Chapter 19

627 15 8
                                    

© Shupershimmer

Nakatingala si Albert sa chandelier ng sala nina Julia habang nakahiga siya sa couch. Walang tumatakbo sa isip niya, maliban sa nangyari.

Napahinga siyang malalim, sabay pikit. Vannessa, forgive me.

 

Nakabihis na silang pareho at natutulog sa tabi niya ngayon si Julia—alas-dos na pero gising na gising parin ang diwa niya. Kumukulo parin ang brain cells niya kanina pa.

Hindi niya nga alam kung matutuwa ba siya, o magsisisi sa nangyari. First time niya lang kasi. At ang first time, hindi makakalimutan. Naisip niya, iba parin pag nasubukan na. Hindi mapapantayan ng imagination, o kahit panonood ng porn.

Nanuod siya, isang beses, pero nandiri rin siya kaya di niya na inulit.

***

Kinabukasan, maagang pumasok si Julia sa room nila for a major subject. Naunahan niya pa ang janitor sa banyo, at mag-isa siyang nakaupo sa classroom.

Kanina pa siya ngiti nang ngiti—parang baliw.

Sana mapatawad mo ko. I’m really sorry. Nag-take advantage ako sa’yo. –Albert

PS. Sana hindi umabot sa puntong magiging instant daddy ako.

 

‘Yan ang note na iniwan ni Albert sa kama ni Julia (Binuhat niya kasi si Julia papunta sa kwarto bago umalis kaninang madaling araw.) Pagkabasa ni Julia, imbes na ma-degrade siya, natuwa pa siya.

“Ano ka ba, okay lang ‘yon!” Sabi niya sa papel kanina.

Umaalog-alog ang ulo ni Julia habang nakakabit ang earphones sa mga tenga niya. Tumutugtog ang Your Body is a Wonderland at di niya mapigilang ngumiti nang labas pa ngipin.

Naalala niya kasi ang nangyari sa kanila. Pawis. Bango. Balat. Ungol. Lahat, parang narecord ng utak niya, at paulit-ulit na nagreplay. Hindi siya makamove-on sa hotness ni Albert sa moment na ‘yon. Gustong-gusto niya yung basing buhok ni Albert dahil sa pawis. Gustong-gusto niya yung kiss na may kasamang moan.

Nagitla lang siya sa nostalgia niya nang biglang may sumulpot na babaeng nakaputi sa gilid niya—si Vannessa.

Nagkatinginan sila, at nakita niyang halos ihagis ni Vannessa ang bag sa upuan.

Inalis niya ang earphone. “Bad mood?”

“Medyo.” Sumimangot si Vannessa. “Si Vincent kasi.”

Nakuha bigla ang interest ni Julia nang lumitaw sa bibig ng kaibigan niya si Vincent.

“Bakit?” Ngumiti pa siya. “Ano’ng ginawa niya? Ano bang estado ninyo?”

“Hindi ko alam,” sagot ni Vannessa. “Busy siya sa Mr. and Ms. Tourism. Sabi niya kagabi, ihahatid niya ko ngayon umaga, tapos naghintay naman ako. ‘Yun naman pala may photoshoot siya. Nakakainis.”

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon