8■■■ Hologram Ring by Technetron Corp. ■◑ PETALOUDA ▲ VLINDER.

162 14 5
                                    

"Astig! Ang cool!" Si Xavian.

"Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang mga ganitong bagay." Bigla akong napaisip sa mga nangyari sa loob ng araw na 'to.

Napaisip ako. Puno ng hiwaga ang buong Occultus! Ang buong Phoenix!

Paano ko naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawang briton kanina sa locker room?! British English ang gamit nilang lengwahe pero ang labas noon sa akin at ang naririnig ko ay TAGALOG! Ganoon din sa tatlong dutch na nambully kay Gaele! Naiintindihan ko ang mga sinasabi nila sa kabila ng Dutch na lengwahe! Tagalog ang pagkakarinig ko! Ang Pilipinas daw ay basura at pangit sabi ng Dutch. Ganoon din kay Margaux Hamilton. Alam kong english ang ginagamit niyang lengwahe sa pagkikipag-usap sa stage para maintindihan ng lahat pero tagalog ang pagkakarinig ko! Si Ma'am Nur din!

Bakit? Nananaginip lang ba ako? Ang lahat ba ng ito ay panaginip lang kaya nagkakaintindihan kami sa kabila ng iba't ibang lengwahe?

Napatanong ako kay Gaele.

"Gaele..."

"Bakit Kristine?"

"Kinikilabutan kasi ako eh. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaranas nito..."

"Ang alin?"

"Magmula ng pumasok ako kanina sa Phoenix... Sa kabila ng iba't ibang lengwaheng ginagamit nila... Naiintindihan ko sila... Tagalog ang pagkakarinig ko sa mga sinasabi nila. Hindi ako pwedeng magkamali."

"Yun lang ba?"

Napatitig ako kay Gaele naghihintay ng sagot at nagtataka.

"Wala ng hindi nangyayari sa panahon ngayon Kristine. Hindi mo pa pala alam. Suot suot mo ito pero hindi mo alam ang kakayahan nito at kung paano ito gamitin." Si Naive.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Yang Hologram Ring na suot mo. Wala ng hindi nagagawa ang technology these days. Hindi lang 'yan isang simpleng communication gadget gaya ng inaakala mo." Si Xavian. Napatingin ako sa kumikinang na itim na dyamante sa Hologram Ring na suot ko.

"Ang Hologram Ring ay inimbento ni Engineer Thomas Touchton ng Technetron Corporation 3 years ago. Hango sa konsepto ng Tower Of Babel ang isa sa mga features nito. Ang magkaintindihan ang bawat tao sa kabila ng iba't ibang lengwahe. Hindi lang ito gawa sa purong metal. Sa loob ng black diamond, 100 genes na 50 beses mas pinaliit kesa sa normal nitong laki na isinisilid sa isang maliit na cell na gatuldok lang. Binalot naman ng mercury ang cell na siyang nagmemaintain ng temperature para hindi mamatay ang mga genes. May halong cell din ang pabilog na bakal na nagsisilbing pathway ng mga genes na kapag isinuot mo ay manunuot sa iyong daliri. Kaya ito medyo mamasa masa sa unang suot dahil para lang pawis ang mga language genes na matutuyo at manunuot sa iyong daliri papunta sa mother tounge, ear and brain. May halo din itong isang gatuldok na memory gene para malaman ng kapwa genes kung saan ang pathway papunta sa organ. Ang 100 genes naman na ginagamit ay mula sa iba't ibang dila na gumagamit ng iba't ibang lengwahe. Ito ang pinakamagandang imbensyon ng tao sa kasaysayan." Mahabang paliwanag ni Gaele. Matapos noon inayos nito ang salamin ng mata. Inikot patalikod ang kamay at kinuha mula sa likuran niya ang isang tatsulok na salamin mula sa pakpak ng holographic pink butterfly robot.

Namangha ako kaya pala nagkakaintindihan kaming lahat sa campus sa kabila ng magkakaibang lahi. Hindi ko maalis ang tingin sa Hologram Ring na suot ko.

"Meet my Immortal Guardian, Petalouda. Say Hi Petalouda." Iwinasiwas ng higanteng paru-paro ang mga pakpak. Naglabasan ang mga napakaraming petals ng cherry blossoms na hinahangin papunta sa kinatatayuan namin. Kumislap kislap ang mga mata nito.

Pink na din ang kulay ng mga mata ni Gaele! Para siyang nakacontact lens na pink. Lumitaw ang malaki at nagliliwanag na butterfly tattoo sa kaniyang leeg, sa ilalim ng tenga.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon