6■■■ First day! PHOENIXIANS! Pies!

198 17 3
                                    

Pumayag na akong sumama kami ni Nickie sa paglilibot sa buong Occultus. Mga bagong kaibigan at kaklase kung magkasection kami.

Sumakay kami ng Jetcab papuntang plaza. Jetcab, taxi na hindi gumagamit ng gulong. May laser ito sa ilalim na siyang nagpapaandar dito. Gumagamit ito ng processed salt na nagiging malapot na likido na inilalagay sa engine ng kotse. Ito ang ginagamit imbes na petrolyo kaya hindi naglalabas ng usok. Kailangan nga lang magkaroon ng nakakabit na Electricity Manipulator na naglalabas ng kuryente sa engine na nagpapaggalaw sa asin. Hugis jet ito. Ang mga kotse dito sa Occultus ay ganito gaya ng van na sinakyan namin ng ihatid kami sa dorm. Ang mga kotse pa rin ang umaandar imbes na kalsada gaya ng sa ibang bansa.

Bumaba na kami sa Plaza katabi ng isang bay. Bumili kami ng ice cream, chips naman ang kay Xavian. Ayaw daw niya sa matatamis. Bumili din kami ng street foods na tinitinda nila dito. Sushiwarma (pinaghalong sushi at shawarma), Crab sausage, beef balls, fried lobster at shrimps, Frog soup na pinipilahan.

Umupo kami sa bench na nakatanaw sa harapan ng bay.

Nagtawanan at nagkwentuhan.

"Ate! Ate!"

"Bakit Nick--"

"Yung monster octopus nandito!"

"Huh?! Saan?!"

"Joke lang!" Tumawa si Nickie.

"Hindi magandang biro yan Nickie."

Ilang saglit pa habang nagtatawanan sina Nickie, Naive at Xavian, may natanaw ako sa malayo. Parang bumubulang parte ng bay at may lumitaw mula sa tubig.

METAL NA GALAMAY NG HALIMAW!

Napatayo ako at nilapitan ko ang sementadong bakod ng bay.

"Bakit Kristine?" Si Naive.

Lumingon ako kay Naive. Nagsulputan na naman sa isip ko ang pagkawala ni Mama. Napaiyak ako.

Lumingon ako uli sa bay. Nawala na ang galamay na napansin ko.

"Mabuti pang umuwi na tayo ng makapagpahinga na." Si Naive at umuwi na kami.

■▲◑●◐▲■

First Day sa Phoenix Academy.

Puro mga foreigner ang nasa campus. Hindi ko pa nakikita sina Naive at Xavian. Pumunta ako sa board na pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Naka-pin doon kung saan ang room at ano ang section mo pati nationality. Siksikan. Pinaghintay ko muna si Nickie sa bench. Tiningnan ko kung anong section ako. Grade 10-C. Sa Building 4D, 4th Floor. Tiningnan ko kung sinong magiging kaklase ko. Kaklase ko si Naive Falcon! Si Marie Alexa Baroga kaklase ko din! Tininingnan ko kung sinong mga kaklase ko sa mga lalaki. Kaklase namin si Prince Zyrus Lou! Nakakalungkot at siguradong malulungkot din si Naive dahil hindi namin kaklase si Xavian. Hindi ko din kaklase ang dorm mate naming si Charice/Charles.

Hinatid ko muna si Nickie sa room niya sa Lower school dept. Grade 1-A siya.

Hinanap ko naman ang room ko.

Habang naglalakad sa hallway.

"Je echt lelijk" Narinig kong sabi ng isang Dutch. Binuhusan niya ng cup noodles ang isang babaeng nakasalamin na nakaupo sa sahig, nakasandal sa dingding. Nagbabasa ito, pinipigil lang ang umiyak.

"Je hoeft niet passen in" sabi pa ng kasama nitong babae! Sinampal nila ito.

"You Afval! Philippines Afval!" sabi pa ng isa. Tatlo sila. Pinagtulungan ang babaeng nakasalamin. Pilipino ito!

Inawat ko sila.

"Hey! Stay away from her!"

"Who are you?" tanong ng babaeng nakaribbon sa ulo.

Nag-usap pang muli ang tatlo.

"Or else I'll call the principal!"

Umalis na ng padabog ang tatlo.

Nilapitan ko ang babaeng nakasalamin.

"Are you okay?" Sabi ko. Nagpunas siya ng panyo.

"Okay lang ako. Sanay na ako." Sumisinghot singhot. Inayos ang salamin ng mata. Pinipigil ang luha.

"Hindi ka pwedeng masanay sa ginagawa nila, dapat lumalaban ka. Tara samahan kita sa banyo."

Sinamahan ko siya sa banyo para maglinis ng katawan.

"Ano nga palang pangalan mo?" Habang nasa harap ng salamin. Naghihilamos siya.

"Gaele..."

"Kaibigan mo na ako ngayon hah?"

"Oo... naman... Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sa akin... kanina."

"Ano ka ba! Wala 'yon Gaele. Ako nga pala si Kristine."

"Kristine..."

"Magandang umaga sa lahat! Para sa mga hindi nakakakilala sa akin, sa mga newbies, ako nga pala si Margaux Hamilton ang DATING presidente ng Student Board. Bagong taon. Bagong kaklase. Bagong kaibigan. Bagong Student Board Members. Bagong simula. Lahat ng estudyante pumunta sa campus ngayon din." Narinig namin mula sa speaker na nakakabit sa kisame ng banyo.

"Punta daw tayo sa campus."

"Ok...."

■▲■▲■▲

■Phoenix Campus■

"Alam naman ng lahat ang ritual na ginagawa bago magsimula ang klase tuwing unang araw ng pasukan hindi ba?" Si Margaux sa stage kasama ang iba pang miyembro ng Student Board na papalitan na ngayong taon kaharap ang libu-libong estudyante.

"Para sa mga hindi nakakaalam, ganito lang kasimple. May daang daang pies dito. Kung sino mang gusto mong maging kaibigan o kaaway, pwede ding frienemy sa taon na 'to. Batuhin mo lang ng pie! Oh diba ansaya? Ang tanong ko, Are you ready to party PHOENIXIANS?!" Sigaw ni Margaux sa mikropono. Kumbaga initiation pala 'to.

YESSSSSSSSSSS!!!! Nakabibinging sigaw ng libu-libong high school students sa campus. Iba din ang campus ng middle school at iba din ang sa lower school.

"UULITIN KO HANDA NA BA KAYO?!"

YESSSSSSSSSSS!!!

"PARTY PARTY!!!" Nagsimula ng magpatugtog ng pagkalakas lakas na music sa stage.

"Paunahan 'to! READY... GO!!!" Bumaril si Margaux sa ere gamit ang revolver.

*BANG*

"SCHOOL YEAR 4018-4019 WOHOOOOOOOOO!!!"

Palakpakan. Nakabibinging ingay. Siksikan. Banggaan at maririnig mo ang sigawan at halakhakan ng mga tao! Paunahan sila sa stage! Nag-umpisa ng magbatuhan ng pie!

"Tara makisali tayo." Ako kay Gaele.

"Hindi nalang..."

"Ano ka ba! Wag ka ngang KJ TARA!" Hinila ko na siya papunta sa stage.

Habang naglalakad at nakikipagsiksikan.

May bumato sa akin ng pie sa mukha! SI XAVIAN! Binato din niya si Naive!

"PEACE!" Si Xavian sa akin at nagpeace sign pa. Malagkit na ang mukha ko.

Dali dali akong nakipag-agawan ng pie! Kumuha ako ng dalawa. Isang dilaw at blue. Binato ko kay Xavian ang isa gumanti ako. Nashoot din sa mukha niya. Binato ko naman kay Gaele ang isa.

Nagbatuhan kami ng pie at nagtawanan!

Kukuha pa sana ako ng pie sa siksikan at pinag-aagawan ng may bumato sa akin sa mukha!

SI MARGAUX HAMILTON seryoso at nakataas kilay sa akin.

■■●■●◑◑◑

Next Chapter: Missing Nickie. Kidnapping.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon