Chapter 8

970K 14K 1.8K
                                    

Ay puta. Yun kaagad ang naisip ko. Puta. I got screwed. Big time. Habang pinapaungol pala ako ng gago ay nagpaplano syang magpakasal sa iba. Tang-ina, anong kapestehan ang pinagagawa nitong ulupong na to?! He's engaged?

At ang lalong nakakababa ay nakuha pa nya akong imbitahan sa engagement party nya. Kailangang ipamukha sa akin?! Mukha ba akong maghahabol sayo?! I wanted to slap the smile off his face pero ayokong ipahalata ang galit ko. I was sure that he was expecting some sort of a reaction from me and I didn't want to give him the satisfaction of seeing me riled. He dropped a kiss on my bare shoulder and I clenched my fists before I smiled at him. 

"Congratulations." I said. "Kung sino man yang nauto mo, pwedeng-pwede akong magbigay ng recommendation sa kanya to praise your bedroom performance but that would be awkward, right?" He laughed as he touched my cheek. "Let's go?"

"Let's go." He smiled as he offered me his arm. Gusto ko sana syang pugutan ng ulo. Kahit alin dun sa dalawang ulo nya ay gusto kong putulin pero bagong manicure ako. "Lia."

"Yes?"

"My family will be there, please no matter how surprised you are—" Ang kapal mo!  I felt so used. Wag na magdrama, Lia you enjoyed the size of him too. I thought to myself. Oo nga naman, hindi bagay sa akin ang maging bitter kasi ayokong magkaroon ng kulubot.

"No worries, I'm not going to make a scene."

"Hindi ko naman iniisip na magwawala ka dun."

I pasted a smile on my face, magaling akong magtago ng feelings at may Masters Degree ako sa pagkukunyari. Kaya wag nyang aasahang iiyakan ko sya. But the truth was gusto kong manakit. Gusto ko syang saktan kasi sya lang ang lalaking may lakas ng loob na manggago sa akin. Sya lang din ang lalaking dinaan ako sa laki at pinaungol ako sa banyo. 

"Are you okay?" He asked. We were waiting for the elevator and I was staring at our reflection on the metallic door. I lifted my face towards him and smiled again.

"Of course. I just can't get over the fact that I look gorgeous wearing this dress." I replied. 

"Yes, you look gorgeous, Lia Agatha Carbonel." He sounded breathless.

"Thank you, Dustin Montemayor." I answered. Sana lang mapugutan ka na ng hininga, demonyo ka! Nakakagago ang hayop, ang tindi ng trip sa buhay. At talagang dadalhin pa nya ako sa engagement party nya matapos nyang labas-masukan si pempem? Tangna nito! 

"It's Dustin Marcus Montemayor." He grinned and I arched a brow. Pakialam ko, bakulaw?

"Should I call you Marc?" I asked as the elevator door slid open. We stepped inside and he pressed B1 on the panel.

"You can call me whatever you want, Agatha." Agatha?! Pauso?! Di ka lang salawahan, epal ka pa! I ranted silently.

"Your fiancée..."

"Yes?" He asked. 

"What is she like?" I was curious. Gusto kong pagdating ko sa venue ay hindi ako magmumukhang tanga, mamaya akala ko nanay nya yun pala yun ang babaeng pakakasalan nya. Mamaya magmano ako at tawagin ko syang tita tapos malaman-laman kong sya pala ang karibal ni pempem. Baka maloka ako at di ko na naman mapigil ang bibig ko at baka maging comedy ang engagement party nila.

"She's very elegant and sure of herself." Fine. Sya na ang perpekto. Siguro birhen sya at siguro habang pinupunasan ni Dustin ng kanyang mahiwagang panyo ang ano nya ay biglang may nagpakitang anghel sa kanya na may dalang picture at nagsabing: Ito ang babaeng hindi lang busilak ang kalooban, hindi pa napasok ng iba ang lagusan. "Lia?"

Bedroom Negotiations ClassicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon