■□□□□□□□□

Hinihintay ni Julie kung may Elias na darating sa klase kung nakaligtas ba ito. May dumating nga.

"Elias!" Napasigaw siya.

"Julie!" Si Elias niyaya siyang mag usap pagkatapos ng klase.

Sa sulok ng library.

"Julie pasensya ka na sa inasal ko kahapon. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng nararamdaman ko para sa'yo."

"Mali pa rin ang ginawa mo. Buti naman at natauhan ka. Teka sinaktan ka ba niya? Paano ka nakaligtas?"

"Nang alin?"

"Yung multo? monster? I don't know anong klase 'yon!"

"Ah yun ba? Bigla nalang siya nawala pagkatapos akong takutin. Hahaha. Pinagtatawanan ko nalang siguro nga. ay multo lang."

"Buti nalang at walang nangyaring masama sa'yo."










■■■■■∆

"Grabe naman yung balita. Ang brutal at creepy. Misteryoso pati. Pinatay na. Isinilid sa sako at itinapon sa ilog. Nang nakuha na ang bangkay ay wala na itong mukha. Hindi lang ito isang beses kada may pinapatay ay wala ng mukha ang bangkay. Teka... Naive di kaya Cyborg Monster ang may gawa nito?"

"Siguro nga. Huhulihin ko ang may gawa nito." Determinadong sagot ni Naive.

●■●■■■■■◁

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon