CHAPTER TWO

2.5K 79 6
                                    

YOSH! HELLO GUYS! NAGSISIMULA NA PONG MAGING INTENSE ANG MGA EKSENA... HAHAHA SANA PATULOY NINYONG SINUSUBAYSAYAN ANG KWENTONG ITO... DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT FOR THE STORY.. THANKS, EVERYONE... ENJOY THIS CHAPTER! LOVE YA! ;-)

"ARE you done?" tanong ni Rod kay Ruby matapos niyang isalansan ang pinakahuling gamit niya sa cabinet.

"Uhuh!" tanging naisagot niya.

"Good. Let's go?"

Napalingon siya rito. "Saan?"

"I'm going to treat you out for dinner. As you know, hindi pa ako naghahapunan. And I am famished. So, join me. And don't ever say no. I won't take it."

Napailing siya. Si Rod rin ang tipo ng taong kapag may ginusto hindi pwedeng hindi nito nakukuha. At kalimitang siya ang nabibiktima ng ugali nitong iyon. Marahil sa kadahilanang hindi rin naman siya nagrereklamo sa lahat ng ninais nito. Hindi naman rin kasi siya papayag kung alam niyang makakasama lang iyon sa kanya. Katulad nalang ng pagbabalik niya sa Pilipinas. Ito ang kumumbinsi sa kanya sa tulong narin ng Ate Celine niya. Mas makakabuti raw sa mabilisan niyang paggaling kung unti-unti niyang tatanggapin sa sarili ang lahat ng masasakit na nangyari sa buhay niya noon. At kailangan niyang magsimula sa lupang kinalakhan. Kaya sila muling bumalik roon.

Kung hindi lang sa pilit na pangungumbinsi ng kapatid niya hindi siya papayag na bumalik. Sa tingin niya kaya rin ito napapayag ng doktor dahil may gusto ang nakatatandang kapatid rito. Dahil kapag humihiling ang binatang doktor sa kapatid ay hindi ito makahindi.

Noong kinumpronta naman niya ang ate niya tungkol sa tunay na nararamdaman nito para kay Rod ay pilit nitong itinatanggi at kahit ano'ng pilit niyang pagpapaamin rito ay hindi ito nagbibigay ng kasagutan. Marahil mas gusto nitong sarilinin ang nararamdaman.

"How about Ate?"

Malalim na napabuntong-hininga muna ito bago sumagot. "Ibili nalang natin siya ng makakain niya pagbalik natin. Tutal, sabi mo nga nagpapahinga na siya. I'm sure, hindi sasama sa atin iyon dahil ayaw niyang ginigising siya mula sa kanyang beauty rest," ngumisi ito. "Okay lang rin naman na iwanan natin siya. Safe naman ang lugar na ito dahil may guard na laging nagpa-patrol umaga man o gabi dito sa loob ng subdivision."

Napangiti narin siya. "Okay. Pero may tanong ako."

He raised his brow. "Spill it out," anito na tumayo na mula sa kama at tinungo ang pinto ng kwarto.

Agad naman siyang sumunod rito. Hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit. Hindi naman na kailangan iyon dahil maayos naman ang t-shirt and jeans na suot niya. Kapares ng itim na sneakers para sa panyapak niya.

"What do you think about my sister?"

Bahagyang nilingon siya nito nang pababa na sila ng hagdan mula sa pangalawang palapag ng bahay. "Para saan ang tanong mong iyan?"

Ngumuso siya. "Hindi ba pwedeng sagutin mo nalang ang tanong ko kaysa sagutin mo ako ng tanong rin?"

Nang makarating sila sa garahe ay binuksan nito ang pinto ng itim na revo nito na nakaparada roon. Lumigid ito sa passenger's seat at pinagbuksan siya ng pinto bago ito pumwesto sa driver's seat at binuksan ang ignition ng sasakyan.

"That is not a typical question you would ask, Ruby. Ano'ng gusto mong malaman mula sa akin tungkol sa kapatid mo?" minaniobra na nito palabas ng subdivision ang sasakyan.

"Gaano kahirap sagutin ang tanong ko, Mr. Sebastian. Sasagutin mo lang ako kung ano ang tingin mo sa kapatid ko tapos kung anu-anong tanong na ang sinasabi mo diyan. Bakit ka ba ganyan?" maktol niya.

Nilingon siya nito mula sa pagmamaneho. "Hey, why are you acting like that? Spoiled brat."

"Ang hirap mo yatang kausap ngayon, Rod. Bahala ka nga diyan," kunway naggalit-galitan siya.

I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)Where stories live. Discover now