Chapter 20

891K 14.5K 1.5K
                                    

Hindi ko maintindihan 'yung set-up namin ni Dustin—matagalang sleepover lang ba ito, bisita grande o baka naman nag-li-live-in na pala kami at hindi ko pa alam.

Sa akin na s'ya umuuwi at sa akin na rin s'ya natutulog, naliligo, kumakain at wala na s'yang ginawa kundi landiin ako. Pagod na pagod tuloy ako araw-araw. Naisip ko nga kung kailan darating ang panahong magsasawa na kami kasi dinaig pa namin ang mga hamsters na nakita ko sa Bio Research noon sa tindi naming maglambingan. Kahit kakain, manunuod ng TV, maliligo at ultimo pagtawag ng food delivery ay naglalampungan kami.

"Anong gusto mong meryenda?" tanong ko habang nakakalong akong nakaharap sa kanya. Ewan ko ba kung bakit gustung-gusto ni Dustin na nakakalong ako sa kanya. Ako naman malantod, kumakalong din. Si Dustin ay ubod nang touchy. Lahat yata ng sulok ng katawan ko ay nahawakan na n'ya at natikman.

Noong una, parang naririndi pa ako sa sobra n'yang mahawak—sino ba naman kasing babae ang gustong may nakalambitin sa dibdib n'ya habang nanunuod s'ya ng The Walking Dead sa TV o humihimas-himas sa mga binti n'ya habang kumakain s'ya ng agahan? Wala. Because contrary to what men think, there are times when women do not like to multi-task—if we want to make love, we have to be in the mood for making love and if we want to watch TV or eat, back off and get your hands off our boobies.

Pero, siguro sobrang taas yata ng level of adaptability ko kasi sa kakakulit sa akin ni Dustin, kahit ilang beses ko na s'yang kinaltusan, ay nasanay na rin ako sa mga hawak-hawak n'ya kahit may iba akong ginagawa.

"Pwede na ako rito, Babe." He squeezed my boobs gently. "This is more than enough for me," he huskily added.

"Alam mo, 'di ako naniniwala dati na nakakalaki ng dibdib 'yung paghawak-hawak na ganyan pero pakiramdam ko talaga lumaki ang dibdib ko at bumigat. Nakakainis. H'wag mo na ngang hawakan 'yan, mamaya hanggang baywang ko na 'yang dede ko bago pa man ako mag-thirty," I said.

He laughed. "Patingin nga." Hinila n'ya pataas ang t-shirt ko.

Hindi ako nag-ba-bra kapag nasa bahay lang at kami lang dalawa ang magkasama. Kung pwede nga lang, 'di na rin ako magpa-panty pero paniguradong hindi n'ya ako tatantanan. Baka forever na kaming connected kapag gan'un ang ginawa ko at dadaigin pa namin ang Nokia sa tag line nilang Connecting People.

"Gan'un pa rin naman." He sounded thoughtful as he held my boobs with both his hands as if weighing them. "They still look gorgeous. And appetizing."

"I'm sure you think they're gorgeous at sigurado rin ako na appetizing sila para sa'yo sa tindi ng panggigigil mo d'yan. Baka nga habang natutulog ako ay nililigawan mo ang mga 'yan, eh," I replied rolling my eyes at him.

He laughed softly.

"Bakit ko naman iisa-isahin ang mga parte ng katawan mo, Babe, samantalang pwede namang dumiretso na ako sa'yo, hindi ba? Mapapasaakin pa silang lahat."

"Hindi sila for sale, for loan lang," I flippantly replied and he dipped his hand inside my cotton shorts.

"Anong for loan? Akin lang ito," he whispered against my cheek.

I trembled with desire. Ano ba, Lia. Girl scout ka, eh! Ready ka parati. Kaunting hagod lang bumibigay ka na kaagad dito kay Mighty Meaty. Magpakipot ka naman!

"Dustin naman, gutom na ako, eh," I protested half-heartedly as he placed open-mouthed kisses along my neck. "Dust..." I knew I sounded whiny but I didn't mind. S'ya nga kulang na lang ay magmakaawa s'ya minsan pagbigyan ko lang. Ako naman, maawain, wala pang two seconds humihilata naman ako kaagad. "Dust naman, eh..."

"Pa-meryendahin mo naman ako, Babe. Ipaghahanda kita ng French toast as payment, I promise."

"Aanhin ko naman 'yung French toast?" I asked biting my lower lip as he continued to fondle me. "Babe, gutom na nga ako...Babe..."

Bedroom Negotiations ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon