2■■■ NAIVE.

344 23 14
                                    

"Nandiyan na."

Naglalakad papunta sa pinto ng condo niya para pagbuksan ang bisita. Naka-Black Lacy bra at panty pa siya. Walang paki-alam kung makita ng bisita ang hubog ng katawan. Pinapatuyo ng towel ang mamasa masa pang mahabang itim na buhok.

Binuksan niya ang pinto...

"Naive..."

"Xavian!"

"Ohhh." Napalunok ang lalakeng nakasalamin, naka-Hood at cargo shorts sa kagandahang nasa harapan.

Pumitik si Naive sa harap ng mukha ng lalaking natulala sa kaniya.

"I'm.. I'm sorry. *napalunok uli* Wala ka man lang bang balak magdamit? Ganyan mo ba winewelcome mga bisita mo?" Umupo sa couch, inayos ang salamin ng mata.

"Para namang ito ang unang beses na nadatnan mo akong nakaganito lang."

"Saka komportable ako eh na ito lang ang suot bakit ba? At.. kampate naman ako na wala kang gagawing masama. Kung meron man, masasampulan ka ng Martial Arts Skills ko." Dagdag pa niya. Ngumisi. Isinara ang pinto.

Pumunta sa kusina. Binuksan ang Ref. Lumingon sa lalaking nakaupo sa couch na titig na titig sa kaniya habang kumikilos.

"Juice or Beer?" tanong niya.

"Beer...?"

"You sure?"

"Yes... "

Kinuha ang dalawang cans ng beer sa Ref. Pumunta muli sa sala at binato sa lalake ang isa. Muntikan na nitong hindi masalo. Natawa siya.

Umupo siya sa mahabang couch. Binuksan ang can ng beer. Pinatong ang kaliwang siko sa sandalan nito. Nag-Cross legs. Uminom.

"Lam mo.. Nawawala ang pagka-Nerd mo kapag nakikita ako." Si Naive ngumisi.

"Luhh Nu bang sinasabi mo?"

Tinitigan ng parang nang-aakit si Xavian. Napalunok naman uli ito at nilihis ang mga mata. Namula.

"See?" Natawa. "So.. Ano nga palang pinunta mo dito?"

May dinukot ito sa bulsa. Inabot kay Naive.

"Buksan mo." si Xavian.

Binuksan ni Naive ang envelope. Binasa ang laman.

"Xavian! Tanggap ako!" Napangiti siya ng abot tenga. Niyakap ng mahigpit si Xavian unaware of her nakedness. Muntikan ng malaglag ang salamin ni Xavian.

"Hey. Easy." Inayos ni Xavian ang salamin niya. Naramdaman niya ang pagdampi ng balat ni Naive sa kaniya. Dumistansya si Naive.

"I'm sorry." Si Naive.

Parehas silang namula.

"Masaya akong nakikita kang nakangiti na ngayon. Mas lalo kang gumaganda."

"Bola." Si Naive umirap, uminom.

"Paano ba yan maghihiwalay na tayo. Mukhang matagal-tagal pa bago tayo uling magkasama."

"Xavian tama na nga ang drama. Hindi pa ako mamamatay. Saka bibisitahin naman kita o ikaw bisitahin mo 'ko sa Occultus? Para saan pa 'to?" Itinaas ang hintuturo, pinakita ang silver na singsing. Pinipindot ang itim na dyamante sa gitna nito, then lalabas ang isang hologram kung saan pwedeng mag-usap ng harap-harapan.

"Hindi ko din maintindihan sayo kung ba't nag-apply ka pa ng scholarship sa Royal Council kung tutuusin kung gusto mong mag-aral sa Phoenix, kaya mo naman."

"Ayokong galawin ang perang iniwan sa akin nina Mom at Dad... Pero kung sakaling hindi ako natanggap, mag-aaral pa rin ako sa Phoenix. You're right ako ang gagastos. Gusto kong hanapin ang sarili ko."

Tumango si Xavian, inayos uli ang salamin ng mata at lumagok ng beer.

"Tutal alis mo na rin naman bukas, let's have..... a late dinner.... sa labas.. My treat."

"No. Ako na. Ako naman ang aalis eh."

"Hindi. Ako na magbihis ka na." Si Xavian namula.

"Tong nerd na 'to." Natawa. "Okay but seriously, Xav... Salamat. Lagi kang nandiyan palagi. Simula nang mawala sina Mom at Dad. Hindi mo na ako iniwan. Salamat sa friendship."

"Hanggang doon nalang ba?"

"Ang alin?" Si Naive patay malisya.

"Tayo....?" Si Xavian tumayo.

"Magbibihis na ako." Umakyat na siya ng hagdan. Sa taas ng hagdan ay platform na agad kung saan nakalagay ang King size bed, closet at iba pang mga kagamitan.

Si Xavian na sinusundan ng tingin ang babaeng papaakyat ng hagdan habang inuubos ang natitira pang laman ng can.

■■■■

"Let's go?"

Tumango si Xavian. Nasa mga mata niya ang paghanga. Lumabas na sila ng condo. Pumunta sa parking lot kung nasaan ang black motorbike niya.

"Hindi ko alam kung nerd ka ba talaga o nagpapakanerd lang? Astig ng motorbike mo ah!" si Naive habang nakayakap sa likuran ni Xavian. Mabilis na pinapatakbo nito ang motorbike.

■■◐▲◑■■

Tattooed Warrior PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon