Chapter 24

588 14 4
                                    

Maingay ang hallway pero para kay Julia, nilamon na ng katahimikan ang mundo niya. (Joke).

Nauna siyang lumabas ng klase after break dahil ayaw niya pang tumagal ng ilang segundo na makita ang mukha ni Albert—kahit hindi naman sila magkatabi kanina. Nakakabit din ang earphones niya sa tenga pero wala namang music.

Sawang-sawa kasi siya sa outside world. Gusto niya nang maging housemate.

Isa pa, lowbat din ang cellphone niya. Wala ring sense.

Pumunta siyang CR, di para mag-retouch kundi para maihi. Habang nakaupo siya sa inidoro, bigla niyang naalala na ito ang CR na nagkulong silang tatlo nina Vannessa dahil ngawa nang ngawa si Therese matapos mabully.

Maya-maya, narinig niyang nagbukas ulit ang pinto ng banyo.

Tapos naalala niya na no’ng araw ding ‘yon, humawak siya ng napkin para itaboy ang mga makukulit na gustong manghimasok sa banyo. Nakakahiya, si Albert pa nakakkita!

 

“Hahahahaha!” mahinang tawa niya sabay pindot ng flash.

*blok-plok-plok*

“Girl, did you hear that?” bulong lang ang tanong ng babae galing sa labas ng cubicle pero narinig ni Julia. “Shit. Someone’s out there.”

“Shhh.”

Nakakunot ang noo ni Julia habang nakatayo sa loob ng cubicle. Pagkatapos no’n, bigla siyang nakarinig ng unti-unting pagbukas ng pinto hanggang sa, “AHHHH! MAY MULTO!”

Hindi na lang pinansin ni Julia ang nangyari. Lumabas na lang siya nang banyo habang nagkakabit ng earphones na walang tunog. Eksakto naman ang pagdaan ni Albert sa corridor—parang eksena lang no’ng nanakot si Julia ng napkin.

“Wrong timing talaga ‘to. Bwisit,” sa isip-isip ni Julia.

Hindi niya tinignan si Albert; dedma ang lola mo at dinaanan lang ang lalakeng deds na deds siya. Feeling niya nga may magnet na humihila sa kanila dahil tinindigan siya nang balahibo nang magkasalubong na sila.

Nakahinga siya nang maluwag nang lumagpas na siya.

“Julia,” tawag ni Albert.

Kamuntik nang lumingon si Julia pero buti na lang gumana ang munggo brain niya sa part na ‘to dahil narealize niyang naka-earphones siya kaya dapat wala siyang naririnig—kahit si Albert pa ‘yan.

“Julia!”

Malayo-layo na ang nahahakbang niya. Mga three steps away.

Pagkatapos ng mga limang hakbang, wala na ulit siyang narinig na tumawag sa pangalan niya kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik; lumingon si Julia sa likuran niya para makitang wala nang tao sa corridor maliban sa kanya.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon