12■■■ FLYTRAP▲

187 12 2
                                    

Dinilat ni Alexa ang mga mata. Madilim. Pagdilat niya mukha kaagad ni Sic ang bumungad sa kaniya. Wala na itong pang-itaas. Nakatungo ito sa kaniya. Nakapatong ang mga kamay sa magkabilang gilid niya. Napatingin siya sa katawan niya baka nahubaran na din siya. Salamat at hindi.

Nakatulog kasi siya ng tuluyan sa sasakyan. Parang may pinaamoy ito para hindi siya magising...

"Sic... Nasaan tayo?" Napatingin siya sa paligid. Nasa likuran ni Sic sina Takeru, Masato, Tagashi, Daichi, at Martus. Nakacross arms ang mga ito. Nakangisi ang apat pwera kay Martus na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa.

"Anong... ibig sabihin nito? Anong ginagawa nila.... dito?" Si Alexa. Hindi mahahalata ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa dilim. Kumawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Relax. Siguradong mag-eenjoy ka dito. Mas marami mas masaya."

Nag-umpisa namang maghubad ang apat sa mga kasama nito ng pang-itaas.

"Martus ano pang tinutunga tunganga mo? Mabilis lang 'yan mapapaputukan ni Sic!" Si Daichi. Bumalot ang tawa nito sa buong kwarto. Napatawa din ang mga kasama nito. Rinig na rinig ni Alexa ang sinabi nito.

"Matatagalan kami! Labas!" Sigaw ni Sic ngumisi.

"Tol pinapalabas mo kami? Akala ko ba--" Si Tagashi.

"Privacy naman. Wag naman bastos." Nag-umpisa nang halikan ng marahas ni Sic si Alexa sa leeg pababa sa malulusog niyang dibdib habang hinahaplos din nito ang hita niya paitaas.

Hindi naman sinunod ng mga kasama ang sinabi ni Sic. Nanatili lang mga ito doon na nanonood.

"Venus..." Pasimpleng bulong ni Alexa! Ikinumpas ng pasimple ang mga kamay!

"Huh may sinasabi ka ba mahal?" Nagpatuloy ito sa paghalik sa dibdib niya. Sa totoo lang hindi niya masikmura ang ginagawa nito sa kaniya.

AAAAAAAAHHHHHHHHHHH

"SIC TULONGGGGGGGGGGG!" Sigaw ni Daichi.

"AAAAHHHHHHH HALIMAW ANG BABAENG 'YAN!" Sigaw naman ni Tagashi.

Nagulat si Sic. Napalingon ito sa likod. Nanlaki ang mga mata. Ang lima niyang mga kasama ay napupuluputan ng mga vines! Natalian ng mahigpit ang mga kamay at mga paa nito ng mga vines ng halaman na gumagapang sa katawan nila! Hindi na nakapagsalita ang mga ito dahil ginanapangan na ito ng mga vines sa bibig na kagat kagat na nila. Umuungol nalang ang mga ito!

Napatayo sa kama si Sic. Lumingon kay Alexa na nakahiga ng pakurba sa senswal na paraan sa kama haplos haplos ang Holographic Venus Flytrap Robot na purple. Ang katawan nito'y malaking bibig na may mustache, puno ng matutulis na tinik kasya ang isang tao. Ulo ng ahas na nakakabit sa ibabaw ng malaking bibig.

"Oh ano Sic? Hindi mo lang ba tutulungan ang mga kasama mo?" Dumapa sa kama hawak ang baba. Kumindat si Alexa dito. Nagkagat labi na nang-aakit.

Bakas sa mukha ni Sic ang takot. Napalunok ito at nanlaki ang mga mata. Nagpalipat lipat ng tingin kay Alexa na nakangiti at sa higanteng Venus Flytrap na nasa tabi nito. Purple na ang lens ng mga mata ni Alexa! Ang nagliliwanag na Venus Flytrap tattoo niya ay matatagpuan sa likuran sa kanan pababa sa ibabang bahagi ng katawan niya.

Napaatras ito at tumakbo palabas pero hinabol ito ng baging, pinuluputan ang tuhod at hinila pabalik ng kwarto. Napahandusay tuloy ito na hinihila ng baging at nakikiskis ang katawan nito sa sahig.

"Tulong! Tulong!" Habang pinpilit tinatanggal ang makapal na baging nakatali sa tuhod.

"Akala niyo matitikman niyo ko? Pwes maglaway kayo! Bata pa ako noh! Ibibigay ko lang ang virginity ko sa taong karapat dapat. Mga tanga! Nahulog naman kayo sa patibong ko!" Sabay ngiting abot tenga at humalakhak.

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon