Chapter 14

735 22 19
                                    

© Shupershimmer

Nag-uunahan ang dalawang uhog ni Therese habang nag-iiiyak sa loob ng girl’s cr. Syempre, to the rescue ang kanyang friends with benefits na sina Vannessa at Julia.

“Oh Gosh, what happened Therese? Sino’ng may gawa niyan sayo?!” hysterical na tanong ni Julia pagkapasok niya sa banyo.

Silang tatlo lang ang nag-occupy nang banyo at ni-lock nila sa loob.

Hindi makasagot si Therese dahil sobra ang hagulgol niya. Si Vannessa naman, nakatayo lang sa tabi niya hawak ang toilet tissue na malapit nang maubos dahil sa kakapahid ni Therese ng sipon.

“Hay nako, ewan ko kung sino’ng nagbuhos sa kanya ng itlog,” sagot ni Vannessa. “Pero malakas ang kutob ko na pinagplanuhan ‘to ng fucking fans ni Justin.”

Napangiwi si Julia habang nakikita ang madulas na texture sa mukha ng kaibigan niya.

“You should take a bath,” suggest niya naman.

“Kanina ko pa sinasabi, ayaw niyang kumilos. Nakakainis.” Naubos na ang toilet tissue na hawak ni Vannessa kaya pumasok siya sa isa pang cubicle at dinukot ang natitirang tissue.

“Nasa’n na pala si Justin!? Diba dapat kasama mo siya dito? Sa hirap at ginhawa? Aba, boyfriend mo siya, dapat pinagtanggol ka man lang niya!” nag-echo pa ang boses ni Julia sa loob.

Hindi na naman sumagot si Therese.

Instead, Vannessa rolled her eyes. “Isa pang putanginang ‘yon!” nabigla si Julia sa narinig niya. “Tarantado! Tinawagan ko kanina para sabihing bumaba rito! Alam mo ang sinabi?! ‘Ayoko, allergic ako sa itlog.’ Sino’ng di iinit ang ulo don? Bwisit!”

“What?!”—lumaki na naman ang bunganga ni Julia—“Seriously? Sinabi niya ‘yon!?”

“Pakshit!” busangot na ang mukha ni Vannessa. “Ano’ng klaseng reason ang ‘allergic sa itlog’?!”

“Oo nga!” pag-sang-ayon ni Julia. “Paanong naging allergic siya, e, may itlog nga yon! Sa baba nga lang.”

“DALAWA PA 'KAMO.” nanggigigil na gatong ni Vannessa at lumakas lalo ang pag-iyak ni Therese na parang bata.

“Wag mo nga siyang iyakan, Therese!” sabi ni Julia. “Unahin mo muna sarili mo. Ang dugyot mo. Mukha kang panis na omellete.”

Binitawan ni Vannessa ang hawak na tissue at pinatong ang dalawang kamay sa balikat ni Therese.

“Girl, it’s okay. Maligo ka muna, at pag-usapan natin mamaya ang plano or… isumbong natin sa Guidance ang nangyari. Classmate naman natin si Albert, e, siya na ang bahala—“

“Ako na magsusumbong kay Albert!” pagsingit ni Julia.

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon