CHAPTER EIGHT (1st half chapter)

1.1K 29 8
                                    

Hello there! Sobrang ikli lamang po ng aking sasabihin ngunit taos puso po akong nagpapasalamat sa mga nagbabasa ng kwentong ito. Ilang taon din po bago ako nakabalik. Ngunit ito lamang po muna ang maiaalay ko. Pagpasensiyahan nyo na. Hanggang sa muli!

NAPAUNGOL si Ruby nang magmulat ng mga mata. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga iyon nang hindi niya makilala ang sariling silid. Nasaan ako? Mas lalong nanlaki ang mga mata niya nang tangkaing igalaw ang mga braso at mapagtantong nakatali ang mga iyon sa ulunan niya at nagdudugtong sa headboard. Nanggilalas rin siya nang maging ang mga paa niya ay nakagapos rin sa magkabilang poste nang bedpost. Malakas ang kabog ng dibdib nang ilibot niya ang tingin sa silid na iyon habang pilit na inalala kung bakit siya nasa sitwasyong iyon. Ang huling natatandaan niya ay nasa sementeryo siya para dalawin ang pamilyang nahimlay. Pagkatapos...

Ganoon nalang ang kabang lumukob sa dibdib niya nang maalala ang lalaking humarang sa kanya bago pa man siya makalabas ng sementeryo at may pinaamoy ito sa kanya bago siya mawalan ng malay. No! He can't do this to me! Wala akong matandaang masamang ginawa sa kanya para gawin niya sakin to... Sa isiping iyon ay pilit niyang binabaklas ang pagkakatali sa pamamagitan nang paghila sa braso niya. Hinihihiling na sana'y makawala siya sa pagkakagapos. Ngunit masyadong mahigpit ang mga iyon. Siniguro ng gumawa na hindi talaga siya makakatakas. She felt her skin throbbing. Sigurado siyang nasugatan na niya ang balat sa pagpipilit na makawala ngunit wala rin namang nangyari. Ni hindi man lang lumuwag ang tali. She felt helpless. Biglang pumasok sa isip niya si Michael. Hindi kaya hinahanap na siya nito? Maging si Rod ay sigurado siyang hinahanap na siya nito. Ni wala siyang pinagsabihan kung saan siya pupunta.

Napalingon siya sa pintuan ng kwarto nang gumalaw ang seradura niyon. Sa kaalamang ang lalaking iyon ang papasok ay mabilis niyang ipinikit ang mga mata para magkunwaring tulog.

"Well, well, well. Hindi ka parin talaga nagbabago. Spokening dollar ka parin talaga."

Sandaling hindi ito nagsalita marahil pinakikinggan ang sinasabi ng kausap.

Iminulat ni Ruby ang kaliwang mata upang silipin ang lalaki. May kausap ito sa telepono habang nakatalikod sa kanya. Ngunit agad rin niyang ipinikit muli ang mata nang lumingon ito sa direksyon niya. Mas lalong pinalakas niyon ang kabang nararamdaman niya.

"Ang bilis mo namang makalimot, pare. Kumusta naman kayo ni Ruby? Oh, by the way..." binitin nito ang sinabi.

Hindi humihingang hinintay niya ang sasabihin pa nito. Sino kaya ang kausap nito?

"Katabi ko nga pala siya ngayon. She's unconscious to be exact."

Muntik na siyang mapasinghap kung hindi lang niya napigilan ang sarili. Naramdaman kasi niya ang paghaplos nito sa pisngi niya na siyang nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan nang dahil sa takot. Mas lalo siyang pinanginigan sa takot nang parang demonyong tumawa ito ng dahil sa sinabi marahil ng kausap.

"Walang mangyayaring masama sa kanya kung susundin mo ang lahat ng sasabihin ko, Michael," anito sa mabalasik na tinig.

Michael... Oh, God!

"Gusto mo bang gisingin ko siya para malaman mong maayos pa ang lagay niya... sa ngayon kung hindi ka gagawa ng ikapapahamak niya," muling tumawa ito ng nakakaloko.

Lihim na napaigik ang dalaga nang maramdaman ang pagsampal ng lalaki sa pisngi niya. Ngunit hindi niya iminulat ang mga mata. At marahil nalaman na nitong nagkukunwari na siyang natutulog-tulugan kaya isa pang malakas na sampal ang pinadapo nito sa pisngi niya.

"Gumising ka!" sigaw nito.

Shit! Napahikbi siya dahil sa sakit. Pakiramdam niya nangangapal ang pisngi niya sa ginawa nito. Nalasahan niya rin ang dugo galing sa labi niya. Sigurado siyang pumutok iyon.

Malaki ang pagkakangisi ng lalaki nang magmulat siya ng mata. "B-bakit?" aniya.

"Hello there, criminal. Kumusta ang tulog mo?" tila wala sa sariling tanong nito sa kanya.

Tuluyan na siyang napaiyak. "A-ano bang sinasabi mo?"

She saw him gritted his jaw. His eyes were full of fury and she doesn't know where his anger came from towards her. Dahil kahit anong gawing pagkapa niya sa isip wala siyang maalalang atraso rito.

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Bagkus ay galit na itinapat nito ang cellphone na hawak sa tenga niya. "Kausapin mo ang lalaking mahal mo bago pa magbago ang isip ko at patayin kita ngayon ora mismo dahil sa pagmamaang-maangan mo."

Mariing umiling siya. Kung si Michael nga ang nasa kabilang linya. Nasisiguro niyang gagawin nito ang lahat para mailigtas siya. Nagawa nga nitong bantayan siya sa loob ng apat na taong inakala niyang wala na itong pakialam sa kanya. Hindi niya ipapahamak ito upang makabawi man lang siya sa pasakit na binigay niya rito noon.

Ngunit mukhang hindi nagustuhan nang lalaking kaharap ang hindi niya pagsunod. Mabilis na kumilos ang kaliwang kamay nito para hawakan ang leeg niya upang sakalin. Mahigpit iyon at pinipigilan ang kanyang paghinga.

"Kakausapin mo siya nang hindi ka nasasaktan o gusto mong iparinig ko sa kanya na pinahihirapan kita sa paghinga," galit na sigaw nito.

Muling umalpas ang luha sa mga mata niya. She really felt helpless and useless. She doesn't want to die yet not until she hasn't talk to Michael. Pero parang may masamang balak ang demonyong ito kay Michael kaya pinipilit siya nitong makipag-usap sa binata. She let her tears roll down her face nang hindi parin nito binibitiwan ang leeg niya.

"Ano! Sumagot ka!"

Napipilitang tumango siya rito. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanya kaya kailangan niyang sundin ito. 


Idinuldol muli nito ang cellphone sa tenga niya matapos tanggalin ang kamay nito sa leeg niya. 

Ilang beses siyang umubo nang makapasok ang hangin sa baga niya.

"Ruby..." anang tila hirap na tinig ni Michael sa kabilang linya.

Hindi siya nakapagsalita nang marinig ang tinig nito.

"Ruby, please talk to me."

Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay biglang inilayo ng lalaki ang aparato.

"Now let's here your conversation," anito nang inilagay sa loud speaker iyon.

Kagat-labing wala siyang nagawa. Muli nitong inilapit iyon sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love my Sister's Bestfriend: Back for Worth (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon