CHAPTER FIVE (HALF-UPDATE)

1.4K 48 3
                                    

THIS IS OBVIOUSLY A HALF-CHAPTER. I HAVE TO POST THE HALF OF IT SO YOU WOULD HAVE A GUESS WHAT'S GOING ON IN THIS STORY. SUPER TAGAL NA KASI AKONG HINDI NAKAKAPAG-UPDATE RITO. SO, HERE YOU GO. ENJOY THIS CHAPTER AND THE OTHER HALF WILL BE POSTED ONCE I'VE GOT A TIME. ENJOY, ALL OF MY SWEET AND LOVING READERS! LOVE YOU ALL. DON'T FORGET TO GIVE YOUR COMMENTS AND SUGGESTIONS AND OF COURSE, IF YOU LIKE THIS CHAPTER, JUST CLICK THE VOTE BUTTON. PASENSIYA NA KUNG NATAGALAN. GOD BLESS YOU ALL!

"WHAT is he doing here?" isang maawtoridad na tanong iyon mula kay Celine.

Parehong napalingon sina Michael at Rod rito. "How about you? What are you doing here, Celine?" tanong niya.

"Ako ang unang nagtanong, Michael."

Napabuntong-hininga siya. "Hindi ka parin nagbabago. You always take good care of your sister."

"That's my obligation, Michael. Now, answer me. What are you doing here?" diretso ang malamig na tingin nito sa kanya.

"I'm here for Ruby and for you too."

"Don't give me your lame excuse. And your presence is not needed here?"

"Ruby is sick-"

"Rod and I can take responsibility on that," sansala agad nito sa sasabihin niya. "We've been doing it for four years without needing your help."

"Celine, I thought, napag-usapan na natin ito," sumingit si Rod.

"Well, Rod. I've changed my mind," binalingan nito ang doktor.

"Celine, you agreed that he's the last card for Ruby's-"

"Hindi mo ba nakikita ang naging epekto sa kapatid ko tuwing alam niyang nariyan lang si Michael? No buts, Rod. I can decide everything about my sister. Alam kong ako lang naman ang kailangan niya."

Akmang tatalikuran sila nito ngunit mabilis niyang nahagip ang braso nito at iniharap ito sa kanya.

"You can't decide for her, Celine."

Pumiksi ito ngunit hindi niya ito binitiwan. "Wala ka nang magagawa, Michael. She needed no one aside me."

"Oh, really? Someday, Ruby will realize that she really doesn't need you, Celine. Because I'm here already."

Pagak itong natawa. "Don't be so sure of yourself, Michael. As if naman minahal ka ng kapatid ko noon."

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito. At kumuyom ang isa niyang kamay. Damn it! Sukat sa sinabi nito ay lumipad ang tingin niya kay Rod at binitiwan ang babae.

Lumapit ang doktor sa kanila. "Ruby was just scared to face you, Michael. Kaya niya nasabing may relasyon kaming dalawa kanina. But we don't have," mabilis na paliwanag nito saka ito bumaling kay Celine. "Ikaw, bumalik ka na kung saan ka man nararapat."

Manghang tumingin ito kay Rod. "How dare you say such things, Doctor Sebastian. Ruby won't allow me to go. That's why I'm here. So, you better keep doing your job as her doctor or else, we wouldn't need your service anymore."

"You can't say those things towards me, Celine."

"You are Ruby's doctor and we pay your service. So, I can say whatever I want to you."

Tumiim ang mga bagang ni Rod.

This is not Celine! Michael thought. How Ruby letting her sister turned be like this? Then he reminded himself that Ruby couldn't control everything because she was sick.

"Nakalimutan mo na bang libre ang lahat ng serbisyong ibinibigay ni Rod sa kapatid mo. At nagmumula ang lahat ng iyon sa isang sponsor," Michael butted in before the things gets worst.

Michael saw Celine clenched her fist. "How did he knew all of that?" nanlisik ang mga mata nito sa pagkakatingin sa doktor.

"You can ask him," bagkus ay sagot ni Rod.

Siya naman ang sinamaan ng dalaga ng tingin.

"I am Ruby's sponsor," nakita niya ang pamumutla sa magandang mukha nito.

"No!" she exclaimed.

"Yes, but I won't tell it all to you. Unless Ruby will ask me to tell her everything."

Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha ng kaibigan niyang doktor. Shit! He cursed inside. He never expected that. Kahit naman si Rod na ngayon ay sapo ang pisnging namumula dahil sa pagkakasampal ni Celine hindi inaasahan na gagawin nito iyon.

"You will pay for this, Rod. Pinaglaruan n'yo ang kapatid ko. At maging ako ay kinasapakat n'yo pa sa pansarili ninyong dahilan. Mabuti nalang pala at nagbago ang isip ko. Hindi dapat-"

"Celine!" he shouted at her na siyang ikinagulat nito. Bahagyang napalayo ito sa kanila. Higit sa kanya. Nakita niya ang takot nito sa kanya. "Hindi mo dapat ginawa iyon."

"I-"

"Come here."

"N-no!"

"I said come here," mapanganib na wika niya.

Ngunit hindi ito tuminag. Kaya siya nalang ang lumapit rito. "W-what's with you?" she uttered.

He bore his eyes on hers. Capturing them. And he saw her fear in her eyes. He smiled. He didn't stop walking towards her.

"Michael, what are you doing?" tanong ni Rod.

Ngunit hindi niya ito nilingon. Nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata kay Celine.

"M-Michael," Celine's lips were trembling as she called him. Napaatras ito nang hindi siya tumigil sa paghakbang palapit rito. "Kapag may ginawa kang masama sa akin. I swear hindi ka mapapatawad ng kapatid ko."

"Oh, really?" huminto siya nang tumigil na ito sa pag-atras dahil pader na ng family room ang nasa likuran nito. Isang dangkal narin ang pagitan nila sa isa't isa. "I thought you love me?"

"W-what?" she almost scream.

He leaned forward. Saka niya inilapat ang magkabilang palad sa pader sa magkabilang gilid ng dalaga. He was imprisoning her by his strong arms.

"Michael-"

"Stay out of this, Rod. I'm dealing with this friend of mine," hindi niya nilulubayan ng tingin si Celine. "Four years ago, kung hindi ako nagkakamali. Pinalabas mong may gusto ka sa akin para hindi ako magkaroon ng ugnayan kay Ruby, right? You told her that you like me then, right?" akusa niya.

"M-matagal nang nangyari iyon," she whispered as she trembled.

"Well, honey. I can still remember."

"It's a bluff."

Tumango-tango siya. "Bluff? Yeah, I'm aware now. Do you know that I love your sister?"

"No, Michael. You are just lusting on her. Kaya nga, nagbago ang isip ko at inilalayo kong muli sa 'yo ang kapatid ko."

Muntik na niyang masuntok ang pader dahil sa sinabi nito. Hindi niya matatanggap iyon dahil wala iyong katotohan. "Ganoon?"

"Yes," buong tatag na sagot nito.

He sighed. "Alam mo ba kung ano'ng iniisip ko ngayon na gagawin ko sa 'yo?"

Napasinghap ito nang ilapit niya ang mukha rito. Magre-react pa sana ito nang tuluyang sakupin niya ang mga labi nito. He kissed her and he could see her eyes widen in surprised. But he didn't stop...

I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя