Chapter 4

1.2K 32 4
                                    

Chapter 4

(c) Shupershimmer

“Girl, grabe ka. Hindi kineri ng powers ko ‘yung nasabi mo kay Cutie!” comment ni Julia habang naglalakad na sila sa gilid ng Quiapo Church.

“Wala akong pakialam!Bastos siya, e.”

“Dapat kasi di ka na umepal,” singit naman ni Vannessa, “Nagmura ka samantalang kagagaling mo lang sa panata mo. Nakakahiya ka.”

Ngumuso na lang si Therese dahil doon niya lang narealize na medyo bobo siya sa part na ‘yon. Pano ba naman kasi, kalalabas niya lang ng simbahan, lalaitin agad siya na pangit! Life is so unfair.

“Did you see their University patches?” nangislap ang mata ni Julia, “Kapitbahay lang ng school natin ang kanila! Shocks, bakit di ko sila nakikita?”

“Mas mabuti pa kung di ko siya makikita.” Nanggigil na talaga si Vannessa.

“Ano bang pinuputok ng butsi mo?!” ani Julia, “Gwapo naman si Kuya, ah!Nag-sorry pa siya. Masyado ka namang high blood ate.”

“Di mo ba siya narinig!?” sagot ni Vannessa, “Tinawag niya akong babaeng naka-push up bra, Julia! Napakamanyak niya! Tapos kung makangisi pa kanina, halatang walang ginawang matino simula nang ipanganak siya.”

Ngumiwi si Julia, “Over ka naman, Vannessa.Bakit?Di ka ba naka-push up bra?”

“Nakasuot.”

“O, yun naman pala, e.”

“Pero tinawag niya parin akong pangit.”

Napatingin sila Julia kay Therese na kanina pa nagkakamot ng ilong. Hindi moalam kung nanunungkit ng kulangot o nagkakamot ng black heads.

“Bakit, hindi ba totoo?” nakangising tanong ni Julia.

***

Kasalukuyang nasa loob ng isang tent ang TVJ. Hindi naman sila nagcacamping, dahil hanggang ngayon ay nasa kalagitnaan parin sila ng Quiapo. Nasa loob sila ng ‘headquarter’ ng isang manghuhula.

“Bakit mo pa kasi kami niyaya, Julia?” bulong ni Therese, “Ikaw lang naman ang naniniwala sa ganyan.”

Julai raised a brow, “Tanga, wala namang masama kung ita-try ninyo. Hindi ko naman sinabing maniwala kayo. Tutal, nasa Quiapo na tayo, edi ma-try na! Malay mo, mahulaan ng matandang ‘to kung mean-to-be talaga kayo ng Justin mo.”

May tono ng pandidiri sa pagsasalita ni Julia nang nabanggit ang meant to be pero kabaligtaran kay Therese. Para siyang anime character na naging heart ang mga mata pagkarinig ng name ni Justin na kanyang sinasamba. Pwe.

Nilatag ng manghuhula ang makapal na baraha na medyo napaglumaan na.

Lagi siguro siyang naglalaro ng tong-its kaya luray-luray?Yun ang naglalaro sa isip ni Julia pagkakita sa itsura ng cards.

“Pumili ka ng tatlo.”

Pumili naman si Julia ng tatlong baraha. With matching tig-do-dos na kandila sa gilid nila, tapos sa isang gilid pa ay may bolang kristal na nakapatong sa isang maliit na mangkok. Si Vannessa, na hindi fan ng ganitong hula-hula, e, nawiwirduhan na.

Kinuha ng manghuhula ang tatlong card na napili ni Julia, inangat nang nakataob ang sign, at sinabing, “Hipan mo. Tatlong beses.”

Muntik nang matawa si Vannessa dahil napaka-epic talaga.This is so crazy.At, hinipan naman ng bobo niyang friend.

Nilapag ng manghuhula ang tatlong cards at dahang-dahang inangat ang nasa dulo. Nanlaki ang mga mata nilang TVJ nang makita ang sign.

“Winnie the Pooh!?” sigaw nilang tatlo.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon